Kinabukasan mas naging friendly naman kaunti ang environment ni Laureta. Iyon nga lang, nararamdaman niya pa rin ang malalagkit nilang titig sa 'twing hindi ito nakatingin. Minsan pa nga'y nagsisikuhan ang iba niyang ka-trabaho sa t'wing mapapadaan ito. "Oh, paki-dala ito sa table 6." tamad niya nalang na tinanguan ang kasama. Kanina pa kasi siya nito inuutusan. Ni hindi na nga ito nagkaroon ng chance kumain o mag-pahinga sa break niya. "Laureta, ito pa! Paki-bilisan naman ang kilos." dagdag sigaw nito matapos siyang bigyan ng bagong utos nanaman. Aircon naman sa loob, pero tagaktak pa rin ang pawis niya. "Kaya pa ba?" si Carla ito, ang natatanging mabait makisama sa kan'ya. "Oo naman! Ako pa ba?" sinubukan niyang siglahan ang boses niya upang maniwala ito. Diretso counter siya at mab

