7

1339 Words
Sumapit ang araw ng Linggo, magkakasama kaming nagsimba nina Mommy pati sina Ate Nora at Ate Wilma ay kasama namin. Magkatabi kaming dalawa ni Queenie, nasa gitna namin siya ni Mommy. Nasa likod naman namin aina Ate Nora at Ate Wilma. Nakahawak ito sa aking braso, sanay na akong lagi siyang ganito kahit minsan sa school hindi kami nahihiya na makitang magkakapit ang mga braso namin. Mas nagtataka ako kapag hindi siya sa akin kumakapit. Nanalo pala siya sa Quiz bee kaya naman sunod niyang laban ay regional na. Sasali raw siya kaya magiging busy na naman ito lalo sa pagre-review. At dahil regional ito ay sa school na siya mag-review kasama ang magiging coach niya na teacher. Dapat na ma-enjoy namin ang araw na ito. Bago pa siya maging busy. Hindi ko na siya masasamahan sa pag-rereview. Naiinis lang ako kasi kung bakit hindi ako sumali. Hindi ko narinig na sumali pala si Miguel at dahil parehas silang nanalo ay silang dalawa ang ipanlalaban at makakasama niya ito sa pagsasanay na gagawin nila. Nasa huli talaga ang pagsisi. Kung kasama rin lang pala niya akong mag-review sana ay sumali na lang din ako. Pero hanggang taga-cheer lang niya ang papel ko, “Peace be with you.” Inalog pa nito ang braso ko dahil hindi ko siya tiningnan at binalikan ng peace be with you. Hindi kasi maalis sa aking isipan na magkakasolohan silang dalawa ni Miguel simula bukas. “Peace be with you.” Balik kong wika sa kanya at hinalikan ko ito sa kanyang noo. Sila Mommy at Daddy rin ay hinalikan ko. Sila naman ni Mommy ay nagbeso-beso. “Kapag ibang tao talaga ang makakita dito sa dalawang bata, iisipin na mag relasyon ang mga ito. Pero bagay na bagay silang dalawa. Bawal nga lang si Queenie mag-boyfriend pa.” hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Pati boses nilang dalawa ay magkahawig. Tama sina Ate, bawal pang mag-boyfriend si Queenie. Lalo na at mahigpit na ipinagbilin iyon ni Tito. Kaya kailangan sumunod dito. “Tulala ka na naman! Kanina ka pa po. Bakit may problema ka ba?” tanong nito sa akin. Paano ko sasabihin na siya ang problema ko. “Oo, malaki.” Pinalungkot ko pa ang aking boses. “Hala, bakit ngayon mo lang sinabi? Anong problema mo?” nag-aalala na nitong tanong sa akin. “Tutulungan mo ba ako?” mas lalo kong ginalingan ang pag-arte. “Oo naman. Tutulungan kita. Sa school ba? Anong subject?” “Ang iniisip ko ay bakit ang pangit mo? Paano ka ba pagandahin?” at nagtatawa ako na akala mo ay bata. Ako lang naman ang tumawa. Lahat sila ay naka-tingin lamang sa aming dalawa na tinging nagtatanong. “Kahit hindi na ako pagandahin, kuntento na ako sa mukha ko. Ay oo nga pala ang ganda nga pala noong crush mong si Rochelle. Iyon nga pala ang pamantayan mo ng kagandahan.. E di ikaw na magaling ang taste.” Naiinis nitong wika sa akin. Bumitaw na siya at kay Mommy na sumabay. Nasobrahan yata ang panglalait ko. Ilang araw na naman ang pagtatampo nito. Kahit nang makarating kami sa kainan ay hindi ako nito pinansin. “Tita, happy birthday po. Hindi na po kami makakasama ni yaya sa sunod po na pupuntahan ninyo. Kailangan ko pong umuwi dahil tatawag daw po si Mommy. Ngayon lang po siya nag-message, pasensya na po.” Pinayagan na ito ni Mommy dahil minsan lang nga naman makatawag sina Tita dahil kapag weekdays ay nasa school si Queenie at mas lalong magbabad pa ito sa school dahil sa review nilang gagawin. Nagpaalam ito sa lahat pero ako ay hindi niya tiningnan at hindi rin ako pinansin. Napikon talaga. Lagota ko nito. Binibiro ko lang naman siya pati yung tungkol kay Rochelle ay hindi naman totoo. Naglolokohan lang kami ng mga kaklase ko ng minsang tanungin nila ako. Wala akong maisip na pangalan, dumaan ang grupo nina Rochelle kaya ito ang nasambit ko. Hindi ko na mabawi kaya ayung