DAYS ARE PASSING FAST. One blink and it's monday morning and then the next moment you're lying on your bed two hours before saturday. Parang noong nakaraan lang, mainit pa ang dugo ko kay Priston. Now I can't even be seen alone. Palagi siyang kasama. Palagi siyang sumasama. Maliban nalang kung dadalaw ito sa restaurant niya pero maliban doon, hindi na siya humihiwalay. Sa araw-araw ay puro pagmumukha nalang nito ang nakikita ko mula pagdilat sa umaga hanggang sa pagtulog. The deal was I wasn't getting sick of his ass. Muli kong tinanggal ang kamay ni Priston na muli na namang naglalakbay sa likuran ko. Hubad kasi iyon dahil sa klase ng suot kong gown ngayong gabi. It was a backless black dress with a slit. Si Nieoni ang namili nito. My make up was done by Xash. Hindi lang ako— lahat kam

