Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ni Huge. Inalis niya na ng tuluyan ang pantalon at saka kinuha ang roba. Mabigat sa loob niyang tinahak ang daan papasok sa comfort room ng kaniyang kwarto. Napagpasyahan niyang maligo na lamang ng malamig-lamig na tubig upang mahimasmasan naman siya kahit kaunti, at baka sakali. Baka sakaling mawala ang init niya sa katawan. Kung pwede nga lang lagyan ng yelo ang tubig na ipanliligo ay willing na siyang gawin iyon. Bumaba lang ang init na kanina niya pa nararamdaman. Higit trenta minuto na siguro siyang nakababad sa bath tab niya, pero hindi man lang bumaba o nabawasan kahit kaunti ang init sa katawan. Ni hindi nga nito maramdaman na nakababad na pala siya sa tubig na pala siya sa ganito katagal na oras. “Mukhang hindi sapat a

