6

826 Words
Dahil nasa ibang bansa na sina Tito at Tita ay mas lalong naging malapit kaming dalawa ni Queenie. Sabay kaming pumapasok at pati na rin sa pag-uwi. Mas madalas na akong makikita sa bahay nila kaysa nasa bahay namin. Kulang na lang talaga ay dito na ako tumira. Lalo na kapag Friday. Dito na ako dumidiretso at dito na rin ako natutulog. Uuwi na lang ako ng bahay ay Sunday at kasama ko pa si Queenie dahil sasabay kami kanila Mommy at Daddy sa pagsisimba. Ito ang hiniling nila sa akin na makasama man lang ako kahit Linggo at may bitbit pa ako, si Queenie. Masaya si Mommy sa tuwing kasama namin si Queenie. Nagkaroon na raw siya ng anak na babae. Nandito kami ngayon sa kanilang terrace at nagbubuklat ng mga notes. Sabay kaming gumagawa nito ng assignments at pati sa pagrereview. Nasa fourth year na kami kaya seryoso na kaming lalo sa aming pag-aaral. Masaya naman sina tito at tita dahil mataas ang grades ni Queenie at lagi itong kasama sa top class. Kasama rin naman ako kaya lang ay nasa pang lima na ako. Kasalukuyan kaming nag-re-review ngayon dahil kasali si Queenie sa quiz bee. May dinalang meryenda si Ate Nora para sa aming dalawa pero hindi pa nagagalaw dahil busy talaga itong katabi ko. Hindi pa siya kumakain at busy kaya ako na ang nagpasyang subuan siya. Garlic bread at carbonara ang inilabas ni Ate Nora. Kinuha ko ang plato niya at pina-ikot ko ang tinidor sa plato para makakuha ng noodles. “Nganga,” utos ko sa kanya habang nasa isang kamay ko ang plato nan aka-abang sa noodles na pwedeng mahulog o di kaya ay sauce ng pasta. Ngumanga nga ito pero ang mata ay nasa notes pa rin niya. Sunod kong ini-umang sa bibig niya ang garlic bread. Muli itong ngumanga at kumagat sa tinapay. Pinapanood ko lang siyang kumain. Maganda ang bestfriend ko, pero hanggang magkaibigan lang kami. Kaya naman madami ang nagtatangkang manligaw rito. “Nganga na uli para may laman ang tiyan at mas gumana ang utak mo.” ako ang supportive niyang bestfriend. Gusto ko na manalo siya sa darating na kompetisyon. Lagi naman siyang nananalo pero mas maganda ito dahil graduating na kami. Para may pangalan siyang maiiwan. “Thank you, Lucaz.” Nasa notes pa rin ang mat anito pero nagawa pa niyang magpasalamat sa akin. “Maliit na bagay. May cash incentives ‘yan di ba? Ilibre mo lang ako, bayad ka na sa ibinibigay kong serbisyo. Saka ako tumawa. Gusto ko lang naman siyang tumawa para kahit papaano ay ma-relax din ang mga veins niya. “iyon lang pala eh. Walang problema, ikaw pa ba?” napangiti ako sa sagot niya. Ibig sabihin ako pa rin ang besrfriend niya. Alam ko naman na pasimple siyang nilalapitan ni Miguel lalo na at nasa practice ako ng basketball. Kapag tinatanong ko si Queenie ang isasagot niya sa akin ay tungkol sa isang subject namin. Kaya nang malaman ko na magiging teacher uli namin si Miss De Leon ay lumipat na ako sa likod ni Queenie sa subject lang naman niya. Sa ibang subject naman ay sinusunod ang seat plan ng subject teacher namin. Kaya lagi na kaming magka-grupo at nababantayan ko siya. Magaling pa naman si Miguel magpa-ikot ng mga babae. “Lucaz, pahingi pa.” nakatingin na pala ito sa akin habang nakatingin din ako sa kanya pero ang utak ko naman ay tila wala sa kasalukuyan. “Ay, nagutom na ang aking baby.” Biro ko lang dahil sinusubuan ko siya. Baby naman kadalasan ang tawag sa mga sinusubuan. “Medyo lang naman.” Sinabayan pa nitong tawa. “Pagkanguya mo niyan ay inumin mo muna ito at baka mabilaukan ka.” Inagaw na nito ang tinidor at sunud-sunod ang subong ginawa. Nakaalalay lang ako dahil ako pa rin ang may hawak ng plato. “Gutom na pala, hindi muna pagkain ang harapin.” Sermon ko sa kanya. “Opo, daddy. Ito na nga po, kumakain na po.” Sagot pa nito sa akin. At parehas kaming natawa sa asaran namin. “Birthday pala ni Mommy sa Sunday. After natin magsimba ay mamamasyal daw tayo. Tapos na ang laban mo no’n kaya wala ka ng excuse para hindi makasama. Last week hanggang simbahan lang tayo kaya ngayong darating na linggo ay susulitin natin.” Paalala ko sa kanya, baka makalimutan ko ang bilin ni Mommy sa akin. “Sige, magawan din pala ng cake si Tita sa Saturday para iyon na lang ang gift ko sa kanya.” Hilig niya talaga ang mag-bake kaya nga minsan napag-uusapan namin na magtayo kami ng business pagdating ng araw. Hindi na ako kumontra at iniabot ko naman sa kanya ang baso na may juice. Tapos na niyang kainin ang carbonara at garlic bread kaya halatang halata na busog na ito. Aayaw -ayaw pa kanina pero gutom na pala. Ganito ba talaga ang mga babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD