Chapter 15

1420 Words

Rizza's Pov NATAPOS na magbayad si sir Deimos habang ako ay nasa gilid parin, nakasimangot at hindi alam ang nararamdaman ko. Panay din ang lingon sa 'kin ni sir Deimos kaya yumuyuko na lang ako kapag nagsasalubong ang titig namin dalawa. Lumapit siya sa 'kin habang dala ang mga pinili kong damit. Nakalagay na yun sa parang papel na makapal pero may hawakan. "Ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni sir Deimos. "Opo, sir. Uuwi na po ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya bilang tugon. "Kakain na tayo dito," sabi niya saka naglakad na naman na hindi man lang sinasabi kung saan siya pupunta. Nagmamadali akong sumunod sa kanya at baka hindi ko siya mahanap kapag nawala siya sa paningin ko. Nakita ko siya agad na papalabas na ng pinasukan namin na bilihan kaya lumabas na din ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD