"Nakapag-jeep kana ba noon?"
Nilingon ko si Rylle na kasabay kong naglalakad patungong paradahan. He was giving me a weird look. Tumango ako sakanya bago pumasok doon sa isang jeep na malapit nang umalis. Naupo ako sa tabi ng pinto, siya naman ay pumwesto sa harapan ko.
Kakagaling lang namin sa apartment na tinutuluyan niya. It was a two-storey building. May isa pang bakante kaya't tinignan ko ang itsura. Ang problema lang ay medyo malayo iyon sa studio, hindi ko alam kung kukunin ko dahil wala naman akong sasakyan. Siguro sa ngayon ay magtitingin-tingin pa muna ako.
Nang mapadako ang tingin ko kay Rylle ay nahuli ko itong nakangiti sa akin. I raised a brow to scare him but he only smiled wider. Bahagyang kumunot ang noo ko bago ako nag-iwas ng tingin.
Rylle looks pretty harmless so I went with him. At isa pa, kapatid naman ito ni Bleu. I'm sure she wouldn't let me be with his brother if he's not trustable. I mean, Bleu knows how picky I am when it comes to people.
I'm seeing their similarities. Rylle has the cheerful and lively vibe which her sister also possess. Naalala kong ilang beses nitong sinubukan na mag-open ng conversation kanina, ngunit kung hindi tango ay iling lamang ang isinasagot ko. I guess that brushed him off.
Hindi pa man malayo ang nai-aandar ng jeep nang huminto ito para magsakay ulit ng pasahero. Binukas ko ang maliit na bag na dala ko at kinuha roon ang itim na earphones ko. I played Billie's Lovely with a low volume.
Kahit nang pumasok ang dalawang lalaki ay hindi ako dumasog at nanatili sa tabi ng pinto. Sa labas lamang ang tingin ko habang kandong-kandong ang maliit na bag sa lap ko. I was fazed thinking about our play this evening.
Tonight's going to be our last play for this week. Xash is out for today so Rylle will appear as her proxy. Bukas at sa susunod na mga araw ay may pasok sila Calithea at Nieoni kaya't hindi kami makakatugtog. I guess I'll be busy with my shop.
Kung kaya rin ay magtatanong ako ng trabaho kay Carissa. I can't slack while waiting for the others to finish their business.
Napatigil lamang ako sa pag-iisip nang may maramdamang tumusok sa tagiliran ng dibdib ko. Agad akong napalingon roon. Iyong katabi ng lalaking nasa gilid ko ay nakatingin sa akin habang nakangisi. Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko habang palipat-lipat silang tinitignan. Was that coincidental?
I purse my lips before I went back to what I was doing. I opened my phone to pick for a music. I was scrolling back and forth when I felt the guy beside me move, making his elbow touch the side of my boob. Pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko.
"Para na po!"
Halos mapatalon pa ako sa biglaang paghawak ni Rylle sa braso ko. Agad akong napahawak sa bag ko at sumunod rito palabas upang hindi makaladkad. We were at the bonifacio street already.
Ako na mismo ang naghila ng kamay ko pabalik. Tanggal narin naman ang earphone ko sa tenga ko kaya't pinasok ko nalang iyon sa bag ko. I didn't know how to talk to him. Hindi naman dito ang destination namin. Sa MRT station dapat ang baba namin. Perahps did he saw..
"Hindi kaba nagugutom?" His voice was calm. Not lively, and definitely not cheerful. It almost sounds as if he's containing himself.
"Ayos lang." Saad ko at nag-iwas ng tingin.
Ramdam kong tumagal ang mga titig nito sa akin bago ko siya narinig na bumuntong hininga. He started walking so I followed him. Nasa likuran niya lamang ako at hindi ko na sinubukang sabayan siya sa paglalakad.
Napatingin ako sa wristwatch ko. It's pretty late. Hindi pa kami nanananghalian. Kung mag-aaya itong kumain ay sasama ako. Tutal ay pareho lang din naman kami ng pupuntahan.
I held my nape and stretch my neck. Unconsciously, my eyes landed on his back physique. Hindi naman ganoon kalaki ang pangangatawan nito. But at the very least, he's not so bad. Hindi naman siya mukhang lampa.
If he's doing well with music, what's his course? Pretty sure it's not medicine nor law. Otherwise he wouldn't have much time on his hands. Nag-aaral paba ito? Hindi ko natatandaang nabanggit na iyon ni Bleu. Or perhaps she did, when I wasn't there.
Nang bigla itong tumigil sa paglalakad ay napatigil rin ako. He turned around to scrutinize my face. I backed down for a bit. Naramdaman ba nito ang paninitig ko sakanya?
"Are you always this aloof?"
Aloof? My brows creased, a little confuse. We're neither friends nor relatives. I only know his name and that she's my friend's brother. Technically, he's still a half-stranger to me. How am I being aloof?
