“W-what are you doing?”Gulat kong tanong dahil dahil narin siguro kakagising ko lang at sa akalang may ginawa o gagawin ito sa akin.
Bahagya lang itong tumingin at muling ibinaling ang tingin sa ginagawa nito bago nagsalita.
“Tsk. Inaayos ko mga damit mo na dapat sana ikaw ang gagawa.”Malagkit na tugon nito.
“Ayy ksks sorry naman.” Tugon ko. (Sayang naman akala akala ko pa naman ano na ksks)
“Dinner is ready.” Tipid na saad nito.
“Huh? What time is it?” Pagulat kong tanong noong marinig iyon dahil akala ko ay saglit lang ako nakaidlip.
“It's already 9pm you fool.” Tugon nito sabay lumabas ng kwarto dahil tapos na sa ginagawa nito.
“Infainess ang laki pala ng closet niya at masyadong ding organize.” Wika ko sa aking sarili dahil tinignan ko ang pagkakaayos ng mga damit ko at maging ang kaniya, mga damit ko lang pala na halos pambahay ang dinala ko mahahalata niya kasi pag dinala ko pati mga formal attire ko at mga kaartehan ko sa buhay.
“Sh*t.” Biglang Mahinang saad ko noong maramdaman ulit ang pananakit ng ulo ko, dala siguro ng pag-iyak ko kanina at sa tulog kaya lumabas ako ng kwarto para kumain.
As usual fancy foods nanaman ang nakahain.
“kakaiba talaga itong lalaking ito bakit hindi nalang siya magtayo ng restaurant ganito ba lagi kinakain niya? Eh mag-isa lang naman siya dito.” Sambit ko sa aking isip bago maupo sa table kaharap nito.
“Luh taray may pa champagne glass at red wine , dinner date ba ito Mr. Schriver?” Pabiro kong saad noong nakita kong may champagne glass at red wine sa table maliban pa sa mala restaurant menu na nakahain.
“Tsk. Have you ever forgotten rule number 1 coochie?”Pagsusungit nito dahil at malamang naiirita nanaman dahil sa kadaldalan ko.
“Okay sareh my false.”Pang-asar kong tugon.
Pagkatapos magdinner ay naghugas ito ng pinagkain at pagkatapos ay lumabas ng unit. I guess pupunta nanaman siya sa rooftop. Hindi na ako lumabas at bumalik sa kwarto sabay nahiga dahil na nanamlay talaga ang boong katawan ko.
“Kamusta na kaya si dad?” Tanong ko sa aking sarili habang nakahiga at nakatitig sa kesame, kahit naman gaano kasama ang nagawa ni dad at maraming rason para kamuhian ko ito hindi ko paring mapigilang mag-alala lalo na sa sitwasyon niya ngayon.
At yoong lalaking tumawag kanina siya si Napoleon Darkvil nasa tatlong taon na ang nakakaraan mula noong mamatay ang Mom ko dahil sa isang desisyon ni Dad na nagpabago ng relasyon namin and I can say nagdulot ng pagkawasak ng pamilya namin. At naging dahilan din kung bakit naandito ako sa sitwasyon na ito ngayon.
Isang gabi habang masaya kaming nagkukwentohan ni Mom at naghihintay kay Dad ay may isang mensahe na natanggap si Mom mula sa hindi kilalang tao at itong ang nagpabago ng lahat.
“G-greg what have you done?”Agad na Tanong ni Mom pagkapasok ni Dad ng bahay habang ako ay nakaupo lang sa sofa at hindi makapaniwala sa nangyare. Dama ko ang sakit sa bawat hikbi ni Mom noong gabing iyon.
“W-what do you mean love?”Painosenteng tanong nito subalit alam ko na alam nito ang ibig sabihin ni Mom.
Nanginginig na inabut ng Mom ko ang cellphone niya kay Dad upang ipanood sa kaniya ang isang video. Nanlaki ang mga mga ni Dad noong mga oras na iyon at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
“Love let me explain.”Agad na pagmamakaawa nito kay Mom pilin na niyayakap ang Mom ko subalit lumalayo ito habang patuloy sa pag iyak. Bahagyang tumingin sa akin si Dad subalit iniwasan ko rin ito ng tingin.
“It was an accident.”Patuloy na pagsamo nito.
Ilang sandali pa ay may dumating na mga pulis upang arestohin si Dad.
“We are looking for Mr. Gregory Cromwell.” Wika ng isang pulis, habang kami ay nagkatinginan lang.
“I-It's me.”Nauutal na tugon ni Dad.
