Ngayon ang alis nina Tito at Tita. Sasakyan namin ang gamit. Si daddy ang driver at kasama kami ni Queenie. Magkatabi kaming dalawa rito sa likod ng sasakyan.
Pagdating sa airport, bumaba kami para mag-paalam kanila tito at tita. Sobra ang iyak ni Queenie. Hindi naman siya iniwan nina tito. Siya ang may gustong mag-paiwan. Dito raw niya gustong mag-aral. At dahil may bahay sila dito ay pinayagan siyang manatili. Kasama pa rin naman si Ate Nora.
“Pards, nakakahiya man pero ihahabilin namin si Queenie sa inyo. Mukhang mas gustong kasama si Lucaz kaysa sa amin.” Nagawa pang magbiro ni tito habang nakayakap sa kanya si Queenie at umiiyak.
“Hindi naman po sa ganoon, dad. Ayaw ko lang pong panibagong pakikisama. Saka matatapos na po ako ng high school. Malay po natin doon na po ako mag-college.” Sambit ni Queenie sa pagitan ng kanyang paghikbi.
“Sana nga anak, Mahirap din para sa amin na maiwan ka. Mag-iingat ka. Tawagan mo kami kapag may problema ka. Wala munang boyfriend.” Muling bilin ni tito sa kanya. Si Tita hindi na rin makapagsalita dahil sa kakaiyak.
“Lucaz, ikaw na bahala rito sa bestfriend mo. Lagi mong i-remind na bawal siyang magpaligaw. Isumbong mo sa amin.” Saka ako tinapik ni tito at marahan ding niyakap.
Ganoon na kami ka-close sa isa’t isa kaya naman pinagkakatiwalaan ako nina tito at titta pagdating kay Queenie.
Wala na sina tito. Nakapasok na sila sa departure area ng Paliparan. Kaya kami ay nandito pa, nakatingin sa kawalan. Hinayaan lang namin si Queenie. Nauna na si dad bumalik sa sasakyan. Naiintindihan naman siya si Queenie kaya wala itong pagmamadali.
Akbay ko pa ito habang nakayakap sa aking bewang ang isa nitong kamay. Humihikbi na lamang siya. Kaya hinahaplos ko na lang ang balikat nito pababa sa braso.
“Okay ka na?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya pwedeng yayain lang bigla.
“Okay na ako. Thank you, Lucaz.” Nabigla ako dahil bigla niya akong niyakap. Nagpapasalamat lang naman siya at gusto niyang iparamdam na sincere siya.
“Tara na sa sasakyan. Nandoon na si daddy.”
Pagdating namin sa parking nasa labas si daddy at hinihintay kami. Nakabukas na ang engine. Pinapalamig na nito ang loob ng sasakyan.
“Anak, tabihan mo na lang si Queenie sa back seat. Ayos lang na mag-isa ako sa harapan. Baka mag-iyak pa ang kaibigan mo.” maalalahanin si daddy. Espesyal sa kanila si Queenie lalo na at nag-iisa lang akong anak. Si Queenie ang parang anak nilang babae. Kaya hindi malabo na mag-alala ang daddy ko sa kanya.
“Okay po, daddy. Kaya nga po, ang lakas pa namang umiyak nito.” Gusto ko lang patawanin ang kaibigan ko kaya nilalakasan ko ang salita ko. Nakatulala na naman kasi siya. Ganito ba ang okay?
Inakbayan ko siyang muli at kinabig.
“Sa una lang iyan. Bukas makaka-usap mo na rin sila sa online. Parang nasa work lang sila. Anong gusto mo para gumaan ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng ice cream o halo-halo?” hindi ako sanay na umiiyak ito at malungkot kaya kung anu-ano na sinasabi ko sa kanya.
“Talaga? Ililibre moa ko? Hindi ka na kuripot?” ‘yan ang gusto niya ang mailibre siya. Ako pa sinabihan na kuripot. Samantalabg siya itong napakakuripot. Kaya nga ang dami na niyang savings.
“Si daddy ang manlilibre sa atin. Tama po ba ako dad? Ikaw ang manlilire sa aming dalawa ni Queenie?” pati si daddy na nanahimik sap ag-drive ay nadadamay sa kalokohan ko.
“Sige ako na, magaling ka lang magtanong. Pasalamat ka at si Queenie ang may request, madadamay ka lang. Ayan may madadaanan tayo. Drive thru na lang tayo.” Mabait si daddy, lahat din naman ng gusto ko ay sinusunod nito.
Habang kumakain kaming dalawa, “Gusto mo sa bahay ka muna? Doon ka na kumain.”
Sumegunda naman si Dad, “Oo nga, Queenie, doon ka muna para hindi ka malungkot.”
“Salamat po tito, pero sa bahay na lang po ako. Kawawa naman po si yaya kung mag-isa lang siya sa bahay. For sure, malungkot din po siya.”
“Sige, samahan ko na lang muna kayo ni Ate Nora. Mahirap din wala kayong kasamang lalaki sa bahay ninyo. Dad, doon mo na lang po kami ibaba ni Queenie. Mamayang gabi na lang po ako uwi, pakisabi na lang din po kay Mommy.” Nasa loob na kami ng subdivision kaya naman doon nga kami ibinababa ni Daddy.
“Tito, maraming salamat po. Pakisabi rin po kay tita, thank you po.” Pasalamat ni Queenie at pumasok na kami sa loob ng bahay. Naghihintay na pala si Ate Nora sa gate dahil tinext na siya ni Queenie at nagpahanda ng makakain. Ako na ang nakikain sa kanila.
Habang kumakain ay panay ang tulo ng luha nito.
“Paano kita maiiwan kung ganyan ka? Tumahan ka na.”
“Samahan mo ako, Lucaz. Umuwi ka na lang kapag nakatulog na ako.” Mas lalo itong malambing sa akin kapag may sakit siya at ganitong malungkot. Binabantayan ko siya sa tuwing may sakit. Ako tagalagay ng towel sa kanyang noo. Pati pagpapakain ay ako ang gumagawa. Ako rin naman kasi ang nagpipresinta. Gusto ko nasa tabi niya ako lagi. Ako lang ang lalaking pwedeng laging nakadikit sa kanya. Kung sino man ang magtangka, isusumbong ko kay tito at alam ni Queenie na seryoso ako, kaya takot siya. Tulad ni Miguel, alam ko crush niya iyon pero hindi pwede dahil malalagot siya.
Hindi naman ako papayag na palitan siya ni Miguel. Maloko kaya iyon sa mga babae. Ilan na sa kaklase namin ang naka-relasyon niya at gusto pa niya yatang isali si Queenie sa listahan. Hindi naman ako papayag na isali niya ito. Kahit matangkad siya sa akin ng kaunti ay hindi ko siya uurungan. Gusto niyang pahabain ang listahan, gawin niya pero hindi pwedeng makasali ang aking bestfriend.
“Hoy!! Ano ba, sasamahan mo baa ko? I-message ko na lang si tita na gagabihin ka. Pwede rin dito ka na matulog para hindi naman ako ang mangamba pag-uwi mo. Ano payag ka na ba? I-se-send ko na ito.” Makapagtanong naman ito, ready na pala. Isang tango ko lang ay maipapadala na niya kay mommy.
“Sige, wala namang pasok bukas. May damit pa naman ako dyan, di ba?” may damit ako dito dahil naka-ilang tulog na rin ako dito. Hindi na bago sa akin ang matulog dito sa kanila. Minsan nga sa hapon natutulog kami nito sa isang kama. Nasa magkabilang dulo lang kami.
“Oo, nandoon sa damitan ko. Saan ka ba matutulog? Doon na lang sa room ko. Kapag hindi tayo matulog, mag-review na lang tayo.” Nalibang na ito sa kaka-kwentuhan namin. Ito pala ang gamot kailangan lang ay kwentuhan ko siya.
“Lilipat na lang ako mamaya sa sofa sa sala kapag natulog ka na.”
“Ikaw ang bahala. Gusto mo na bang mag-shower? Mauna ka na lang muna sa akin. Doon ka na sa bathroom sa room ko ikaw mag-shower. Sira ang faucet sa bathroom na nandito sa labas.” Wala nga akong choice kundi sa loob ng room niya ako mag-shower.
Sabay naman kaming pumasok sa kwarto niya. Mga pictures naming dalawa ang makikita sa wall nito. Hindi pwedeng hindi ako mapangiti kapag nakikita ang mga litrato dahil ito ang magsasabi ng storya ng aming pagkakaibigan. Ang simula at walang katapusan. Bawat araw ay nadaragdagan ng mga bagong alaala. Lagi kaming may selfie at si Queenue, piniprint niya agad ang mga ito. Baka dumating ang araw puno na ang kanyang kwarto ng mga larawan namin.