"SA MUKHA mong 'yan, takot kapa?" I glared at Xash. Naglalagay na ito ngayon ng mascara sa itaas na pilik-mata habang nakaharap sa salamin na hawak-hawak ni Calithea. I didn't want to tell them what happened but Bleu is f*****g talkative. Ang dali kasing makatunog, parang may lahing pulis! Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin. They've been teasing me and they perfectly knew where to hit the dart. I didn't want to admit it but Xash has been provoking me nonstop. Kanina pa ito nanunudyo. Mukhang hindi titigil hangga't hindi naririnig ang gusto nito. "Fine." I grumbled. "I was paranoid. I thought he's with another woman." Ibinalik nito ang spoolie sa loob ng mascara nang makatapos. She turned her head to me and fixed her hair. Maganda ang ayos ng kilay nito, manipis at malinis ang ba

