Laureta flinched when she felt something on her foot. Naalimpungatan ito mula sa pagkaka-idlip sa couch, pero agad namang napanatag ang loob ng makita ang bulto ng kapatid.
"Kuya, anong ginagawa mo? Kakauwi mo lang ba?" taka niyang tanong bago iunat ang katawan.
Katulad kasi ni Laureta, buong araw din itong babad sa tirik na tirik na araw. Sumubok din siyang humanap ng trabaho, dahil naaawa na siya sa kapatid, at sa magulang.
"Medyo kararating lang din. You look tired and... wasted," halos ibulong nalang nito ang huling salita.
"Do I?"
"Well, honestly yes."
Laureta bit her lower lip. Mariin itong pumikit kasabay ng isang malalim na buntong hininga. Nang mahimasmasan 'to ay babangon na sana siya't maghahanda ng pagkain, pero agad siyang pinigil ng kapatid.
"Ano nanamang trip mo, kuya? Magluluto na 'ko. Gusto mo bang matulog ng gutom? Pwes, kung gusto mo, huwag mo kaming idamay ni papa. Alis na—"
"Stay still. Huwag kang pasaway kung ayaw mong mapalo. You've been through enough for today. Kumalma ka lang diyan, mamasahihin lang kita saglit."
"Kuya!"
"Kuya!" he mocked as he rolled his eyes. "Stay. Please, Laureta, kahit ngayon lang huwag mong tigasan ang ulo mo at makinig ka sa 'kin."
Laureta accepted her defeat and followed what her brother wanted her to do. Hinayaan niyang sakupin ng kan'yang katawan ang couch.
Yumukod si Domingo at inabot ang paa ng dalaga. Sinimulan niya ng hilutin ito. Marahan at banayad lang.
"How was it?" he asked. "Masakit pa ba?"
"Slight. Medyo namamanhid pa rin—teka, kailan ka natuto niyan?"
"I was an athlete. Duh."
"Water boy ka lang noon, kuya. Duh!" asar naman nito sa kapatid. "Ahh, naging player ka nga pala. 'Yon nga lang hindi bola ang nilalaro mo, kung 'di feelings ng babae."
"Ouch!" nilagay niya ang kamay sa ibabaw ng dibdib at umaktong nasasaktan. "Ang harsh mo naman sa 'kin, Laur. Kasalanan ko bang gwapo ako?"
"Gago kamo," bulong nito sa sarili na mukha namang narinig ng binata. Ngumisi kasi 'to.
"Foul, bunso! Porket ba gwapo, gago na agad at babaero? Hindi naman lahat."
"Yeah," she agreed. "Hindi lahat ng gwapo, gago. Kasi minsan, mas gago pa 'yong mga feeling gwapo."
Humalaklak ang binata. Pansamanta niya munang nilubayan ang paa ng kapatid, upang tumawa ng malakas.
"Sakit pa rin siguro sa loob mo, ane?"
"What the hell are you talking about?"
"Iniwan ka ng mas pangit sa 'yo, hindi ba?"
"Pinagsasabi mo ba diyan?"
"Asus. Kunyare walang alam," he whispered and whistled after that. "Hindi ba't kaya masama ang loob mo kasi na-ghost ka n'ong huli mong kaharutan? Sino na nga ulit 'yon? Ano na nga ulit pangalan n'ong mukhang tarsier na 'yon?" he asked while laughing.
"Kamusta nga pala paghahanap mo ng trabaho?" pag-iiba niya sa topic, at kasabay din n'on ay ang pag-iwas niya ng tingin sa kapatid.
"Hmm. Katulad ng lovelife mo, matumal."
"How dare you?"
"Guilty, are we?"
"May nahanap ka ba?"
"Bebe o trabaho?"
"Trabaho, kuya. Trabaho. Well, not unless may iba kang trinabaho."
"Wala akong nahanap. Ikaw ba?" balik na tanong nito sa dalaga. Laureta took a deep breathe too, ang remained silent for a moment.
"Hulaan ko, wala ka rin nahanap, ano?"
"They are being unfair and judgemental. Grabeng diskriminasyon ang natatanggap ko dahil lang sa isa akong Laxamana. How dare them, right?"
Nang makontento na siya sa ginagawa ay iniwan niya na 'yon at saka inalis ang takong ng kapatid. Naka-tulog nanaman kasi 'to, at mukhang mas mahimbing 'to kumpara sa kanina.
