Ilang minuto na ang nakalipas matapos siyang halikan ng binata, pero para kay Laureta ay naka-dikit pa rin ang labi nito sa kan'ya. Hindi maalis sa isip niya ang nangyari at pakiramdam niya'y hinahalikan pa rin siya nito hanggang ngayon. Panaginip lang 'yon. That was what she wanted to believe. Isa nanamang kasinungalingan ang gusto niyang paniwalaan. He kissed me, and all I did was to enjoy the moment. I must be insane. She took a deep breathe and started to slap herself. Baka kasi sakaling matauhan siya sa kagagahan niya. Unti-unti niyang itinaas ang isang daliri patungo sa kan'yang labi, habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin. It wasn't a dream. Pinalo niya nang paulit-ulit ang pisngi hanggang sa mamula ito. Mukha na tuloy siyang sabog sa blush on. "Laureta? Laureta nasa loob k

