BT 27
--
MIKA’s POV
Hay angsakit ng ulo ko. Pero heto si Mika Reyes sa klase hihikab-hikab at namumungay ang mga mata sa antok. Kailangang magmadali para good shot sa professors.
English naman ang medium of instruction dito sa college na pinag-enrolan ko. