YESHA'S POV:
Pagkagising nito ay dumeretso sa Cr at naghilamos samantalang nasa kwarto parin ako at hinihintay ang mga gagawin nito. Ilang sandali pa ay bigla akong nakarinig ng malakas na tugtug mula sa kusina nito.
~Tell me why
Ain't nothing but a heartache
Tell me why
Ain't nothing but a mistake
Tell me why
I never wanna hear you say
I want it that way~
Ang bumongad sa akin na tugtog at nakita kong nakasando lang ito at may apron habang nagluluto while vibing with the sound, tahimik ko itong pinapanood habang sinasabayan ang kanta at may pa sayaw-sayaw pa, napapakagat labi ako dahil sa hulma ng katawan nito.
Maya't maya pa ay natapos na ito magluto at nagulat ako sa mga inihanda nito bilang agahan. Pasta, eggs and bacon, pancakes, a hot and pure coffee. It was the first time na maranasan kong may maghanda ng ganitong agahan sa akin.
Pagkatapos kumain ay lumabas ito at nag work out at kaagad ko namang kinuha ang ilang gamit ko sa unit ko at oo may sarili akong unit sa sarili kong condo. Pagkakuha ay agad akong bumalik sa unit ni Luca dala ang mga gamit ko.
“W-what? Seriously?” Pagulat na tanong ni Trina.
“Ayy bongga girl, tapos anu pa?” Dugtong pa ni Trina at may patili-tili pa habang kausap ko sa cellphone at nagkukwento ako sa nangyare kagabi.
“Ayon nakatulog na ako dahil nilagnat ako bigla.” Sambit ko na kaagad ikinadismaya nito.
“Yon lang??”Tanong nito.
“As in natulog lang kayo? Walang s*x na nangyare?” Dugtong pa nito.
“Wala anu ka ba syempre wala, Saka hindi pala siya ganoong klaseng lalaki.”Pagdepensa ko dito.
“Pero the way he treated me last night was..arggg.” Dugtong ko pa at bakas ang pagkakilig sa pananalita ko.
“Pero seryoso diyan ka magstay sa unit niya? Pumayag ba siya?”Sunod na Tanong nito.
“I don't know basta sinabi ko lang na I'm gonna stay here tapos ayon umalis na para magwork out daw.” Tugon ko.
“Ay wait bhie na andito na mga customers ko na nagpareserved kagabi bye bye mwaps enjoy there take the chance sweety.” Pag paalam nito sabay baba ng phone.
Habang naghihintay ay nagiisip ako ng mga pwede kong gawin.
“Hmm maglinis kaya ako? Pero mukhang wala naman nang lilinisin dahil napakalinis na dito.”Ani ko sa aking sarili habang naghahanap ng magagawa.
Habang nagpapalinga-linga ay nahinto ako sa tapat ng piano nito at napansin ko ang isang journal. Out of curiosity ay kinuha ko ito at binuksan upang makita kung anu mga nakasulat dito infainess ang ganda ng sulat kamay niya bagaman mapupuno ng ng sulat ang journal ay wala parin itong gusot na nababakas.
“Pambihira, lalaki ba talaga siya?” Tanging naitanong ko sa aking sarili.
Na-intriga ako noong makita ang title ng journal.
“ "PRETTY SOUL". ”Hmm napaisip ako bigla noong nabasa ko ang title at na curious kung ano ang mga nakasulat dito kaya binasa ko ito.
"The truth is he once had a pretty soul
An innocent mind that makes him think that everyone has a good heart
A happy person that he thought everyone would love about him
A kind hearted man that believes anyone deserves a second chance.
A person who believed everyone's smiles were real
He used to laugh hard around other people thinking that they were his friends and a real once
A person who was always there for anyone in times of need
A person who used to be a shoulder that anyone can lean on
But then, after all these things he believed was real was actually the opposite of it
You see, the world made him realize that it was him and him alone
locked up in a cell with a chain on his neck, in his hands and goes all through his veins
He couldn't move cause every time he looked around
He sees nothing but the eyes that stares at him, looking down on him
The eyes that are terribly torturing his mind and slowly killing his soul
And the words, the words that like flying arrows that go through his fragile heart and turn it into pieces that scattered all over the floor of pain.
And all those unbearable pain that he felt and all those uncountable tears that had fallen from his wearying eyes
turned his soft heart into stone that deprives his sensation
suddenly, that little angel dies but a monster arises."
—Luca Schriver
Bigla ako naluha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan na tila bang ramdam ko ang sakit sa bawat salitang nababasa ko sa poem na isinulat ni Luca.