"My poor sister," he whispered to himself as he took a deep breathe. Dahan-dahan siyang tumayo upang kunin ang first aid kit nila sa kusina. Marami kasing paltos si Laureta sa paa, at gagamutin niya 'to.
"Ouch!" Si Laureta ay nagising mula sa pagkakaidlip nang maramdaman ang hapdi sa kan'yang talampakan. "Kuya! You fool! Sabi mo sa akin masahe lang, e ba't ano 'yan?"
"Betadine lang 'to, Laur."
"Shet, masakit!"
"You're over reacting again—"
"Anong over reacting? Mahadpi nga 'di ba? Aaray ba ako kung hindi?"
Kinabukasan ay ipinagpatuloy pa rin ng mag-kapatid ang paghahanap ng trabaho. And for the first time, their dad finally planned to visit their mother in jail.
"Are you our of your mind? Bakit hindi n'yo sinabi sa akin, ha? Damn it!"
Umagang-umaga pa lang, pero heto't halos bumuga na ng apoy si Huge sa kan'yang opisina.
"S-sir..."
"What? Can't you talk properly?"
"Pasens'ya na po talaga—"
"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Wala ba kayong mga cellphone, ha?"
"Meron po, sir, pero—"
"Meron naman pala! Bakit hindi kayo tumawag o nag-text man lang? Wala ba kayong load kahit piso lang?"
"Sir, sabi mo po kasi, ayaw ko ng istorbo. No phone calls if it is company related problem. Kabilin-bilinan niyo rin po na sabihing naka-leave kayo kung may hahanap sa 'yo."
"Did I?" he asked raising a brow. Maluwang naman ang opisina niya, pero kung magsiksikan ang mga 'to ay tila ba kapos na kapos sila sa space.
Nawalan kasi sila ng isang mabigat na investor, dahil sa kapabayaan ng limang ito, na siya namang nakatayo sa harap niya.
"Did I?" he repeated the question again when no one dared to answer him.
"Oo raw po, sir." halos hindi niya na 'to marinig sa sobrang hina.
"Damn it! 'raw', Bakit hindi kayo sigurado?"
"Sir, kasi po—"
"Who the hell told you?"
Nagkatinginan ang mga 'to. Nag-usap sila gamit ang mata at halatang nagtuturuan kung sino ang sasagot. Wala kasing may gusto. Sino nga ba naman kasi ang gustong mabugahan ng apoy mula sa dragon na nasa kanilang harap, hindi ba?
"Si... si Ms. Marian po," sa wakas ay may sumagot na.
"Tell her that she's fired."
"Pero s—"
"Get back to work! I said, get back to work! Ano pa ang tinitingin-tingin niyo diyan?"
Taranta silang lumabas, at halos itulak na nila ang isa't-isa para lang maka-alis agad.
Sakto rin naman ang pagdating ni Ismael, ang pinaka-malapit niyang pinsan. Sumisipol-sipol ito nang umupo sa tapat niya.
"Huge, ang aga-aga para kang timang. Nasa hallway pa lang ako rinig na rinig na kita," aniya.
"Why are you here?" tanong niya, pero hindi ito tinapunan ng tingin.
"May appointment tayo ngayon kay Mr. Kawamoto, remember?"
Pumunta ang dalawa sa restaurant kung saan naka-schedule ang meeting nila.
"Huge, are you listening?"
Kanina pa daldal nang daldal si Ismael, pero itong kausap niya naman ay nasa iba ang atensyon. Kakatapos lang ng meeting nila, at successful ito.
"Earth to Huge. Earth to Huge," pang-rititwal nito habang umiiling-iling. "Ano ba kasi 'yang tinitingnan m— woah. Beautiful," he complimented.
Wala pa ring imik si Huge. Kunot noo niyang pinagmamasdan si Laureta mula sa malayo. Pamilyar ito, pero hindi niya maalala kung saan niya nakita. Pilit niya itong inaalala, pero wala talaga.
Kailan pa siya naging makakalimutin sa babae?
"Type mo, ano?" dagdag pa ni Ismael. "Sabagay, maganda naman. She looks like a wife material."
"Shut up, will you?"
"Jealous, are we?" Ismael fired back.
"No. Take a look at her... she looks pale?"
"f**k!" mura ni Ismael nang makita ang pagbagsak ng dalaga.
Laureta fainted, and the two gentlemen immidiately rushed towards her.