8

1022 Words
Kinabukasan ay hindi ako pumasok ng school. Nawalan ako nang gana, lalo na’t hindi pa rin siniseen ni Queenie ang chat messages ko sa kanya. Wala ring sagot sa text messages ko. Tinanong ko pa siya kung anong oras sila natapos sa review? Pero wala talaga. Ayaw na niya akong kausapin. Ginising ako ni Mommy. Balot na balot ako ng kumot. Ulo ko lang ang nakalabas. “Ano ka bang bata ka? Ang init init mo pala, hindi ka man lang nagsabi sa amin.” “Mawawala rin po ito.” Sagot ko kay Mommy. “Mom, pwede po ba ninyong puntahan ang teacher ko at sabihin na hindi po ako makakapasok? May exam po kami eh. Baka hindi po ako bigyan ng special test.” Mahirap na graduating na ako. Baka maiwan pa ako ni Queenie sa high school. Kahit na nasa honor roll pa ako. “Okay sige, dadaan muna ako sa school ninyo bago ako pumasok sa trabaho. Papapasukan kita ng pagkain at gamot. Kung may iba ka pang nararamdaman itawag mo agad sa akin.” Nag-aalalang sambit ni Mommy. “Thanks, Mom. Ingat po.” Paalam ko dito. Nang wala na si Mommy ay tumingin muli ako sa phone ko. Nasa school na sila kanina pa. Baka may message na sa akin si Queenie. Baka hanapin din niya ako kung wala ako. Kaya lang ay wala. Pumasok nga si yaya na may dalang pagkain at gamot. Pagkatapos kong makakain ay humarap na lang ako sa computer ko. Pinanood ko ang mga videos na ginawa ko. Mga pictures ni Queenie at picture naming dalawa na magkasama. Ilang araw na kaming walang picture na dalawa. Lagi kaming may picture araw-araw. Kaya nga mapupuno na ang wall niya sa kwarto niya. Mabuti at wallet size lang ang picture kundi baka wala nang paglagyan. Narinig kong tumunog ang phone ko. Kulang na lang ay lundagin ko ito. Baka si Queenie na ang may message at hinahanap na ako. Laking disappointment ko ng pangalan ni Mommy ang lumabas. In-inform lang ako na naka-usap na niya ang teacher ko. Itatanong ko sana kay Mommy kung nakita si Queenie kaya lang ay baka mag-alala pa ito na lumala ang tampuhan naming dalawa. Akin na lang iyon at hindi na para isipin pa ni Mommy. Maghapon lang akong nagkulong dito sa kwarto. Wala talaga akong gana sa lahat. Tuesday pa lang ngayon , parang gustong kong diretsuhin ang week na ito at hindi na muna pumasok. Baka katabi n ani Queenie si Miguel. Baka kung hindi sila sa upuan ni Miguel, pwedeng si Miguel naman ang lumipat sa upuan ko para magkatabi silang dalawa. Naiinis akong isipin na sila ang magkatabi. Si Miguel na ba ang pumalis sa lugar ko kay Queenie? KInabukasan ay ganoon pa rin. Wala akong balak na pumasok. Hindi ko na rin tiningnan pa ang phone ko. Wala namang silbi. Hinayaan ko ng ma low batt. Hindi ko na rin chinarge para wala na akong aasahan na magtetext sa akin. Wala naman nag-aalala sa akin, walang maghahanap. Wala na ang kaibigan ko. Ang tagal niyang magtampo. O baka hindi lang tampo, baka pangmatagalan na ito. Umabot na ang Thursday at hindi pa rin ako pumapasok. Nanghihina na ako sa kakagawan ko. Hindi ko na rin maubos ang pagkain. Nawawalan na ako nang ganang kumain. Ang taghalian ko ay halos hindi ko nagalaw. Nagkatotoo na ang sakit ko. Dahil noong Tuesday ay naglagay lang ako ng bawang sa kili-kili ko para uminit ako. Pati kahapon ay ganoon rin. Pero kagabi, nakaramdam na ako ng kakaiba. Talagang mainit na ako. Totoong may lagnat na ako. Kaya pala nawalan na ako nang gana sa pagkain dahil totoong may sakit na ako. Hindi na ako makabangon kaya naman si Mommy na ang nagsubo pa sa akin kanina. Pinakain muna niya ako bago siya pumasok sa office. Late na nga rin siya. Kung wala siyang importanteng gagawin ay hindi na siya papasok sabi niya sa akin kanina. Nakatulog ako pagkatapos kung uminom ng gamot. Nagising ako dahil may nag-uusap pero mahina lang naman ang boses nila. Pamilyar na pamilyar ang boses nang nagsasalita. Boses ni Queenie at boses ni yaya. Anong ginagawa niya dito? Anong oras na ba? Hapon na yata kaya nandito siya sa bahay. “Ilang araw na siyang nakakulong dito sa kwarto. Matamlay simula noong Linggo pa yan at mas lalo na noong manggaling sa school. Nagkasakit na sa sobrang kalungkutan. Magkabati na ba kayo? Yung kasama mo ayaw pumasok dito” Sino kasama niyang pumunta dito? Nakinig lang ako sa kanila habang nakapikit ako. “Hindi pa po, yaya Wilma. Ang lakas kasi niyang mang-asar. Niyaya ko naman pong pumasok si Miguel pero ayaw niya. Baka ayaw pumasok dahil susungitan lang siya ni Lucaz.” “Mag-usap na kayo. Hindi na kayo mga bata. Manliligaw mo ba ang Miguel na iyon?” “Hindi niya po sinasagot ang mga text ko kahapon sa kanya. Hindi rin po nagrir-ring ang kanyang phone. Si Miguel po ba? Opo nanliligaw po siya noon pa. Pero hindi ko naman po in-entertain dahil bawal pa po. Pero iyon lang ang hindi takot kay Lucaz. Lahat po kasi takot dyan sa lalaking iyan. Akala nila boyfriend ko pero hindi naman. Malabong mangyari iyon.” Kasama pala niya si Miguel. Hindi na lang ako gigising. Magkukunwari na lang akong tulog. Saka ko na lang siya papansinin kapag wala na si Miguel. Bahala siya. Mukhang type niya. Proud pa siya na kasama ito. Pinanidigan ko ang pagtutulug-tulugan ko. Umalis na ito, saka palang ako bumangon para umihi. Kanina ko pa ito tinitiis. Ang sabi pa niya kay yaya, baka naiinip na raw si Miguel kaya alis na siya. Hindi talaga ako sinubukang gisingin. Mas lalo akong tumamlay. Mas lalo akong nawalan nang gana. Wala na ang best friend ko. May iba na siyang kaibigan. Kung ako ang naghahatid at sundo sa kanya, ngayon si Miguel na ang gumagawa. Nagpalit ako ng damit dahil basang - basa na ito. Umepekto na ang paracetamol na iniinom ko. Pero bumabalik din ang lagnat ko. Kaya sabi ni Mommy kailangan na akong patingnan sa doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD