(Anicka) Bukas na ang alis namin ni Shawn kaya napagpasyahan kong bumisita ngayon sa puntod ng aking ama, pati na kay Don Eduardo. Hindi ko isinama ang aking anak dahil maliban sa maputik ang daan dahil sa malakas na ulan, kasama din nya ang kanyang ama. Una kong pinuntahan ang puntod ni Don Eduardo dahil mas malapit lamang ito sa lugar. "Lolo, alam na po ni Gregory na anak nya si Shawn. Sa ngayon po, perma nalang ni Gregory ang kulang para tuluyan nang ma- prosesso ang annulment naming dalawa. Wala na po talagang kailangan ayusin sa pagsasama namin. Isa pa, hindi ko kayang iwan si Franco para kay Gregory. Kailangan nya ako. Hindi din nya ako iniwan nung mga panahon na kailangan ko sya." Pinilit kong ngumiti. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin ni Gregory, hindi parin mababago ang d

