KATULAD ng inaasahan ko ay hindi kaagad ako pinabalik nila Mama sa Manila. Halos isang linggo akong nakakulong lang sa kwarto, lalo na't wala naman sa mga ito ang gustong kumausap sa akin. Para akong nakaburo.
Isa pa sa mga hindi ko nagugustuhan ay kung paano nila pakitunguhan si Priston. They were treating him the best. Halos mas buo pa ngayon ang tiwala nila rito kaysa sa akin. And I know, of all people that he don't deserve the hospitability he's getting from my parents.
Kung wala lang sa akin ang hindi pagbalik sa Manila ay baka sinabi ko na ang totoo. But as much as I hate to admit it, Priston is my free pass.
Tahimik akong naglakad patungo sa pinto upang lumabas. Hawak ang bag ko habang suot ang kaparehong damit na gamit ko nang mapunta rito. Wala naman kasi akong ibang panglakad na kasya sa akin. Halos lahat ng damit ko rito ay maliit na at kutod.
Papalapit pa lamang sa sala ay naririnig ko na ang boses ng mga ito na parang may pinag-uusapan. Matikas na nakatayo si Priston sa harap ng mga magulang ko habang seryoso ang mukha. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko habang papalapit sa mga ito.
Priston raised his left hand when he saw me. Lumitaw sa manipis na labi nito ang isang lantay na ngiti. He walked towards me and put his hand on my back. Pasimpe ko iyong tinapik 'saka lumayo nang kaunti.
"Ikaw ang magdala niyan sa Manila. Sabihin mo sa akin ang lahat ng ginagawa, pinupuntahan at pinagkaka-abalahan ni Marshall." si Mama iyon.
Hindi ako nagsalita. Mukhang hanggang ngayon ay wala paring balak ang mga ito na kausapin ako. Sa sobrang lamig ng pakikitungo nito sa akin ay mas lalabas pang anak nila si Priston kaysa sa'kin.
"Sure thing, Tita." Priston retorted.
"Ayokong malalaman na pinagtatakpan mo na naman ang anak ko." Dagdag pa ni Mama.
Hindi ko na tinapos ang mga sasabihin nito. Nagalakad ako palabas nang hindi nagpapaalam o lumilingon. Nakay Priston ang susi kaya't hindi agad ako makapasok pero mas mabuti nang maghintay rito kaysa maging palamuti sa loob.
Mabigat parin ang dibdib ko tungkol sa nangyari. But despite being guilty, I couldn't find my will to act that way. Alam ko man na mali ako ay hindi ko magawang gawin ang gusto nito. Iba na ang gusto ko ngayon. Ibang buhay na ang nakasanayan ng katawan ko. I just.. changed. And I would have to turn back time to bring back myself.
Ilang minuto pa ay namataan ko si Priston na pababa ng terrace. He was oddly looking at me. Ano pa kaya ang sinabi sakanya ni Mama para magtagal siya ng ganoon?
He unlocked the door. Nagmadali pa ito sa paglakad para pagbuksan ako ng pinto. He had me sit on the shotgun seat. So unfortunately I will have to bear being with him in this close distance for three hours or so.
He started the engine. "You didn't even say goodbye." It was said like a statement but it came out as if he's asking for a reason.
Hindi ako sumagot. Diretso lamang ang tingin ko sa daan. As much as possible, I don't want to see his face. Kahit ngayon lang, ayaw kong simulan ang araw ko na naiinis dahil sa pagmumukha nito. Kahit magka-stiff neck ay hindi ko ito lilingunin.
"Your mom and I talked a lot of times when you weren't present."
"I wasn't asking."
"Well," I saw him shrugged on my peripheral vision. "I hope you won't take it the wrong way. I can see how much your mom—"
"Did I ask you to talk?"
That shut him off. Napairap ako sa hangin. Pinasak ko ang earphones sa tenga ko at isinandal ang ulo sa bintana. I made sure to turn the music on full volume. Ngayon, whether he tries to talk or not, I wouldn't have to be bothered.
DUMAAN ang ilang oras na ganoon lamang ang ginagawa ko sa loob ng kotse. Ni hindi manlang ako nakatulog. I only opened my eyes when I realized we have arrived in Pasay.
Pinatay ko ang tugtog kahit na nakalagay parin sa magkabilang tenga ko ang earphones. Nakakaramdam na ako ng gutom. I stretched out my arms a little before I turned my gaze outside the window.
"Nagugutom kana?" Tanong ni Priston, napansin yata ang pagtingin-tingin ko sa labas.
Tahimik akong tumango. I pointed my finger at the nearest restaurant, sa aristocrat. Naalala kong nakakain na ako roon dati kasama ang banda. The price was quite affordable. Malapit narin naman dito ang studio kaya't baka dito na ako magpapaiwan.
"Doon mo nalang ako ibaba. You can go home afterwards. Malapit narin naman dito ang tinutuluyan ko—"
"Your mom told me to keep an eye on you twenty-four seven," saad nito bago ihinto ang sasakyan.
"Magsinungaling ka. You're good at it, right?" I spat back with contempt.
Tinanggal ko ang seatbelt at sinubukang buksan ang pinto pero nakalock pa iyon. Marahas akong bumuntong hininga. I knew things wouldn't go easy whenever he's involved.
"Paano ko siya ia-update kung hindi tayo magkasama?" He raised a brow, parang ayaw magpatalo.
I let out a sarcastic face, "What are you trying to say? Be with each other twenty-four seven?"
"Yes,"
And I can't believe he just said it with full confidence. Kung tanga pa siguro ako ay papayag ako sa gusto niyang mangyari.
I looked at him with my scornful look. Being with him is the least thing I want. Hindi ba siya nakakaramdam? Or was it the other way around, alam niyang naiinis ako kaya't sinasagad niya ako?
"What is it that you really want?" Hindi na ako nakapagtimpi. Since the day he appeared on my house, I've been wanting to ask him that.
"No reason."
"Hindi ako naniniwala."
"Then don't. But you'll have to be with me twenty four seven or you won't get your allowance." he said and stormed out.
I was left dumbfounded. Anong sinabi niya? I won't get my allowance? And what about it?
Dali-dali akong bumaba ng kotse para sundan siya. He sat on the table near the glass window. Agad itong tumawag ng waitress para um-order. f**k.
Malalaki ang hakbang ko habang naglalakad patungo rito. I sat infront of him. Mukhang alam nito na napupuyos ako sa galit kaya't ganoon nalang kaliwanag ang mukha niya habang nag-oorder.
"What about my allowance?"
He motioned his hand, "Be with me and you'll have it."
Mariin akong napapikit. Ito ba ang pinag-uusapan nila kanina? Ano 'to, did my mom sold to me him? Bakit parang hawak na nito ang buhay ko ngayon?
"Look, I only agreed to this because you will help me out. Ngayong nandito na ako sa Manila ay wala na akong dahilan para pakisamahan ka."
"Uhuh."
I breathed heavily. "Do you understand?"
The side of his lips rose up. "I do, I just don't care."
Goddamn it.
Hindi ko na nasabi ang mga gusto ko pang sabihin nang dumating ang pagkain. Napahawak ako sa leeg ko at yumuko. Priston is really good when it comes to testing my patience. Ngayon parang isang kalabit nalang ay sasabog na ako.
Huminga ako ng malalim at gigil na hinawakan ang mga kubyertos. Narinig ko itong ngumisi. Sa inis ay sinipa ko ang sapatos nito sa ilalim ng lamesa. Napatingin siya sa akin dahil doon.
Mabilis na inubos ko ang sa akin. Iniwan ko siya roon upang magbayad. Nagtungo ako sa gilid ng sasakyan para doon ay magsindi ng yosi. Atleast I got this. Kahit papaano ay kakalma ako.
Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kila Bleu. O kung ano ang gagawin ko ngayon. I'm sure Priston will use it against me to have things his way. He's so manipulative, nakakainis!
Isang hithit pa sa sigarilyo ay itinapon ko iyon at tinapakan. Kinuha ko ang isang pakete sa bulsa para kumuha ng panibago. Sa sobrang inis ko ay kulang na kulang ang isang stick.
"Akala ko umuwi kana."
I didn't have to turn around to know who it was. Hindi ako lumingon kahit na alam kong nasa likuran ko lang ito. Humithit ako at bumuga ng usok. Ang akala ko ay hahayaan niya lang ako ngunit bigla nitong hinila ang braso ko kung saan ko hawak ang sigarilyo.
"This is bad for your health."
I pulled back my arm. "At ikaw hindi?"
Nag-iwas siya roon ng tingin. I breathed through my nostrils. Itinapon ko ulit ang sigarilyo at binuksan ang pinto sa likod para doon na maupo. Inabot pa ito ng ilang segundo bago gumalaw at pumasok sa loob.
He started the engine. The atmosphere inside has changed. Naging tahimik na rin ito ngayon. What, does my words affect him?
HINDI na ako nagulat nang makarating kami sa studio nang hindi ito nagtatanong. He didn't try to open a conversation, but he was glancing at me from time to time.
Nang ihinto niya ang sasakyan ay hindi agad ako bumaba. I was waiting for him to talk, pero ang tingin nito ay nasa harap lang. Hindi ko alam kung may iniisip ba ito o wala lang talagang balak magsalita.
"If you're taking me with you, come with me inside the studio. Ikaw ang magpaliwanag sakanila."
Nakita ko sa rear view mirror ang bahagyang pagkagulat sa mukha nito. Nagtaas ako ng kilay bago binuksan ang pinto para bumaba. He went out and locked the door.
I'm not going with him because of the allowance. Sigurado akong may iba pang binilin sakanya si Mama, at siguradong hindi rin ako nito tatantanan. At some point I just have to do this.
Nauna ako sa paglalakad papasok sa studio. Tahimik lamang itong nakasunod sa akin kahit pa nang hawiin ko ang sliding door. Nilingon ko ito ng isang beses pero nakatingin rin pala ito sa akin kaya't agad akong umiwas.
"Marshall!"
Sabay na lumapit sa 'kin sina Nieoni at Calithea. They were the only ones here. Nasaan sila Bleu at Xash?
"You're back! Bakit hindi ka namin macontact? Anong nangyari?"
Naupo ako sa sofa. I watched Priston as he roamed his eyes around the studio. It's not really that classy, but atleast it's decent. Malinis at maganda ang interior.
Napatigil ang dalawa sa pagtanong sa akin nang matanto ang prisensiya ni Priston. I could see the questions in their eyes. Sumandal ako sa headrest at hinimas ang noo ko.
"Explain." I was referring to Priston.
Nagtaas ito ng dalawang kilay at binalingan ng tingin sila Nieoni. He looks as though he don't know where to start. Iyong dalawa naman ay parang naguguluhan parin.
Of course, the last time we were together, I hate him to death. Ganoon pa rin naman ngayon. Napagod lang ako. I was seeing him for seven straight days. Satan know how much I begged him to fetch Priston.
"Marshall's going to live with me from now on." The jerk announced.
"What?" Nieoni beamed.
Calithea looked at me with her shoulders slamped down. "Marshall?"
"It's just what he says." I massaged my nostrils.
"Who's living with who?" Bleu appeared from the sliding door.
Pareho kaming nagkatinginan ni Priston. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero hindi ko iyon pinansin. He's not getting it easy.
Tumayo ako at tinuro si Priston. "Ask him. Magpapalit lang ako ng damit."