(Third Person POV) Kasama ngayon ni Anicka si Franco, may mahalaga silang pinag- uusapan nito. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang bumalik sila ni Shawn dito sa Manila. At sa loob ng isang linggo na yon ay ang halos araw- araw na panunuyo ni Gregory sa kanya. Tuluyan na sana syang bibigay kay Gregory pero hindi nya alam kung bakit may pumipigil sa kanya. Iniisip nya si Franco at palaisipan din sa kanya si Hannah. Paano nalang kung totoo ang sinasabi ni Hannah? Paano nalang kung muli syang masaktan? "Are you sure that you are fine?” paninigurong tanong ni Franco sa kanya. “Hindi din naman kami magtatagal doon, maninirahan lang kami doon ng mga isang taon.” Magkatabi sila nito na nakatayo sa balkonahe ng isang restaurant kung saan sila nagdinner. “I will be fine, Franco.” Ani ny

