Kabanata 2

1825 Words
MABAGAL lamang ang lakad ko pabalik sa gilid ng stage. Hawak-hawak ko ang isang itim na serving trey na siyang ginamit ko para magbigay ng mga inumin. Sa sobrang daming bisita ay halos mapuno ang hall. Kung minsan ay nabubulag pa ako sa walang tigil na liwanag ng flash. Ang daming photographer. Sa palagay ko ay marami pa sa litratong iyon ang kasama ako. Naupo ako sa isang puting upuan sa likod ng mahabang lamesa katabi ang iba pang mga nagseserve. Ang celebrant ay nasa gitna na at sumasayaw. It was his debut. No wonder it was such a grand party. I guess it's going to be a long night. Lalo na't mukhang ngayon palang nagkaksiyahan ang mga ito. "Tired already?" Nilingon ko si Carissa na naglalakad papalapit sa akin. She was the lookout. Suot ang itim nitong masikip na bistida at takong. Her long curly hair was down, too. Dumampot siya ng isang wine glass na may lamang juice at inabot sa akin. I tilted my head. "Hindi naman." I have known Carissa for years. Siya ang palaging nagbibigay ng trabaho sa akin, though we don't really talk much. I could say we're friends. Carissa has been really kind to me, noon pa man. Ito lang yata ang taong ang dami nang naitulong pero hindi nanghihingi ng kapalit. "I heard RAVEN was featured on a tv show." she said, trying to open a conversation. "Once," I replied. "Hmm, what about your shop? 'Diba nagpapatayo ka? Is it done?" Umiling ako. "Hindi pa. It's taking longer than I expected." There was a minute of silence. She's probably out of words to say, or she don't know what to react. Tumayo na lamang ako at tipid na ngumiti sakanya. Ipinatong ko ang serving tray sa lamesa at tumalikod. Hindi na iba sa akin si Carissa pero hindi ako komportable na makipagkwentuhan sakanya tungkol sa buhay ko. I just don't think it's necessary. The venue of the party was at the hotel. Kung bababa ako ay siguradong matatagalan, ganoon din kung babalik ako pataas. I guess I should hold it in, kahit na nagsisimula nang hanapin ng bibig ko ang sigarilyo. Naglakad ako patungong ladies room, doon iyon sa labas ng hall. I was holding my cellphone on my left hand. Alas onse palang ng gabi. Kanina ay kumain na kami kasabay ng mga bisita kaya't hindi na ako nagugutom. Kung babalik naman ako doon at uupo ay siguradong isa sa mga nagseserve ang lalapit sa akin para kausapin ko. And why the hell am I finding peace at the party? Ibinaba ko ang cellphone sa restroom sink at binuksan ang gripo. I heard some weird noises on my way here but I guess it came from another room. Hinugasan ko ang kamay ko at naghila ng toilet paper. I was wearing Carissa's service uniform. May headband rin, which looks cute because it's black. My hair was fixed in a clean bun. Tumalikod ako sa salamin at bumunot ng bubble gum sa bulsa ko. "A-ah." I stop chewing. Napaayos ako ng tayo nang makarinig ng boses. Mabilis lang iyon pero malinaw sa pandinig ko, it sounds near. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa mga cubicle. I was hearing small footsteps. Nang makarating sa kalagitnaan ay lumakas ang t***k ng puso ko. Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy paba ako. My heart was ramming so fast. What the hell, may multo ba rito? "I'll see you at the party." Before I could even react, a man appeared before me, it came from the left cubicle. Napasinghap ako at napaurong. Lalaki?! "What the—" "Oh, Visere." Hindi ko na rin nagawang sumagot nang lumitaw kasunod nito ang isang babaeng nakasuot ng pulang dress. Napaawang ang mga labi ko. In a ladies room, really? Mabilis na naglakad palabas iyong babae. Nagyuko agad ng ulo kaya't hindi ko na tuluyang nakita nang tuluyan ang mukha nito. She must be embarrassed. Bumuga ako ng hangin at sinamaan ito ng tingin bago dinampot ang cellphone ko para makalabas. The air has become thin. "Hey, wait!" Binilisan ko ang paglakad ko. Kung tatamaan ka nga naman ng malas. Sa sobrang luwang ng Manila, do we really have to be in the same place? "You're a waitress?" he asked mischievously. Nagtungo ito sa harapan ko upang pigilan ako sa pagtakbo. "None of your business." His lips moved upward. "It used to." I gritted my teeth. "Ano bang kailangan mo?" Dumukot ito sa bulsa at ngumuso. "I was just asking. Bakit kaba nagagalit?" Ang kapal ng mukha mo, Priston. Gusto ko iyong isantinig pero hindi rito. Hindi ngayon. Hindi ko alam kung bakit sa ilang taon na akala ko'y ayos na ako, apektadong apektado parin ako. Gusto ko siyang murahin. Gusto kong maging bayolente pero ang nakakainis na ekspresyon sa mukha nito ang pumipigil sa akin. I am already losing my temper but I shouldn't let him know that I am still affected. Kahit na totoo naman. "Nakakainis ang mukha mo, kaya tumabi ka." "But you always say that I'm handsome." "Noon iyon, Priston." "Are you saying that I look ugly now?" Lalo pang lumuwang ang ngisi nito. Mas nagngitngit ako sa galit. He hasn't changed a bit. He will always be the same Priston that I know. My lips quivered in extreme disgust. "Go back to your woman. Wala akong oras sa'yo." "'Wag mo nga akong titigan nang ganiyan.." he teased. "May nagagalit." I muttered a cuss. Inirapan ko ito at sinubukang lagpasan pero hinabol lang ulit ako nito at hinarangan. Pakiramdam ko nga ay lumalabas na ang litid ng ugat ko sa galit. Nakakainis! "Flirt with someone who'd swoon, Priston." Tumaas baba ang dibdib ko. "Doon ka naman magaling." Para itong natigilan sa huli kong sinabi. Doon ay agad akong naglakad at nilagpasan siya. Bumalik ako sa hall nang hindi lumilingon. Mabilis parin ang t***k ng dibdib ko. My chest feels heavy. Nangingig pa ang braso ko. If there's one person who can make me lose my temper, si Priston iyon. Pagkabalik ay nagseserve na sila ng wine kaya't nagmadali narin ako. Hanggang sa matapos ang gabi ay wala ako sa sarili. Kahit nang muli akong kausapin ni Carissa ay wala akong kibo. I took a cab on my way to studio, since I liver there. KINABUKASAN ay maaga akong gumayak para sumilip sa shop ko. Ngayon ay may mga taong pupunta roon para magkabit ng bintana. I bought some foods on my way, pang meryenda. Nang makarating doon ay nagsisimula palang sila. One of them asked me about the color of the tiles. Kung ano ang gusto kong maging motif. I didn't come up with an answer since I haven't really thought about that. Hindi parin ako nakakatingin dahil wala pa akong sapat na pera na nakatabi sa akin. Hindi ko naman pupwedeng gamitin iyong nasa bangko dahil gagamitin ko 'yon kapag naghanap ako ng apartment. I can't stay in the studio forever. Gusto ko ring magkaroon ng pang sarili ko. Nahihiya narin ako kila Bleu. Ang problema lang ay kung saan ako maghahanap. Bago umuwi ay sumabay na akong kumain sa mga manggagawa. Naabutan ko sila Calithea at Nieoni sa studio. Si Xash naman ay wala dahil naghahanda raw para finals. "Marshall, gig daw bukas. Js prom sa school." Si Nieoni iyon. Tumango ako sakanya at humiga. Si Calithea ay nakaharap sa drum niya at nagpapractice. She was wearing her headphones. "Sumama ka kay Carissa kagabi 'diba?" Nieoni turned her head at me. But it didn't sound like she want my answer. Muli akong tumango bago kinuha ang ang baso sa lamesa. It's boring without Bleu here. Walang maingay. "Don't you want a permanent job? 'Yong mas matino. " her lips twitch. "Anong masama sa pagiging waitress? Hindi ba matino iyon?" Tahimik na tanong ko. She motioned her hand, "Hindi naman. Ang sinasabi ko, iyong trabaho na mas.. maganda. For example, an employer." Hindi ako sumagot. Being employed in a company sounds good. But if it is that easy, I would. Pero first year college lang naman ang natapos ko. Wala ring experience. Anong magandang trabaho ang makukuha ko sa ganitong background? At kung sakali man na makakakuha ako ng permanenteng trabaho, mapupwersa akong tumigil sa pagbabanda. "Pwede ka namang mag-aral ulit. Buwan-buwan ka paring pinapadalhan ng mama mo ng pera hindi ba?" Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin. Sakto namang pagpasok ni Bleu kasama ang isang lalaki. It's her brother, if I wasn't mistaken. Pagkatapos noon ay hindi na muling nagtanong si Nieoni. Bleu clapped her hands. "Since Xash won't be able to play tomorrow. Si Rylle muna ang papalit sakanya." So Rylle was the name. Hindi ako sumagot at nagbaba ng tingin. Dinampot ko ang earphone sa sidetable ng sofa at ipinasak iyon sa tenga ko. I saw them sat at the sofa in front of me. Wala namang nakaplay na music kaya't maririnig ko ang sasabihin nito. "Napakilala ko na sainyo to dati, diba? Rylle, kapatid ko." Bleu casually stated. "Oo, single ba 'yan?" Nieone asked shamelessly. Natawa iyong lalaki. Ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mata ni Bleu, parehong singkit. Pareho ring makapal ang kilay. Ang pagkakaiba lang ay mas halata sa itsura noong Rylle ang pagiging hapon, since they're half japanese. "Huwag 'yan, hindi ko nga iyan pinapalapitan sa babae dahil nirereserve ko 'yan kay Marshall." Nagtaas baba ang kilay ni Bleu sa akin. Kinunutan ko lang siya ng noo. Humarap si Nieoni kay Rylle. "Can you sing? Anong genre ang madalas mong kantahin?" Mukha namang wala silang sasabihing importante. Tumayo na ako at nagpaalam na magyoyosi sa labas. Mula kagabi ay hindi pa ako nakakapagsindi. Kagabi. Humarap ako sa pader at doon bumuga ng usok. Pangalawang beses na kagabi na nakita ko si Priston. Ang una ay doon sa bar niya. Tumingala ako at humawak sa bewang ko. Why do I keep seeing him? O' talaga bang sinasadya niyang magkita kami? Huminga ako nang malalim at muling humithit. And he has the guts to smile infront of me. After causing that much damage to me. I was miserable for a year. I stopped studying. I stopped dreaming. A single mistake that rendered my life to be like this. Galit ako. Galit na galit parin ako. While I was busy building up myself again. Siya.. wala lang. He even dared to show himself like nothing happened. I was clueless. I wanted to ask why. Where I went wrong, what I did wrong. Kung anong pagkukulang ko, kung ano 'yung dapat kong gawin. I had sleepless nights. I spent the days crying alone in my room. It was never easy at all. Now I couldn't even.. be friends with a man. Kung may isang bagay man na binigay sa akin si Priston noon, hindi magagandang ala-ala iyon kung hindi trust issue. He turned me into something I know I wasn't ever suppose to be. And I won't forgive him for that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD