Agaw eksena si Laureta at Huge sa mga tao. Hila-hila kasi ng binata palabas si Laureta, at wala naman itong ibang nagawa kung hindi ang mag-pahila. Nakayuko lang siya buong oras. Hindi niya maramdaman ang sarili at ang katawan, bukod sa kamay niyang hawak-hawak ngayon ni Huge habang hinihila siya. He saved me again, she said in her mind. Ilang beses na siyang iniligtas ni Huge, at hindi niya na mabilang kung ilan. Una sa grocery store. Pangalawa sa job hiring. At ngayon, sa mga ka-trabaho ko. "May masakit ba sa 'yo?" muli niyang sinipat ang dalaga mula ulo hanggang paa upang suriin. "Wala naman. Salamat," nahihiya niyang saad. Hindi nag-atubili si Huge na hubarin ang kan'yang business suit. He offered it to Laureta. Napansin niya kasi ang itsura ngayon ng dalaga, mukha itong kawawa, p