tinutukso na ako. Nagulat naman ako kasi ngayon niya lang iyon nabanggit. Wala akong gusto kay Rochelle, kung may gusto man ako, hindi naman pupwede. “Next time kasi huwag mo siyang binibiro ng ganoon. Hindi na kayo mga bata. Dalaga na si Queenie kaya sensitive na siya at baka may makarinig ay maniwala. Iyon ang nasa isip niya.” Pinagssasabihan ako ni Mommy. Hindi na ako sumagot dahil may point naman si Mommy. Tumuloy pa rin kami sa aming lakad pero parang wala rin ako kasi na kay Queenie ang isipan ko. Siya lang ang iniisip ko kung paano ko siya aamuin. Galit na galit siya tiyak sa akin, para ito mag-walk out. Alam ko nagpaalam siya kanila tita kaya imposible na biglang nag-message ito sa kanya. Hindi ko lang sinabi kanina dahil ayaw kong mas magalit pa ito sa akin. Madadagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya. Sinubukan ko itong i-message. Walang reply kaya sinunod ko naman na i-chat siya dahil nakita kong online ito pero wala ring response. Hindi ito sumagot at maya maya ay nawala na ang active status niya. Hindi niya rin muna sineen ang message ko bago siya mag-out. Nandito na ako sa kwarto ko. Minessage ko si Yaya Nora at ito ang tinanong ko. Nasa kwarto raw si Queenie at kanina pa nakakulong. Pagdating nila ay doon na dumiretso. Natanong pa ako nito kung ano bad aw ang sinabi ko sa kanyang alaga. Kinuwento ko naman kay Ate Nora pero sinabi kong huwag niyang mabanggit kay Queenie dahil baka ikadagdag pa ito. Halos hindi ako makatulog kaya tinanghali ako nang gising. Halos liparin ko na ang mula sa bahay papunta sa bahay nila. Si Ate Nora ay nasa hardin, nagdidilig ito ng mga halaman. “Morning po. Te si Queenie?” tanong ko dito habang isinasara ko pa ang polo ko. “Nakaalis na kanina pa. Maagang umalis ngayon. Akala ko nga nandito ka na sa labas. Sumakay sa tricycle. Hindi pa ba kayo magkabati?” iniwan na pala niya ako imbis na sumagot ako kay Ate Nora ay pumara na ako ng tricycle. Kumaway na lang ako kay Ate para kasing hiniwa ang puso ko dahil hanggang ngayon ay galit pa rin siya. Pagdating ko sa school ay saka nag-bell. Mabuti at naka-abot pa ako. Dumiretso ako sa classroom namin at nakita ko itong kausap ni Miguel. Napatingin naman siya sa akin, pero binawi rin agad. Umupo na ako, hinihintay kong maupo na siya dito sa tabi ko. Mabuti at natapos din ang usapan nila. “Queenie, sorry.” Akala ko ay uupo na siya pero kinuha lang ang gamit at naupo sa tabi ni Miguel. Absent si Rochelle na siyang katabi ni Miguel. Hinanap siya ng aming teacher dahil wala siya sa aking tabi. “Ma’am,” mahinhin nitong sambit kaya napalingon si Ma’am sa kanya. “D’yan ka na ba ngayon mauupo?” “Pansamantala lang po, ma’am. Wala po kasi ‘yung naka-upo po dito. Nahihirapan po kasi ako sa likod ma’am.” Rinig kong paliwanag nito. Matindi talaga ang tampo niya sa akin. Pati breaktime ay hindi ko siya kasabay. Si Miguel pa rin ang kasama niya. Hindi na ako nagtangkang lumapit pa sa kanya. Iyon ang gusto niya kaya hahayaan ko na lang siya. Ayaw kong masabihan pa niya akong paki-alamero. Kahit pag-uwi ay magkasama pa rin silang dalawa ni Miguel. Oo ng apala may review pa silang gagawin kaya malamang magkasama sila. Umuwi akong mag-isa na malungkot. Nagpadala akong muli sa kanya ng message pero wala itong sagot. Hindi na siya sumasagot, hindi pa rin siya nagsiseen. Iba pala kapag nasanay ka na kasama mo ang tao tapos biglang iiwasan ka at ibang tao na ang kasa-kasama niya. Sa sama ng loob ko, may luha na nakatakas sa aking mata. Siguro sa tindi ng lungkot ko. Miss ko na ang aking kaibigan. Miss ko na si Queenie. Paano ko sasabihin sa kanya na siya ang pinaka-magandang babae para sa aking paningin? Wala hindi na niya ako kakausapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD