Today is the last day of the month. Ito ang inaabangan halos ng lahat dahil makukuha na ang inaabangan at pinag-hirap ang sweldo. Pero para kay Laureta ay normal na araw lang ito. Tila ba hindi siya excited na makuha ang sahod niya. "Laur, G ka ba mamaya? BGC tayo," anyaya sa kan'ya ng kasama. Wala pa kasi si Carla. Nag-text ito kaninang mahuhuli siya, dahil may aksidente raw na nangyari sa daan kaya't na-stranded siya. "Auto pass," agad niyang sagot. "Uuwi agad ako mamaya." "Luh. Masyado ka namang killjoy, Laureta." "Oo nga. Minsan lang naman 'to. Pumayag ka na," anyaya pa ulit nito. "Nakasanayan na kasi na mag-night out kada sweldo buwan-buwan. Ambagan naman, huwag kang mag-alala." "Pag-iisipan ko," tipid niyang sagot sa pangungilit nila. "Mga sagutang gan'yan, naku! Sagot ng tok

