Kung masama ang araw ni Huge, mas masama ang unang araw sa trabaho ni Laureta. Hindi siya tinantanan sa mainit at mapang-husgang na tingin mula sa kan'yang mga kasamahan, at mas lalong lalo na mula sa baklang manager. Ano nanaman ba ang ginawa ko? Inis siyang nag-martsa palapit sa cashier kung saan naroon nasaan ang Sir—este Ma'am Greta niya. "Ano ka ba naman, Laureta! Kay bago-bago mo pa lang, pero perwisyo na agad ang ginawa mo!" Hinagis sa mukha niya ang maruming basahan na kanila lang ay ginamit niya upang linisin ang isang mesa. "Jusq dai, mukhang ikaw pa 'ata ang magiging malas sa resto ni sir!" Yumuko nalang 'to at nagpa-kumbaba kahit hindi niya naman talaga ito kasalanan. Kanina kasi ay muntik na siyang mabastos ng isang costumer, pero dahil nga costumer is always right, walang