"Kung hindi kita hinila pababa, what would you do? Let those man touch you?"
Umawang ang mga labi ko. For a brief moment, I was dazed with perplexity. Iyon pala ang tinutukoy niya. Ibig sabihin.. nakita niya nga.
"Hindi naman nila ako nahawakan." Mababa lamang ang tono ko.
"Kasi nakapag-para na ako. The next time you're riding a public transportation with someone, stick to that person."
I get what he's mad about. But that came off strict. Ganito ba siya sa lahat ng nakakasalamuha niya? Nagtaas ako ng kilay at nagkibit balikat. No need to make a fuss out of it. Nakababa na ako at walang nangyari.
Pareho na kaming natahimik pagkatapos noon. Nagsimula ulit siyang maglakad kahit na sa palagay ko ay pinakikiramdaman nito ang prisensiya ko sa likod niya. Nang lumiko kami pakanan ay may natanaw akong isang restaurant. I was about to call his attention when he turned around, again, to face me.
"Nasaan ang phone mo?"
"Bakit?"
"My inbox is flooded. They were asking where you are."
Nagyuko ako ng tingin para buksan ang bag ko. My cellphone was vibrating with Bleu's name on the screen. Sinagot ko iyon at tumingin kay Rylle na parang naghihintay sa akin.
"Nasaan kaba? Kanina pa'ko tumatawag!"
"Bakit ba?"
"Nandito si Tita Mari! Anong gagawin ko?"
I was unable to speak for a few seconds. Mama.. she's in the studio?
"Niloloko mo ba ako?"
"Mukha ba akong nagloloko? Umuwi kana, bilisan mo!"
Nangatal ako sa huling narinig. Hindi pa man din nito pinapatay ang tawag ay tumakbo na ako para pumara ng taxi. Narinig ko pang tinawag ako ni Rylle pero hindi ko ito nilingon.
Agad akong nagpara at sumakay. Hindi ko na hinintay si Rylle. Nanginginig ang mga kamay na tinignan ko ang mga mensahe nito sa akin. Si Calithea, Nieoni, lahat sila ay may missed calls.
Paanong nangyaring nandito si Mama sa Manila? Paano siya nakapunta sa studio?Si Papa.. kasama ba siya? Napahilot ako sa sentido ko habang sinubukang tawagan si Kuya Marcel pero hindi ito sumasagot.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko pati mga ugat ko ay pumipitik. After a year.. ngayon ko nalang ulit ito makikita. Kung hindi siguro ganito ang sitwasyon ko ay matutuwa ako. Pero iba ngayon.
Kung sakaling.. nalaman nga ni Mama na nagsisinungaling ako. Ibig sabihin ay hindi na rin ako magtatagal dito sa Makati.
Just thinking about spending their money for my guitar shop. Telling lies while I'm living a different life far from what I promised them. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko o' pagsisisi. Hindi ko alan kung paano sila haharapin. Kung kanina ay nagmamadali ako, ngayon ay parang gusto ko nang bumalik. Paano ako haharap sakanila?
Nang makababa ng taxi ay halos hindi ako makagalaw. Lumunok ako at bumuntong hininga. Bumabalik lahat sa isipan ko ang mga ginawa ko nitong mga nakaraang buwan. How foolish it is to think they would never find out.
Mabagal ang paghawi ko sa sliding door. Sila Calithea ang una kong nakita. Tumayo ito nang makita ako. Halos hindi ko sila matignan nang diretso. I felt ashamed.
"Mag-impake ka. Sasama ka sa 'kin pauwi."
Nanlambot ang mga tuhod ko. Totoo nga. Nandito si Mama. Not only she look mad, disappointment was evident on her face, too.
"Ma,"
"Uuwi tayo, Marshall."
"Ayoko, Ma."
"Sasama ka sa 'kin, sa ayaw at sa gusto mo."
"Pa..paano niyo nalaman ang tinutuluyan ko? Bakit ka nandito?"
Lumapit ito sa akin at sa pag-taas pa lamang ng kamay nito ay alam ko nang balak nitong ilapad ang kamay niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko namanhid ako. I know I deserved it.
"Nag-aaral? Nakapasa? Saan ka nakapasa? Sa pagbabanda?!"
Hindi ako nakaimik. Alam nga nito ang totoo. Nanginig ang mga labi ko habang nakatayo sa harap nito. Bakas sa boses nito ang pagkadismaya at galit.
"Hindi mo alam kung ano ang ginagawa namin ng tatay mo para masustentuhan ang pag-aaral mo! At anong inatupag mo?!"
Noon pa man, ayaw na ni Mama na sumali ako sa banda. Tutol ito noon palang sa pagkahilig ko sa musika. They inroduced me to a different path which I have learned how to love afterwards.. pero iba ang nangyari.
"Ma.. "
"Uuwi tayo sa Nueva Ecija. At hindi ako aalis nang hindi ka kasama."