Kabanata 6

1105 Words
"Miss, are you okay?" someone asked her. That voice seemed unfamiliar for her, that is why she forced herself to open her eyes. Puting kisame, at isang mala-anghel na mukha ang bumungad kay Laureta nang imulat niya ang kan'yang mata. Masakit ito at mahapdi, pero sapat pa rin para maaninag ang ilang bagay. She blinked more than twice, and waited for her vision to be clear. "Miss, are you okay? Can you hear me?" the man asked again. Nasaan ba talaga siya? At sino ba itong nagsasalita? "Miss, ayos ka lang ba?" sa pagkakataong 'to ay itinagalog niya na ang tanong. Hindi naman sa judgemental siya. In fact mukha ngang desente at mula sa mayamang pamilya ang babae, pero nag-aalala siya dahil hindi ito sumasagot. Laureta wanted to talk. She wanted to ask this guy, but she just can't. Tila nanunuyo ng labis ang lalamunan niya. Pakiramdam niya'y isang buwan o higit pa siyang hindi napapatakan ng tubig sa katawan. Ni ibuka ang bibig niya ay hindi niya magawa. She tried to move her finger too, but she failed. "Hello! Yes, this is from room 119. The patient is awake now. Can you please call someone to check her?" she heard. "What is this man talking about?" Laureta asked herself in her mind. "What? What do you mean? Anong walang bakanteng doktor? No. Please, send us someone." "Okay, Thank you!" Doktor? Tila doon na nahimasmasan ang dalaga. Kung gan'on ay nasa Ospital siya. Pero ano naman ang ginagawa niya dito, kung gan'on? Sa pagkakatanda niya ay nasa restaurant siya. Kausap niya 'yong manager, at nagkaroon sila ng kaunting pagtatalo. Paano ba naman kasi, hindi na nga siya tinanggap tapos ay ininsulto pa siya't pinahiya. Iyon lang ang huli niyang natandaan. Ang iba ay hindi niya na maalala, dahil nagising na siyang puting kisame ang nakikita. "Doc, how was she?" the guy asked. "Don't worry, she's fine now. Normal na ang vital signs niya." "Thank you! Uh, may kailangan ba siyang gamot or what?" "A meal and sleep is what she needs. Over Fatigue at dahil sa gutom kaya siya hinimatay kanina."  Tila nabunutan naman ng tinik sa leeg ang binata. Sobrang putya kasi kanina ng dalaga at aakalain mo talagang patay na siya kung makikita mong nakahandusay. "Thank you, Doc!" Tinapik siya ng Doktor sa balikat saka siya nginitian bago ito tuluyang umalis. Sinundan ito ng tingin ni Laureta, at ganoon din naman ni Ismael. She took the opportunity to roam around the room. Akala niya kanina ay nasa langit na talaga siya, puro puti kasi ang nakikita niya at idagdag mo pa 'tong mukhang anghel sa tabi niya. "Are you okay now? Anong nararamdaman mo? May gusto ka bang kainin, or what?" tanong agad sa kan'ya ng binata pagka-alis na pagka-alis ng doktor. "T-tubig," hirap niyang saad. Uhaw na uhaw na kasi 'to at talagang ramdam niya ang pagkatuyo ng lalamunan. Napakamot sa ulo si Ismael bago i-abot sa kan'ya ang isang bottled water na may kaunting bawas na. "Uh, sorry may bawas na." Laureta seemed to be hesitant at first. Napansin din 'yon ni Ismael, kaya't lihim itong natawa sa isip. "Hindi nakaka-hydrate ang tubig kung tititigan mo lang, dapat iniinom," pahayag niya at saka itinaas ang tubig na hawak niya. Nanatili kasi 'tong nakabitin sa ere at tinititigan lang ng dalaga. "Hey, malinis ako. Huwag kang mag-alala, wala akong aids. Kung gusto mo ipapakita ko pa sa 'yo medical certificate ko—" Naputol ang dapat niyang sabihin nang tanggapin na ng dalaga ang bottled water. Malaki ang ngiti niya habang inaalalayang bumangon si Laureta. Sumandal 'to sa headboard ng kama. "Uh, Thank you, Sir!" she said shyly. She doesn't know how to extend her deepest gratitude to him. Medyo nahihiya kasi 'to sa inasal kanina. Pinagdudahan at hinusgahan niya ang binata. "Ismael. Call me Ismael," he replied with a smile. Sa loob loob niya ay lihim niyang pinagmamasdan at sinusuri ang dalaga. Kaya naman pala todo tingin kanina si Huge sa kan'ya, dahil maganda pala talaga ang dalaga. Maganda na siya sa unang tingin, pero mas lalo siyang gumaganda sa t'wing natititigan na. "Uhm... may dumi ba ako sa mukha?" "Ha? A-ahh. W-wala naman." Umiwas ito ng tingin at saka mariing pumikit upang murahin ang sarili. Hindi niya kasi mapigilan. Parang magnet ang mukha niya na kapag tiningnan niya na, mahirap ng lumingon sa iba. "Sigurado ka ba?" tanong niyang muli. Hindi kasi siya mapakali sa t'wing tinititigan siya ng ganito. Natatakot siya. Sa paraan kasi ng titig niya ay parang sinusuri niya ang mukha ng dalaga. In short, takot na si Laureta na maulit 'yong nangyari kanina sa restaurant. Masakit kasi ang mga binitawang salita ng manager sakan'ya, nang malamang anak siya ni Senatora Laxamana. "Yes. I was just mesmerized by your beauty. May lahi ka ba? Siguro mayroon, mukha kang mistisa sa runway. Wait... are you a model?" Namula si Laureta sa sinabi ng binata, at dahil mistisa ito ay madali lang mahalata ang pamumula ng pisngi niya. "Ahh. Damn! This is making me crazy." iiling-iling na bulong niya sa sarili. "Nga pala miss, okay na pala 'yong bills mo. Naayos na ng secretary ko, in any time soon pwede ka ng ma-discharge." "H-ha? Uhm... wala pa akong pambayad sa ngayon. W-wala pa kasi akong trabaho," nahihiyang pag-amin ni Laureta. "Hindi mo nalang sana ako dinala dito. Wala akong—" "Miss, I wasn't the one who brought you here." "A-ano? Kung hindi ikaw... sino?" "Oh, it was my cousin. Kaso umalis na siya kanina lang, bago ka magising. May emergency chix—business kasi siya." "Gan'on ba? Pakisabi salamat, at pasensya na sa abala." "Ginutom na nga ako kakahintay sa 'yo na magising. Tutal hindi ka pa rin naman kumakain, why don't you join me for dinner—" "Huwag na po sir—" "Ismael. Just Ismael, stop with the formalities, okay? Ano nga palang pangalan mo?" "Laureta," pakilala niya sa sarili at saka umiwas ng tingin. Na-discharge na ang dalaga. Kakalabas niya lang ngayon sa ospital. Magdidilim na at halos alas sais na rin pala ng gabi. "Laureta, saan mo gustong kumain?" "Huwag na. Sa bahay nalang ako kakain, wala kasing kasabay 'yong papa ko." "Ganoon ba? Edi take out nalang—" "Ismael, huwag na. Nakakahiya na kung ililibre mo nanaman ako. At saka nga pala, kukunin ko pala email o contact number mo para mabayaran kita kapag may trabaho na ako." "Ahh. Speaking of work," ani Ismael at saka nag-abot ng isang business card. "Hiring kami ngayon, kung interesado ka pwede kang pumunta diyan bukas. Sabihin mo lang pangalan ko, makakapasok ka agad." Nahihiya man ay tinanggap pa rin ito ng dalaga. Grasya na nga ang lumalapit sa kaniya, alangan namang itaboy na pa. "Salamat. Salamat talaga, Ismael. Hulog ka ng langit. Sige na, mauuna na ako. Pasensiya na ulit sa abala." "Teka lang," ani Ismael. Hinawakan niya ito sa siko nang mahabol ang dalaga. "Kung ayaw mo akong sabayan kumain, hayaan mo nalang akong ihatid ka sainyo." "Isma—" "Sa ayaw at sa gusto mo, Laureta."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD