Rizza's Pov NAKASUNOD lang ako kay sir Deimos habang panay ang tingin niya sa dinadaanan namin. Ako naman ay namamangha habang nakasunod parin sa kanya. Ngayon lang ako nakapasok dito kaya hindi ko alam kung anong tawag dito. Marami din akong nakikita na mga magagandang damit. Gusto ko sanang tanungin si sir Deimos kung pwede kaya ako kumuha ng damit dito. May natipuhan kasi ako ngunit nahihiya akong kumuha. May nakikita kasi akong mga tao na panay ang hawak sa damit kaya gusto ko din sana gayahin. Gusto ko sana hawakan din ang mga damit pero baka hindi pumayag si sir Deimos at iwanan niya ako. Ayaw ko pa naman mawalay sa kanya. Baka wala na akong matutulugan mamaya. Sa paglalakad ko habang nakatingin ako sa nadadaanan namin ni sir Deimos ay nauntog ako sa matigas na bagay. Agad ako

