CHAPTER 6

1206 Words
“Huyyyy! Anung itnitingin tingin mo diyan hah?”Biglang sambit nito noong makita akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko namalayan na mga ilang minuto na pala akong nakatanga habang nakatitig dito. “Hayst bwesit anu ba kasing ini-isip mo Yesha?” Inis na sambit ko sa aking isipan dahil sa hiya noong mga oras na iyon. “Bilisan mo na diyan kanina pa ako nagugutom.” Pataray na tugon ko para hindi mahalatang nag-eenjoy akong panoorin ito habang nagluluto , as if naman maniniwala ito sa palusot ko nuh. “Ah talaga lang ah just sit in there at maghintay ka tsk. Weirdo .” Pagtataray na tugon nito sabay ibinaling ang tingin sa niluluto niya. “Aba tinalo pa ako sa katarayan sinasabi ko na nga ba bakla ito eh.”Pabulong kong saad sa aking sarili. “Pero wag naman sana sayang kasi parang masmasarap pa siya sa niluluto niya.” Dugtong ko pa at napangiti na parang tanga. “Ano ba kasi ang niluluto mo bakit ang tagal?”Inis kong tanong noong bigla nanamang kumolo ang tiyan ko habang nakaupo at naghihintay matapos ito sa pagluluto. Subalit wala akong natanggap na sagot mula dito at ni hindi manlang ito lumingon sa akin. Napaka suplado talaga ng baklang ito. Ilang sandali pa ay natapos na ito at inilagay na ang mga niluto sa mesa, nagulat ako noong makita ko ang mga ito. “What?! Seriously??”Gulat na saad ko sa aking isipan noong makitang ang niluto nito para sa lunch ay Speedy Steak and Blackberry Salad at Tuna Melt on Cornbread. Alam ko ang mga ganitong dishes dahil ito ang madalas na hinahanda sa mga fancy restaurants pero usually sa ibang bansa ko nakikita ang ganitong presentation, mayroon din naman dito sa pilipinas pero hindi ganito ka elegant ang pagkakahanda. Kaya mas-lalo akong nitong pinahanga, imagine a lifeless miserable walking dead man can cook such elegant foods at home? “Anu ba itong mga ito? Mabubusog ba ako niyan? Hayst.”Pagreklamo ko at kunwareng hindi ko alam kung anu ang mga iyon. Pero ang totoo ay takam na takam na ako at mukha talagang mabibitin ako sa mga pagkain ito. “Ni hindi nga iyan aabut sa lalamonan ko eh.” Muling pag reklamo ko para asarin ito. “Edi magluto ka ng iyo is that a problem miss?” Tugon nito at naupo sabay kumain. “Argg!" Inis kong saad. “By the way what are these weird foods? Baka mamaya sumakit tiyan ko diyan ah.”dugtong ko pa. “Hayst just eat okay?” Inis namang saad nito at halatang naiirita sa akin. “Sh*t perfect ang pagkakaluto ang sarap!” Sambit ko sa aking isip noong nagsimulang kumain. Naalala ko tuloy ang isang fancy restaurant sa ibang bansa ganitong ganito ang lasa sobrang nakakaganang kumain samahan pa ng masarap na nagluto (ayy mali sorry, sorry ksks) Pagkatapos nitong kumain ay biglang tumayo at may kung anong kinuha sa refrigerator nito bago dumiretso ng kusina. “Anu nanaman kaya ng gagawin ng tukmol na ito? Nabitin siguro sa pagkain.” Napatanong nalang ako sa aking sarili habang nginungoya ang steak at hindi pa nangangalahati sa kinakain ko. Hinayaan ko nalang ito sa kung anu ang gagawin niya at itinoon ang sarili sa pagkain dahil inienjoy ko ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay mayroon nanaman itong inilagay sa mesa. “Huh? A dessert?” Pagulat kong saad noong makita ito. Gluten-Free Strawberry Shortcake ang dessert na ginawa nito hindi ako pwedeng magkamali dahil isa ito sa mga paborito ko. “What the h*ck napaka arte naman ng tukmol na ito.” “So you're trying to impress me huh Mr. Schriver.” Pagyayabang ko dito sabay tingin sa kaniya at may pangiti-ngiti pangkasama. Ikaw ba naman ang paghandaan ng fancy foods para sa lunch lang at sinamahan pa ng elegant dessert “Ikaw na talaga Yesha Cromwell.”Muling sambit ko sa aking isip. “By the way.” Biglang Ani nito. “Hmm?” “What is your name again?”Tanong nito at mukhang hindi niya naalala na sinabi ko na sa kaniya last night. “Sinabi ko na once at hindi ko na uulitin.” Pataray kong tugon. “Okay I'll call you coochie.” Saad nito sabay saglitang titig sa akin bago muling ibinaling ang tingin sa pagkain nito. “What the h*ck is coochie?” Tanong ko dito dahil hindi ko alam kung anong coochie coochie sinasabi nito. “Coochie.”Sambit muli nito sabay Tumingin ulit sa akin ay bahagyang ngumisi. “Argg!”sabay inirapan ko ito dahil hindi ko talaga alam kung ano iyon but it was kinda cute. “Pagkatapos mo kumain ayosin mo mga gamit mo nakakalat eh.” Saad nito. “Yes masosonod po ser.”Pataray kong tugon. (Ako na nga itong nakikitira ako pa nagtataray hahayy kalma ako lang ito) Samantala noong malapit na akong matapos kumain ay biglang nag ring sa cellphone ko at pagtingin ko ay (unknown) ang nakalagay na number. Nagdalawang isip akong sagutin ito pero naisip ko na baka doctor ito ni Dad at may importanteng sasabihin. Dagliaan akong lumabas ng unit upang sagutin iyon dahil hindi pwedeng marinig ni Luca kung ano man ang sasabihin ng tumatawag. “Hello, sinu ito?”Seryosong tanong ko noong nasagut ko na ang tawag. “ Finally.” Bumongad sa akin ang Malaki at malalim na boses ng isang lalaki. Sa pagkakataong iyon ay napagtanto ko na kung sinu iyong nasa kabilang linya kasabay ng biglang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. “Where did you get my number!” Pagalit subalit pigil kong tanong dahil biglang uminit ang ulo ko sa lalaking kausap ko. “What do you want!?”Dugtong ko pa habang pahigpit ng pahigpit ng hawak ko sa phone ko dahil sa galit. “Tsk. You always know what I want Ms. Yesha Cromwell.” Tugon nito sa halatang nakangisi habang nagsasalita. “Mahahanap din kita.” Pagbabantang dugtong nito sabay pinatay ang tawag. Bigla akong naluha pagkatapos noon at nakaramdam ng matinding panghihina. “Kailan mo ba ako titigilan?” Tangin naitanong ko sa aking isip. Naupo muna ako sa whole way ng condo sa tapat ng pinto ng unit ni Luca at nakatulala. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ako at dumiretso sa kwarto sabay nahiga sa kama at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon. “Go to hell.” Walang buhay kong saad sa sarili ko para doon sa lalaking kausap ko kanina habang nakahiga sa kama at palihim na umiiyak dahil sa magkahalong takot at galit sa lalaking iyon. At ilang sandali pa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa labis na pagtulo ng luha mga luha ko at ramdam ko rin ang pamumugto ng aking mga mata. Pagkagising ko ay bahagya kong minasahe ang ulo ko dahil sa pananakit nito at medyo nahihilo din ako noong mga oras na iyon. Sandali akong nagpalinga-linga at nakita ko si Luca na nakatayo subalit nakatalikod ito sa akin. “You finally woke up coochie. ” biglang sambit nito. “W-what are you doing?”.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD