4

1817 Words
Nagpaalam agad si Lucaz sa mga kagrupo niya nang matapos na malaman nito ang part niya. Nagmamadali itong pumunta sa bahay nina Miguel para masundo si Queenie. Nakalabas na ng gate sina Queenie at Miguel. Naka-alis na ang iba dahil iisa lang ang way nila. Bukod tangi si Queenie na sa kabilang direksyon naman. Nag-offer na si Miguel na siya na lang ang maghahatid sa dalaga. Gusto rin niya itong makilala dahil crush niya ang dalaga. Kapag nasa school ay hindi siya makalapit dito dahil sa kaklase nilang si Lucaz na lagi na lang kadikit ng dalaga. Hindi pa man nakakalayo ang dalawa sa gate nina Miguel ay nakasalubong na nila si Lucaz, Nakasimangot ito nang makita ang dalawa na magkasama. “Lucaz, tapos na kayo?” tanong ni Queenie dito. “Oo, kaya nga nandito na ako para sunduin ka.” Sambit nito at tiningnan pa si Miguel. “Ihahatid ko na si Queenie, sana hindi ka na dito pumunta para hindi ka napagod. Hingal na hingal ka na.” tudyo naman ni Miguel. “Nagmamadali ako kaya ako hinihingal pero balewala itong hingal ko, masiguro ko lang na safe si Queenie.” Hindi papatalong katwiran ng binata. “Miguel, nandito na si Lucaz. Salamat na lang sa kagustuhan mo na maihatid ako. Nandito pa naman tayo sa labas ng bahay ninyo. Salamat talaga. Sasabay na ako kay Lucaz.” Nahihiyang sambit ng dalaga. “Okay sige, mag-ingat ka.” Iyon lang ang sinabi ni Miguel at iniwan na ang dalawa. “Sabi ko na nga eh! May crush ka talaga sa lalaking iyon. Pumayag ka pang magpahatid, alam mo naman na susunduin kita.” Saad ni Lucaz. Tila matanda itong nagsesermon sa dalaga. “Nag magandang loob lang iyong tao, saka wala kang sinabi sa akin kanina na susunduin mo ako. Malay ko ba? May sarili ka naman kasing grupo, bakit kailangan mo pa akong ihatid at sunduin? Medyo iritableng wika dito ng kaibigang babae. “Ah nagagalit ka kasi hindi natuloy ang paghatid sa iyo nung crush mo? Gusto mo ba siya na lang maghatid sa iyo? Tawagin ko ba para ipahatid ka?” naiinis na ring wika ni Lucaz. Alam ni Queenie na mauuwi lang ito sa tampuhan nilang dalawa. Kahit close sila ay may mga pagkakataon na nagkakaroon sila ng mga tampuhan. Kapag hindi nagpunta si Lucaz sa bahay nila ay sigurado na may tampo sa kanya ang lalaki. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang bahay nina Queenie. Walang umiimik sa kanilang dalawa. Pagtapat sa bahay nina Queenie ay nandoon ang yaya nito at ito na rin ang nagbukas ng gate. Pumasok si Queenie na walang imik. Kapag ganoon ay alam na ni yaya na may problema ang dalawa. “Pasok ka Lucaz!” anyaya dito ni Yaya Wilma. “Hindi na po. Tutuloy na po ako Ate Wilma.” Ani Lucaz. “Sige mag-iingat ka. Ikumusta mo na lamang ako sa yaya Nora mo.” wika nito sa binata. “Okay po, alis na po ako.” Pumasok naman sa loob ng bahay si Yaya Wilma para sundan ang kaniyang alaga. “Bakit nangangamoy tampuhan yata?” ani Yaya Wilma. “Paano po yang si Lucaz, sinundo ako kanila Miguel. Tapos pinagbibintangan pa ako na gusto ko raw talagang magpahatid kay Miguel. Wala naman akong sinasabi. Si Miguel lang ang nag-offer. Hindi nan ga ako inihatid at inangasan niya. Nang kami na lang dalawa ay kung anu-ano pa ibinibintang niya sa akin. Bahala siya. Hindi ko siya kakausapin.” Kwento ni Queenie sa kanyang yaya. “Alam mo naman si Lucaz, over protective sa iyo. Intindihin mo na lang. Huwag ka na diyan sumimangot at baka bigla kang pumangit.” Pagbibiro ni Yaya Wilma. “Pangit naman talaga ako, wala ngang nagkakagusto sa akin. Hindi tulad ng mga kaklase ko may mga nagkaka-crush sa kanila at yung iba may manliligaw pa.” malungkot nitong turan. Hindi masagot ni Yaya ang sentimyento ng dalaga dahil alam niya kung bakit wala ditong nagtatangkang manligaw dahil gwardyado ito ng kanyang kaibigan. Hindi talaga pumapayag si Lucaz na may magtatangka na lumapit dito. Tulad ng ikinukwento ni Queenie na kahit gusto siyang ihatid kapag nandyan si Lucaz ay mabibigo ang sinuman na magbalak. “Gusto mo bang kumain para mabawasan iyang tampo mong iyan? Nagluto ako ng turon kanina. Akala ko ay makakauwi ka kaagad. Pati si Lucaz ay idinamay ko nang pagluluto kaya lang ay hindi na rin tumuloy dito at nagpaalam na.” sambit ni Yaya. “Kasi naman siya, kung sana pag-alis n ani Miguel ay hindi na kung anu-ano pa ang pinagsasabi niya sa akin e di sana hindi ako nagtatampo sa kanya ngayon. Pero gusto kong kumain po ng turon at ice cream, ya.” Wika ni Queenie. Kaya lumabas na ito ng kwarto at nagpunta na sila sa kitchen ng kanyang Yaya Wilma. Samantala si Lucaz ay nakasimangot din pagdating ng bahay nila. “Bakit ganyan ang gwapong mukha mo? Para kang natalo sa kung saan.” Ani Yaya Nora. “Ayun, galit sa akin si Queenie. Hindi kasi natuloy ang paghahatid sa kanya ng crush niya.” Sumbong nito kay yaya Nora. “May crush na si Queenie? Mas gwapo ba sa iyo ang crush niya?” tila gulat na gulat pa ang yaya ng binata. “Hindi naman iyon aarte ng gano’n kung hindi niya crush si Miguel. Hindi nga ako crush ni Queenie, paano ako naging gwapo.” Saad nito na tila nalungkot. “Saka kahit crush niya pa si Miguel at may crush din ito sa kanya hindi siya pwedeng maligawan. Magagalit si tito. Pinapabantayan siya sa akin. Pagkatapos pa niyang mag-aral saka lang siya pwedeng tumanggap ng manliligaw.” Ani Lucaz. Kahit nandyan pa ang magulang ni Queenie ay inhabilin na ito kay Lucaz dahil hindi na iba ito sa pamilya. Kasalukuyang nag-aayos na rin ang magulang nito ng mga documents para sap ag migrate sa Amerika dahil sa job opportunity para sa Daddy ni Queenie. Mas malaki ang offer kaya naman brinab ito ng Daddy ng dalaga. Kasama ang Mommy niya. Dapat pati si Queenie ay kasama kaya lang ay ayaw nito dahil nag-aaral pa siya . Hindi naman for good ang plano ng mga magulang ni Queenie. Makapag-ipon lang at babalik rin ng Pilipinas. May magandang offer lang kaya gustong samantalahin iyon ng kanyang Daddy. Nandyan naman ang kanyang yaya na makakasama nito. Safe rin naman ang kanilang tintirahan at wala naman silang kaaway para gawan sila ng masama. Hindi rin sila mayaman para may magtangkang kumidnap sa dalaga. At nandyang si Lucaz para tingnan din at bantayan ang dalaga. Kahit nandyan pa ang mga ito ay si Lucaz lagi ang tagpagtanggol ni Queenie. “Yaya gawaan mo naman ako ng paborito ni Queenie para may peace offering ako sa kanya. Baka hindi niya ako kausapin sa school sa Monday.” Ani Lucaz. “Ano bang gusto mong iluto ko para sa kanya?” tanong dito ni Yaya Nora. “Leche flan po, favorite po niya iyon eh.” Samabit ni Lucaz. “”Okay sige, mamayang gabi ko gagawin para bukas ay malamig na iyon. Sige kumain ka na muna.” Sambit sa kanya ni Yaya Nora. Sayang sana Vilma na lang ang pangalan ng