Pinalis niya nang paulit-ulit ang mga luha na ayaw magpa-awat sa pagtulo. Bakit kaya sa tuwing nasasaktan tayo awtomatikong nanunubig ang mata natin? Bakit tayo umiiyak sa mga bagay na hindi naman dapat iyakan? Iyan lamang ang ilan sa mga tanong na bumabagabag sa kaniya. Puro bakit kaya at paano kaya ang tumatakbo sa isipan niya. She took a deep breath. Ginawa niya ang inhale-exhale exercise at saka naghilamos. Hindi siya maaring makita ng iba na umiiyak, hindi siya maaaring magmukhang kawawa sa harap nila. Never! Her mother didn’t raise a quitter. Hindi siya nabuhay sa mundo para umiyak at sumuko, she was born to be a fighter. Naabutan niyang nagtatalo sa hapag ang dalawang lalaki na iniwan niya kanina. Mukhang naka-ugalian at natural na natural na nilang gawain ito. “

