(Anicka) Hindi ko pinansin ang aking nadarama. Ngayon nandito at kasama ko na naman ang tatlong nilalang na naging dahilan sa aking mapait na nakaraan. Humakbang ako palapit kay Gregory, kasama na nya ngayon ang kanyang ina at si Hannah. Kailangan kong kunin ang aking anak. Sabi ko na nga ba, hindi magdulot ng maganda ang pagpunta namin ni Shawn dito. Teritoryo na pala ang hacienda Deo Gracia ng mga masasamang nilalang. "Anicka, hello."nakangiting bati sa akin ni Hannah, nakipagbeso- beso pa sya sa akin, na parang wala syang ginawang masama sa akin noon. Ayaw kong makipagplastikan kaya hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti. Hindi ko rin itinago ang pag- ismid ko dahil sa ginawa ni Hannah. "I'm sorry." ani ni Hannah nang naramdaman na hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa. "Hindi n