yaya ni Queenie para match talaga ang mga yaya nila na simula’t sapul ay naging close na tulad nila ni Queenie. Hindi maiwasan ni Lucaz na hindi alalahanin ang kaibigan na nagtatampo sa kanya. Baka nasobrahan na rin kasi ang pagiging higpit niya dito. Ngayon ay sa kanya galit ang kaibigan. Noon sa tuwing may tampuhan ay isang sorry lang magkabati na sila uli. Ngayon parang iba na kapag galit ang isa. Nahihirapan siyang mag-concentrate at pati pagtulog ay apektado na. Hindi niya lang alam kung ganoon din si Queenie sa kanya. Baka masaya pa nga iyon dahil makaka-usap nito ang binata at wala siya sa tabi nito. Sa isip niya kailangan magkabati na sila bukas para sa Lunes ay balik sila sa dati. = = = = = = = = = = Kinabukasan ay nagpunta si Lucaz sa bahay ng mga Santiago. Dala na nito ang ipinaluto niyang dessert kay Yaya Nora bilang peace offering niya sa dalaga. PInatuloy siya ni Yaya Wilma, nasa sala ang mag-anak at nakita nito na nagpupunas ng mga mata ang kaibigan niya. “Good morning po Tita, Tito.” Hindi niya binati si Queenie dahil nakayuko ito at baka tingnan lang siya ng masama. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. “Good morning Lucaz. Tuloy ka!” Ang daddy ni Queenie ang nagsalita dahil ganoon din ang Mommy ni Queenie. Nagpupunas din ng luha. Ano kaya ang nangyari at bakit umiiyak ang dalawang babae? Tanong sa isipan ni Lucaz. “Hindi ka na rin naman iba sa amin. Approved na ang mga papel namin ay sa susunod na Linggo na ang alis namin. Ihahabilin ko sa iyo ang anak namin na si Queenie. Sana ay bantayan mo itong mabuti para walang makaporma sa kanya. Kailangan ay makapagtapos muna bago ang ligaw.” Wika ng Daddy ni Queenie. Nagkatinginan naman ang dalawa. Agad ring binawi ni Queenie ang paningin dito. “Okay po tito. Makakaasa po kayo na babantayan ko si Queenie.”sambit nito. “Sige maiwan muna namin kayo dito at magsisimula na kaming mag-ayos ng mga dadalhin namin. May trabaho pa kami sa mga susunod na araw dito.” Paalam sa kanila ni Mr. Santiago. Naiwan sa sala ang dalawa. Magkatapat sila ng upuan. “Nagtatampo ka pa ba?” mahinang sambit ni Lucaz. “Hindi na. Okay na ako.” Sagot ni Queenie dito. “Eh kung hindi ka na galit , bakit parang napipilitan lang ang sagot mo?” “Malamang nalulungkot ako sa pinag-usapan namin ng magulang ko kanina. Alangan naman magsaya ako?” mukhang naiinis na naman ito sa kaibigan niya. “Sorry na. Huwag ka na magalit. Pwede mo naman sila matawagan lagi at makita thru video call. Saka nandito naman kami ni Ate Wilma pati na rin ni Yaya Nora para alagaan ka. Nandyan din sina Mommy at Daddy ko. Habang nasa malayo sila, kami muna ang pamilya mo.” wika ni Lucaz. “May dala pala ako sa iyo na paborito mong leche flan. Gusto mo na bang kainin? Ikukuha kita ng lalagyan.” Nakangiting sambit dito ni Lucaz. “Talaga? May dala kang leche flan? Sa kusina na lang natin kainin. Tara na doon.” Sumigla na ito nang marinig na may dalang dessert ang kaibigan. Nagtungo nga sila sa kusina at si Lucaz pa ang kumuha ng platito at kutsarita para sa dessert na kanilang pagsasaluhan. Mabilis lang lumipas ang tampo ni Queenie sa kaibigan dahil hindi naman totoo ang ibinibintang nito na may crush siya kay Miguel. Hindi na nila pinag-usapan ang naging dahilan ng tampo ni Queenie sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD