(Anicka) "Teka, ano po ang ginawa nyo ma'am Belinda?" laking mata kong sambit, bigla kasi syang lumuhod sa aking harapan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na galit ako sa kanya at hindi ako dapat magpauto sa kanya dahil baka may masama syang pinaplano. Pero bakit nakaramdam ako na tila kurot sa aking puso? Bakit ako nasasaktan nang nakita syang nakaluhod sa aking harapan ngayon? "Please Anicka ija, hayaan mo naman akong alagaan ka ngayon. Hayaan mo naman ako. Matagal ko nang pangarap na alagaan ang aking anak na hindi ko nagawa dahil---" hindi nya tinuloy ang kanyang gustong sabihin. Sunod sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi ba nya naranasan na alagaan si Gregory? Litong- lito katanungan ng aking isip. Ipinikit ko ang aking mga mata, ayaw kong

