Araw ng Biyernes at maysakit pa rin ako. Dinala na ako ni Mommy sa emergency ng hospital.
Sumasakit na rin ang tagiliran ko. Yung arte-arte kong sakit ay nagkatotoo na. Tuluyan na akong nilagnat. May infection ako sa ihi kaya pabalik-balik ang lagnat ko.
Makakapasok na siguro ako sa MOnday kaya nagpahingi na rin ako ng medical certificate dahil kakailanganin iyon sa school para mabigyan ako ng special test.
Tanghali na kami naka-uwi ni Mommy. Half day lang siya kaya inihatid muna niya ako bago pumasok sa trabaho. Nagkulong na naman ako sa kwarto. Nasa harapan ako ng computer at pinagmamasdan lang ang wall paper na nandito. Ang mukha ni Queenie.
Naramdaman kong bumukas ang pinto. Oras na ng meryenda kaya malamang nagdala si yaya Wilma.
“Iyan ba ang pangit? Grabe kung titigan mo.” nasa likod ko na siya at hindi ko naramdaman na iba ang pumasok.
Nilingon ko ito pero binawi ko rin agad ang tingin ko. Naghanap kaagad ako ng kapalit ng wall paper.
“Papalitan ko, hindi ko tinititigan.” Nagtatampo kong sambit dito. Totoo naman ang sinasabi niya na tinititigan ko pero dahil ayaw kong matuwa siya at iba ang isinagot ko. Noong nakaraan gusto kong makipagbati pero kahapon nang marinig ko na kasama niya si Miguel nagbago na ang isip ko.
“Kanina pa kita pinapanood, sana kanina mo pa pinalitan. Kung hindi kita pinuna hind imo naman isasagot iyan.” Iba na tono niya. Mukhang hindi na siya nagtatampo. Baliktad na dahil ako na ang may tampo.
“Baka hinihintay ka na ng kasama mo.” tukoy ko kay Miguel.
“Wala naman akong kasama. May nakita ka ba? Ano may third eye ka na?” nakikipag-biruan pa siya.
“Yung bago mong kaibigan, ay baka pala boyfriend. Baka hinihintay ka na.” pinatay ko na lang ang computer ko at nagtungo ako sa aking kama.
Sumunod naman siya sa akin.
“Wala akong kasama. Mag-isa lang akong nagpunta dito. Hindi mo ba nakikita naka-pambahay lang ako. Naka-uwi na ako. Wala kaming review ngayon dahil may meeting ang mga teachers. Saka hindi ko siya boyfriend. Anong pinagsasabi mo? Ikaw nga ito kung makasabi kang ang pangit ko eh. Sana ngayon magtanda ka na. Hindi araw-araw nasa mood akong makipaglokohan sa iyo tapos nasa labas pa tayo. Bati na tayo.” Ang dami kong sorry sa kanya sa text message at sa messenger pero wala siyang sagot, Sinubukan ko pa siyang kausapin pero walang nangyari tapos ngayon, heto siya at ganon lang kabilis makipagbati. Kailangan ko pang magkasakit para lang batiin niya ako. Ang unfair naman.
“Hindi boyfriend pero sa kanya ka nga tumabi noong Monday. Hindi moa ko pinansin at kahapon kasama mo pa siya dito. Mabuti at hindi ko siya nakita.”
“Bati na nga tayo. Saka si Miguel ay kasama ko sa pagre-review kaya ako tumabi sa kanya may kailangan pa kaming gawin. Huwag mong sabihin sa akin na nagseselos ka pa rin sa kanya? Tigilan mo ang pagseselos kasi pangit ‘yan. Kaibigan ko lang yung tao. Ikaw pa rin ang bestfriend kong mang-aasar. Ano bati na ba tayo? Ang hirap mo namang amuin.” Talagang baliktad ako pa mahirap amuin. Siya itong deadma sa akin.
“Hindi mo nga sinasagot mga text ko sa iyo.”
“Nasira ang phone ko. Kakapaayos ko pa lang noong isang araw. Ang phone mo nga ang hindi ko matawagan. Siguro naka-block ako sa iyo.” Balik na naman sa akin. Pinagbintangan pa ako.
“Hindi ko chinacharge ang phone ko. Kaya low battery.” Masungit ko pa ring sagot.
“May ginawa akong peace offering. Nag baked ako ng chiffon cake, chocolate flavor. Ayan ha, favorite mo ang ginawa ko. Pang-ilang tanong ko na ito, bati na tayo? Sagutin mo naman.” Nakiki-usap naman siya.
“Sige na magkabati na tayo. Pwede mo na akong iwan.” Sambit ko sa kanya.
“Bakit pina-paalis mo na ako? Ilang araw tayong hindi nag-usap tapos ngayon papaalisin mo na ako. Ayaw ko pa. Dito muna ako.” Sambit nito at humiga pa sa aking kama. Ganito naman kaming dalawa. Hindi naman kami pinagdududahan ng mga magulang namin kahit nasa kwarto kami ng isa’t isa.
Hindi na ako nakasagot dahil pumasok na si yaya Wilma.
“Mag-tubig ka na rin Queenie. Bawal ngayon ang mga inuming may kulay lalo na softdrinks. Mag-ingat kayong dalawa sa mga iniinom at kinakain ninyo. Pati junk foods bawal na. Ito, Lucaz ang favorite cake mo.”
“Nag-iinarte pa po yang alaga ninyo. Sinusungitan pa ako. Ate di ba po, wala akong kasama ngayon? Baka dito pa nga ako matulog. Sabi ko kasi kay yaya kapag ginabi ako dito, bukas na ako uuwi. Babantayan ko muna si Lucaz. Baka dinibdib kasi ang pagtatampo ko kaya nagkasakit. Kailangan kong bumawi.” Bumangon ito at kumuha ng cake. Akala ko ay siya ang kakain.
“Nganga!” naka-umang na ang tinidor na may cake at nakatapat na sa aking bibig. Tama nga siya ako ang may kasalanan at nakikipagbati na siya kaya dapat lang na mag-ayos na kami.
Binuka ko na ang aking bibig. Hindi na ako nagpakipot. Baka kapag nakipagmatigasan ako ay tuluyan pa siyang mawala sa akin.
“Anong masasabi mo sa timpla ko? Masarap ba? Pinag-puyatan ko pa ‘yan kagabi.” Balik na nga kami sa dati.
“Masarap. Salamat. Ako na ang magsusubo sa akin. Huwag mo na akong subuan.”
“Hindi ako na. Ngumanga ka na lang kapag sinabi kong Nganga. Aalagaan kita ngayon para gumaling ka na. Kailangan mo nang makapasok sa Monday para may kasabay ako. Nami-miss na kita.” Sarap namang pakinggan. Ito talaga siya. Kaya ako sweet kasi sweet din si Queenie lalo na kapag nasa mood siya.
Ipinagpatuloy niya ang pagssusubo sa akin. Pati gamot ko ay siya na rin nag-painom sa akin. Hindi lang ako sure kung totohanin niya na dito siya matutulog. Gusto ko rin naman siyang makasama pa. Na-miss ko rin talaga siya at ang kanyang kakulitan.
Pinag-usapan lang naman namin ang tungkol sa mga subjects namin. Ang nangyari sa classroom pero hindi siya nagbanggit na tungkol kay Miguel.