Smile, Laureta. Huwag kang kabahan, paalala niya sa kan'yang sarili. Nasa labas silang lahat ngayon at naka-linya sa dalawang pormasyon upang salubungin ang panauhin. Kanina pa sila nakatayo at nag-hihintay. Hindi niya nila alam kung may hinihintay pa ba sila o wala na. "Girls! Ngumiti-ngiti naman kayo para kahit ngayong araw lang mukha kayong tao." It was their manager. Matalas ang dila nito at sanay na ang mga 'to sa ganitong klase ng pananalita niya. "Malapit na raw sila," dagdag anuns'yo niya. "Gaano ba kalayo 'yong 'malapit na raw sila' niya?" rinig niyang bulong ng nasa kanan niya. Sino ba 'yong very important costumer na 'yan? At gaano ba siya ka-importante? "Ngalay na ngalay na ako. Jusko Lord, baka mag-collapse ako bigla." Bulong naman ito sa kan'ya ni Carla na nasa kaliwang ba