“Anu ba talaga ang nangyare sa iyo Luca? Posible kayang hindi lang ang paghiwalay nila ng ex-girlfriend niya ang nakakapagpabigat ng nararamdaman niya?”Tanong ko sa aking sarili habang pinupinasan ang luha sa aking mata.
Ilang saglit pa ang lumipas ay narinig kong may bumobukas ng pinto kaya dali-dali kong inayos ang journal at naupo sa sofa.
“Welcome home!!!” Masiglang bati ko noong pumasok ito sa pinto.
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat lalo noong makita ako at ang mga gamit ko.
“I told you dito na ako titira.” Pangiti na may pang-asar kong saad noong makita ang reaksyon nito.
Bigla itong bumalik sa labas at isinara ang pinto. Bagaman Papigil ang pagmumura nito ay dinig ko parin sa luob.
“You are so cute right now Luca.” Pangiti kong sambit sa aking sarili.
Napagtanto siguro niya na wala siyang magagawa lalo na at na andito na ang mga gamit ko kaya pagpasuk nitong muli sa loob ay pumayag na ito but under some conditions. Masyado talagang sensitive ang lalaking ito napapaisip na tuloy ako kung lalaki ba talaga ito.
Pagkaayos nito ng mga pinamili niya ay kaagad itong nagtungo sa banyo at naligo pagkatapos ay naupo sa table niya at nagsimulang magsulat habang ako naman ay nanonood ng k drama sa laptop ko.
“Asar bakit ba kasi walang tv ang isang ito?” Inis na pabulong kong tanong. Well siguro ayaw niya ng distraction kaya ganoon pero may computer ito at laptop I guess ginagamit niya lang iyon pasa sa pag update ng books na ginagawa niya.
Ilang saglit pa ay nakaramdam na nanaman ako ng gutom sinubokan ko sanang tiisin dahil hihintayin ko itong matapos subalit hindi ko na kinaya.
“Huy Mr. Gutom na ako.” Ani ko at hindi naman nito pinansin, oo nga pala naka airpods ito kaya hindi ako maririnig.
Nilapitan ko ito sabay tinanggal ang airpods sa tenga nito.
“What do you want?” Kalmadong tanong nito subalit matalas ang tingin.
“I'm hungry!”Pasigaw kong saad habang nakahawak sa tiyan.
“Go get some foods meroon diyan sa ref initin mo nalang.” He coldly replied sabay ibinalik ang airpods sa tenga nito.
“AAAArrrgggg!” Papigil kong sigaw habang nagdadabog papunta sa ref. gusto ko sana yoong bagong luto at hindi talaga ako kumakain ng lamig.
“A pretty girl like me papakainin mo ng lamig? Aaarrgg damn you Luca Schriver!?”Dugtong ko pa habang kumukuha ng makakain sa ref.
“What did you say? Did you just say my name?”Bigla akong natigilan at nanlaki ang mga mata ko noong marinig ko ito na nagsalita sa likoran ko.
“Hindi ko naman sinabi pangalan ko saiyo kagabi ah.” Dugtong pa nito at halata ang pagtataka sa mukha nito.
“Sh*t.” Ani ko sa aking isipan sabay pok pok ng noo ko.
“Your certificates.” Tugon ko, at mabuti nalang at nakaisip agad ako ng palusot.
“O-okay, Chill you're sweating.” Biglang sambit nito.
“Sinong hindi pagpapawisan kung gutom na hah?”Palusot 2.2 back to back.
“Okay I'll cook tabi diyan kanina pa nakabukas ang ref.”
“Aarrgg batukan kita diyan eh.”Mahina kong sambit sabay nagpost na parang babatukan ito.
“What are you doing lady?” Bigla akong namula noong bigla itong humarap sa akin pagkakuha ng mga lulutoin sa ref.
“Sh*t subrang dikit niya bhie ano ang gagawin ko?”Tarantang tanong ko sa aking sarili.
“Weirdo.” Sambit pa nito sabay biglang nagtungo sa kitchen.
“Aaarrgggg!!!” Gusto ko nang sumabog dahil sa inis noong mga oras na iyon at padabog na bumabalik sa sofa upang hintayin itong matapos magluto.
Napakagat labi nanaman ako noong makita ko itong nakasando nanaman at nakaapron..
“fvck so hot.” Sambit ko sa aking sarili at hindi namalayang nakatitig na pala ako sa muscles nito.
“Huyyyyy.....