“You're under arrest, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you.”Ani ng pulis, Ipinakita nito ang warrant of arrest sabay pinosasan si Dad. Hindi na pumalag si Dad at hinayaang hulihin siya ng mga ito.
Dahil doon ay maslalong tumindi ang tensyon sa loob ng bahay at lalong nagpabigat sa pakiramdam namin ng Mom ko kaya niyakap ko ito para kahit papaano ay kumalma.
“L-love everything will be okay, I promise.” Sambit ni Dad bago ito isinakay sa mobile.
Kitang kita sa video kung paano napatay ni Dad ang isang lalaki. Sa video nakitang nagtatalo ang dalawa ng biglang itinulak ni Dad ang lalaki dahilan ng pagkahulog nito sa tatlompong palapag na building.
And later on nalaman namin na dahil sa business kaya nangyare iyon. Na hatulan si Dad ng second degree murder and supposed to face lifetime in prison. At ang lalaki sa video ay ang Dad ni Napoleon kaya ganoon nalang ang galit nito sa pamilya namin.
Samantalang, dahil sa labis na lungkot at depression ay nagkasakit ang Mom ko at kalaonan ay nam*tay dahil lumala ito. At sa araw ng libing ni Mom ay may dumating na hindi ko inaasahan. Nakaformal attire at biglang tumabi ito sa akin habang pinapanood ang libing ni Mom.
“D-dad?” Gulat kong tanong noong mapagtanto na si Dad pala ang taong iyon.
“W-what are you doing here? W-why are you here?!”Pasigaw kong tanong, bagaman namamaos dahil sa labis na dalamhati. Maging ang mga tao na pumunta ay nagulat dahil sa nakita nila.
“Y-you supposed to be in prison?!” Dugtong ko pa.
Ngumiti lang ito at sinabing..
“Money is everything Sweetie.”Noong mga oras na iyon ay napagtanto ko kung gaano kaevil si Dad. Dahil doon ay mas lalong tumindi ang galit at pagkamuhi na nararamdaman ko kay Dad at sinabi ko sa aking sarili na simula sa araw na iyon ay hindi ko na ito ituturing na pamilya at mamumuhay sa sarili kong paraan. At kakalimutang mayroon akong Ama.
Lumayas ako ng bahay at ipinagpatuloy ang nagsimulang business ng Mom ko, Yes ang CROMWELL NOBLE PARK ay nakapangalan kay Mom dahil isa din ito sa pinapangarap niya. Hinayaan na ako ni Dad sa gusto kong gawin at ipinaubaya na sa akin ang business dahil marami naman itong hawak na mas malalaking negosyo. Noong una ay paulit-ulit ako na sinusoyo ni Dad at na ngangakong magbabago na ito at magiging mabuting Ama para sa akin ngunit sumoko din dahil kahit anong gawin nito ay wala ng magbabago at hindi narin nito maibabalik ang Mom ko. Everything was fine in my own and the business was doing well. Subalit isang araw...
“Hi Yesha Cromwell.” Isang misteryosong matangkad at matipunong lalaki ang bumongad sa akin sa airport dahil kakagaling ko lang sa isang business trip.
“ Excuse me?” Pasungit kong tanong dahil nagmamadali ako noong mga oras na iyon.
“How's your dad?” Biglang tanong nito at hindi ko pinansin una dahil hindi ko ito kilala at dahil ayaw kong pag-usapan or ni marinig man lang ang pangalan ni Dad.
“Time to take my revenge.” Mahinang sambit nito dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad. Sandali akong natulala at paglingon ko ay nakita ko nalang itong sumakay ng isang kotse.
Habang nasa byahe pabalik ng condo ay hindi ko mapigilang isipin kung sino ba talaga ang lalaking iyon at bakit siya maghihinganti at kanino. Masasabi kong nasa parehong edad lang kami at iyon ang unang beses na nakita ko ito kaya paanong mag....
“Hindi kaya anak iyon ng lalaking napat*y ni Dad??” Bigla akong nakaramdam ng hindi ko maipaliwanag na takot at para bang bumalik ang lahat noong maisip ko iyon.
“Possible kayang ako ang gagamitin niya upang makapaghinganti kay Dad?”Muling tanong ko sa aking sarili.
Pero imposible dahil matagal na akong walang koneksyon kay Dad kaya paanong ako ang gagamitin nito ni hindi ko nga alam kung may pakialam pa iyon sa akin dahil sa ginawa ko. Hindi ko na muna inisip ang bagay na iyon dahil masyado akong busy at marami pang kailangang unahin. Hanggang....