Huge jaw clenched repeatedly. Sapo sapo niya ang noo habang pinapanood ang pinsan niyang mahimbing na sa pagkakatulog. Parang gusto niya na lang tuloy umuwi. Mas maayos pa iyon kesa naman mag-alaga siya sa lasing. “Ah! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa iyo, Ismael! You’re a real pain in the ass.” Kapag kuwa’y umupo siya sa tabi nito. Iiling-iling niyang kinuhanan ng litrato ang kawawang pinsan sa kaniyang estado ngayon. Tinawanan niya muna bago i-send sa group chat nilang magpipinsan. “It’s payback time, asshole!” he added with a laugh. Iyon nga lang ay mukhang swerte ito ngayon, hindi kasi ma-send send dahil wala raw internet connection. Tangina! Naghihirap na ba ang pub ni Jack? Ang damot sa wifi, aniya’t kinuha ang natitirang alak. Siya na ang umubos n’on d

