Sunod-sunod ang dumarating na house bills sa bahay nila Laureta. Hindi alam ng dalaga kung paano babayaran ang mga 'to. Sapat nalang kasi para sa isang buwan na supply ng pang-araw araw ang hawak na pera ng dalaga. Kung babawasan niya 'to para sa mga bills ay tiyak na mamamatay sila sa gutom.
Naisip niyang ibenta ang ilan sa mga gamit, kaso ang problema, sino naman ang bibili? Ni ultimo kaibigan niya nga ay tinalikuran na siya. No one wants to talk to her, no one wants to stay close to her.
"Papa, hindi mo pa rin ba dadalawin ang mama?" tanong nito sa kan'yang ama.
Simula kasi ng makulong ang ina, ay hindi pa ito dinadalaw ng ama. Walang ideya ang dalawa sa kung ano man ang inaakto ng ama, pero hinayaan lang nila ito at nirespeto. Maybe he needs more time. They guess.
"Let's not talk about that, Laureta." matigas na pahayag ang ama. Awtomatikong nagkatinginan ang magkapatid, ngunit agad din naman nila itong ipinagkibit balikat.
"Pa, nakausap mo ba ang bangko? Kailan daw natin pwede i-access ang accounts natin? Natamabakan na tayo sa bills. Malapit na ring umiyak itong pitaka ko," pabirong saad ni Domingo.
"Mamumuti lang ang mata mo kakahintay."
"Papa, what did the bank tell you?" she asked curiously.
"Anong ibig mong sabihin, papa? Bakit naman mamumuti ang mata ko...kakahintay?"
"Hindi na 'yon babalik sa atin. Mukhang hindi na nila bibitawan," mapait nitong sagot sa dalawang anak.
"That's absolutely unfair!" si Domingo ang unang nag-react, samantalang si Laureta ay nanatiling tahimik lamang. Hindi kasi nito alam ang dapat sabihin, o kung anong reaksyon ba ang dapat niyang pakawalan.
"I know, but don't worry I'll try again—"
"Huwag na papa," ito na 'ata ang unang beses na sasabat ang dalaga. "You are just wasting your time. Hayaan niyo na, may iba pa naman sigurong paraan."
"How about our bills? Our expenses?" kontra ni Domingo sa dalaga.
"Hayaan niyo, bukas na bukas din ay maghahanap ako ng trabaho."
"Pa! We can't risk your health, alam mo 'yan—wait, are you still taking your meds?" Laureta asked.
"Ano ka ba naman, anak, mas masigla pa nga ako sa kalabaw," biro nito at saka umiwas ng tingin.
"Pa, bakit mo naman itinigil? Nawala na nga sa atin si mama, pati ba ikaw may plano na ring iwan kami?" it was Domingo before he walked away. Hindi na nito inubos ang pagkain. Dire-diretso itong naglakad palabas ng bahay.
Time out muna. Kailangan niya munang umalis, bago siya tuluyang mawala sa katinuan. Kinuha niya ang telepono mula sa bulsa at saka nagtipa ng numero.
"S'an ka?" tipid niyang bungad habang naglalakad. Kanina lang din kasi ay kinuha na ang sasakyan nila, at maging ang titulo ng bahay. Kulang nalang pati panty at brief nila ay kunin na rin ng bangko.
"Lheonore," may halo ng pambabanta sa boses ng binata. "Nasaan ka? Please, puntahan mo ako. I... kailangan kita."
"Dom, marami akong ginagawa—"
"Please, Lheonore."
"Fine! Text mo sa akin kung nasaan ka, pupunta ako."
"Doon nalang tayo magkita sa dati," ani ng binata bago tapusin ang tawag, at puntahan ang sinabing lugar.
Huge was drinking all by himself. Gusto niyang mapag-isa. Ngayon kasi ang death anniversary ng namayapa niyang nobya. It's been how many years, but the memories are still fresh for him.
"Hello, handsome! Are you alone?" tanong ng isang babae na nakausot ng maiklit red dress, na siya namang hapit na hapit sa kan'yang katawan.
Ipinasada nito ang isang daliri sa hita ng binata, at saka kinagat ang pang-ibabang labi upang akitin ito. His jaw clenched as he removed the lady's finger on his. Hindi niya na mabilang kung pang-ilan na itong babae na lumapit sa akin.
"Hmm. Playing hard to get, huh. But that's actually my type. Your place or mine?" matapang nitong tanong. Halos itapon na nito ang sarili sa kan'ya, at nararamdaman niya na rin ang pagdikit ng kan'yang dibdib sa kan'yang katawan.
Huge pushed her harshly when she was about to kiss him. Kahit gaano pa siya ka-sexy at kahit gaano pa katambok ang hinaharap niya ay hindi niya 'to gagalawin. Wala siyang balak, dahil wala siya sa mood ngayon.
"Go away! I don't need any of your company."
"Fine, Jerk!" But before the lady left, nag-iwan muna ito ng isang malutong na sampal sa kan'yang kaliwang pisngi.
Jack, his best buddy, and also the owner of this pub came into the picture while laughing. May hawak na rin itong alak nang umupo ito sa tabi niya.
"Masakit ba?"
His brow arc because of Jack's question. "Gusto mo rin?" he fired back.
"Ahh. No, thanks. I had enough earlier," he confessed as he drank the alcohol straight. "Hindi ko na siya maintindihan. She's not the girl I used to love before anymore—"
"Break up is the key. Ano pa ang hinihintay mo?"
"It's not easy as that. Pagod na ako, pero mas nangingibabaw 'yong pag-mamahal ko kesa sa pagod na 'yan. Damn it!" iiling-iling nitong sagot. Kinuha niya ang bote ng alak, sinalinan niyang muli ang baso at ganoon din ang kay Huge.
"Cheers for our girls that we can't have?"
"Cheers!"
Kahit ilang babae pa ang iharap mo kay Huge, hinding-hindi niya ito kayang tingnan katulad ng ibinibigay niya sa namayapang nobya. Hindi niya ito makalimutan, at wala siyang balak na kalimutan 'to.
"Laur, ang aga mo naman. S'an ka? Bakit gan'yan suot mo ngayon?" usisa ni Domingo. "May date ka 'no? Sana all."
"Sa tingin mo ba may oras pa ako para lumandi?"
"Ang aga-aga, ang init na agad ng ulo mo. Alam mo kasi Laur, kulang ka kasi sa lambing—"
"Hahanap ako ng trabaho. Kung hindi ako maka-uwi agad may naluto na ako diyan, iinit mo nalang."
Kagabi, magdamag siyang nag-search sa Google ng mga job openings. Inisa-isa niyang puntahan ang mga 'yon, pero dalawa lang lagi ang nakukuha niyang sagot.
It's either, "Pasens'ya na full pala kami ngayon," or "Tatawagan ka nalang namin."
Maganda ang credentials niya, pero kahit gaano ito kaganda ay tinatalikuran pa rin siya sa t'wing nakikita ang apilyedo niya.
Laglag balikat siyang umuwi. Wala kasi itong napala sa buong araw niyang paghahanap. May paltos na rin ang paa niya sa kakalakad.
For the first time in forever, she felt tired, she felt unwanted, and she wished to disappear even just for a while.