KULAY kahel ang langit. Naghahanda na sa paglubog ng araw upang batiin ang paparating na buwan. Maya-maya lamang ay tuluyan nang kakainin ng kadiliman ang buong kalangitan. Mga nagliliparang ibon sa itaas patungo sa kung saan. Do they also fly at night?
Lahat yata ng bagay ay may hangganan. Katulad sa kung saan lamang ang kayang liparin ng mga ibon. There are just some things in life that no matter what you do, you won't be able to reach.
Sa kadahilanang hindi pwede, o baka hindi lang dapat. Life was introduced to me that way.
"Simula ngayon, hindi mo na makikita ang mga kaibigan mo."
That was enough to woke me up from my reverie. Doon ko lamang napansin na nakahinto na pala ang sasakyan. Mabigat ang kamay na binukas ko ang pinto upang lumabas.
I left my guitar at the studio. Pati ang mga damit ko at iba pang gamit. Tanging ang suot ko lang ngayon, ang cellphone ko at ang maliit na bag na dala ko kanina ang dala ko pauwi rito. My mom was so eager to take me home.
Dumiretso si mama papasok sa loob. Our house was exactly the same as the last time I saw it. But I couldn't deny that I feel a little.. foreign.
Lumunok ako at nagbaba ng tingin. Nang huminto ito sa sofa ay patuloy parin akong naglakad patungo sa kwarto ko. I was drained, despite doing nothing for the past hours. I wasn't mentally ready for anything.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama na wari mo'y nagpipigil.
"Magpapahinga na po."
"Mag-uusap tayo ng papa mo."
I clamped my jaw hard before I turn around. Nakatayo ito sa tabi ng babasaging lamesa habang diretsong nakatingin sa akin. She was standing composedly, but her eyes was on fire.
Naupo ako sa single sofa habang ang tingin ay nasa sahig. I couldn't look at her for long. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman. I doubt I could even answer most of her questions.
"Anong balak mo?" her voice was stern.
Hindi ako makasagot. Ramdam ko ang maaanghang na titig nito sakin at kahit na gusto kong ipaliwanag sakanya ang mga nangyari, hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Marshall.." Suminghap ito. "Hindi mo alam kung gaano ang hirap namin ng Papa mo para pag-aralin ka sa kursong gusto mo! Sobrang saya namin nang sabihin mong nakapasa ka.."
I opened my mouth to say something, but I couldn't move my lips. Nagtaas-baba ang dibdib ko habang ang mga mata ay nasa ibaba parin. I was unable to do anything.
"Hindi ito ang sinasabi sa 'kin ni Priston. Ano, pinagtatakpan ka niya? Inuutusan mo siya?"
"Hindi—" Naputol sa ere ang sinasabi ko nang mapagtanto ang sinabi nito.
Sinasabi ni Priston sakanya? Anong koneksyon ni Priston dito? We broke up a long time ago!
Napatigagal ako at nag-angat ng tingin. Mapanumbat ang mga uri ng titig na ibinabato nito sa akin. Ngayong binanggit niya pa si Priston ay mas lalo akong hindi nakapagsalita. Paano napasok si Priston sa usapan?
Siya ba ang nagsabi kila Mama? Imposible. Priston is a jerk but he wouldn't do something that far. At isa pa, sobrang tagal na 'nun.. bakit ngayon lang?
"Ma.. Priston and I—"
"Tita Mari," someone else's voice corrupted the tension.
Pareho kaming napalingon ni Mama patungo sa pinto. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang matagpuan ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na naglalakad papalapit sa amin. Sa likuran naman nito ay si Papa.
Sandali.. magkasama sila?
I gritted my teeth. Hindi sa akin nakatuon ang atensyon nito pero alam kong alam niya na nandirito ako at hindi ko nagugustuhan ang prisensiya niya. Anong ginagawa niya rito?
"Priston, magpaliwanag ka. Bakit iba sa mga sinasabi mo sa akin ang nalaman ko sa Manila? Nagsisinungaling ka?"
"I'm sorry Tita, I figured you would react this way."
Napahawak sa noo si Mama. "Jusko!"
Nanatili ako sa kinauupuan ko, hindi parin makapagsalita. Mula sa likuran ni Priston ay naglakad si Papa palapit kay Mama. Humalik ito sa pisngi ni Mama at yumakap sabay tingin sa akin.
"Kumalma ka, Mari. Ipinaliwanag na sa 'kin ni Priston ang lahat."
Iwinaksi ni Mama ang kamay nito. "Kumalma? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi na nag-aaral ang anak mo!"
"Pero magpapatuloy naman siya sa susunod na taon."
"At ang pagsisinungaling niya? Ayos lang sayo? Hahayaan mo?"
Doon na sumingit si Priston, "Tita Mari, Marshall knew there was a shortcoming. Hindi pa completely paid ang tuition niya for the whole year at may bayad pa para sa OJT nila. She stopped for a reason and decided not to tell you so you wouldn't have to worry." He looked at me apologetically before he returned his gaze to my mom. "I'm sorry Tita."
Mas lalong tumigas ang mga tingin ko sakanya. Tumayo ako at mabilis na nilakad ang distansya namin ni Priston. Alam kong naramdaman nito ang panginginig ko nang hawakan ko ang braso nito. I held his arm and dragged him out of the house. Naging bingi ako sa pagtawag ng mga ito sa pangalan ko. Maging si Priston ay alam kong gulat sa naging reaksyon ko.
"Anong ginagawa mo rito?"
He smiled slyly, "Tinutulungan lang kita."
"Nanghingi ba ako ng tulong mo?" nangigigil na sipat ko.
"Bakit ba ang init ng ulo mo?"
Napasinghap ako sa tanong nito. I automatically held my nape and looked up. Umiinit ang mga mata ko. Gusto ko siyang suntukin ngayon. He's so damn annoying!
"Ano bang pakielam mo sa problema ko? Ano mo ba ako?" malakas na tanong ko rito.
"C'mon, don't you wanna go back to Manila? You sure you're living your bandmates there?"
"Shut up."
He chuckled lowly, "Stop being so difficult. I'm helping you out."
Kumuyom ang mga kamao ko. Why the hell is he even here? Paanong alam niya ang mga nangyayari? At ano ang mga narinig ko kanina na may sinasabi siya kay Mama?
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Nang muli kong tignan ito sa mga mata niya ay napansin ko ang mga mata nitong nakatutok sa ibang direksyon. Hindi pa man din ay bigla na nitong hinuli ang kamay ko at ikinulong iyon sa mga kamay niya.
"What the f**k are you—"
"Tito! We'll go there in a bit!" Sigaw nito.
Napabuga ako ng hangin at inirapan ito. Nang sinubukan niya akong hilahin pabalik ay agad kong binawi ang kamay ko. Nagmarcha ako papasok at hindi na ito nilingon.
When I entered the house, my mom was already sitting at the long sofa with my dad. She look much calmer now. I was relieved.. but the fact that Priston just saved me isn't really relieving at all.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako pinigilan ni Mama. I locked the door behind me. Matagal akong nakatitig sa kama na dating hinihigaan ko. I breathed heavily before I slammed myself at the bed. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na nagawang lumabas ng kwarto para kumain. As soon as I closed my eyes, I dozed off to sleep.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Halos hindi pa sumisikat ang araw ay dilat na agad ang mga mata ko. I went out for a jog, katulad ng ginagawa ko sa Makati. Though I almost got lost at my own town. A part of me was longing for this place.
Ayaw ko pa agad bumalik kaya nag-ikot ikot muna ako. Pumasok sa ilang convenience store para bumili ng kung ano-ano.
On my way back, I was thinking about my shop. Sa kabilang banda, kung hindi ako makakabalik, masasayang ang lahat ng perang nagastos ko. Pati ang bayad sa puwesto non. Kung hindi rin ako makakabalik.. anong mangyayari sakin dito?
There was a black car infront of the gate. Unang tingin palang ay natutukoy ko na kung kanino iyon. Though it was the first time I laid my eyes on it. Habang papasok ay nakita ko ang ilang mga kapitbahay namin na nakatingin sa akin.
Nakabukas ang pinto. May ilang plato na nakahain sa lamesa sa terrace at sobra iyon para sa tatlong tao. Napabuga ako ng hangin bago pumasok at magpalit ng damit.
Nang makatapos ay natagpuan ko si Priston na galing sa kusina. He was smiling wide. Wearing his stripe blue and black fitted t-shirt with his khaki short. Basa pa ang buhok nito. He stopped on his track when he noticed me.
"Goodmorning."
Hindi ako sumagot sakanya. If his face is going to be the first one I will see everytime I woke up, I'll just donate my eyes.
Ang agang umiinit ng ulo ko. Parang tataas bigla ang prisyon ko. Priston never cease to ruin my day. I'm always calm and collected, pero kapag ito ang kaharap ko ay nawawala ako sa hulog. Idagdag mo pa ang ngiti sa labi nito kahit na wala namang kasiya-siya.
Nagtungo ako sa terrace at naupo sa isang ladderback chair. Sumunod ito sa akin at naupo sa tabi ko. Bigla tuloy akong nawala sa mood para kumain.
Hindi ko na hinintay sila Mama at naglagay na ako ng sa akin para maaga akong matapos. Priston held my hand to stop me.
"Hindi mo ba hihintayin sila Tita?" Kunot noong tanong ni Priston.
Inirapan ko ito at hindi pinansin. Hindi na siya muling nagreact doon pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Nakakailang subo palang ako ng makita kong sabay na lumabas sila Mama at Papa.
"Nariyan na pala kayo. Priston, dito kana kumain ha."
The jerk nodded his head. Ang kapal talaga ng mukha. If my father knew what he did, food is not what he's going to eat but a fist.
Nagpatuloy ako sa pagsubo at hindi pinansin ang mga ito. Pakiramdam ko mas anak pa nila si Priston kaysa sa akin. Ito pa ang inaasikaso nila at inaabutan ng mga pagkain.
"Priston, ilan taon na ulit kayo ni Marshall?"
"Three po, tito."
Umubo ako at uminom ng tubig. How I wanted to spill the water in my mouth off him. Wala ba siyang hiya? Ganoon naba siya kagago? Wala ba siyang nararamdaman kahit na pagsisisi? Sa ginagawa niya ngayon, mas lalo niya lang dinadagdagan ang kasalanan niya. Funny how a there's a trashy man beneath his status. Shame.
Natapos ang agahan na hindi nila ako kinakausap. Ganoon rin naman ako. Tanging si Priston lang ang pumapansin sa akin na hindi ko naman nagugustuhan. Dumating ang tanghali na nasa kwarto lang ako. Hindi ko alam kung umalis naba si Priston. Ang tanging iniisip ko lang ay kung pababalikin paba nila ako sa Manila.
Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot. Hindi rin ako nakapunta sa tugtog namin kahapon. I bet it was cancelled. Hindi pa ako nakakapag-open ng social media accounts. Alam kong tinatadtad na nila ako ng memsahe. Gustuhin ko mang sumagot sa mga ito, hindi ko kaya.
Not like they can be much of a help. Wala ring magagawa kung sabihan ko sila sa mga nangyayari rito.
"Marshall? I know you're inside."
It was the jerk's voice. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatalukbong sa ilalim ng makapal na kumot. Hindi parin siya umaalis. How long does he intend to stay here?
"You're going back to Manila."
What?
Napaupo ako at napatingin sa pinto. He didn't say that so I could open the door, did he?
Despite not having any trust of him, I opened the door. Ngumiti ito sa akin sabay tap sa ulo ko. Tinampal ko ang kamay nito at iniharang ang sarili sa pinto.
"What about that?" tanong ko.
Ngumuso ito. "You're going back to Manila."
I stared at him for a few seconds. "Stop playing truth or bluff—"
"Totoo. You're really going back.. but you're coming with me."