(Anicka) Dahil sa malakas na ulan na syang naging dahilan sa pagbaha ng tulay na daraanan dito sa San Ignatius patungo sa lungsod, kaya hindi na naman kami nakauwi ngayon ng anak kong si Shawn. Akala ko kanina, titigil na ang ulan dahil medyo malinaw na ang kalangitan, kaya napagpasyahan ko na pumunta sa palayan para makita kung may pagbabago ba doon. Habang si Shawn naman ay naiwan sa mansyon at binabantayan ni Aling Sasha, kasama ang dalagita nyang anak na kaedaran lang ni Lily. Hindi ko lubos akalain na nasa palayan pala si Gregory, kung alam ko lang, sana doon na ako sa tubuhan pumunta. I was about to leave nang biglang umulan ng malakas. Kaya kahit ayaw kong makasama si Gregory pero wala akong nagawa. Nasa loob kami ngayon ng isang kubo, dito kami nagpalipas ng ulan. Basang- ba

