INIHINTO ni Priston ang sasakyan sa tapat ng bahay. Iyong mga kapitbahay namin na nakaupo sa labas at nagkukwentuhan ay napatigil at napatingin sa kotseng sakay. Lumabas si Priston mula sa driver's seat. Umikot ito at pinagbuksan ako ng pinto. I heard their muffled voice. Iyong iba ay pinanliliitan pa ako ng mata na para bang inaalala ako. "Anak naba ni Mari 'yan?" "Hindi ba't 'yan 'yung matagal na niyang nobyo?" "Naku! Mukhang may balak nang magpakasal kaya umuwi rito." "Ang swerte! Gwapo at mayaman ang naloko!" Bigla akong nakaramdam ng hiya. Paniguradong narinig din iyon ni Priston pero hindi nagpapahalata. Binuksan nito ang trunk ng sasakyan para kunin doon ang kahon. Akmang kukuhanin ko ang isa roon para tulungan siya nang pigilan niya ako. "Leave it. Ako nalang ang magbubuha

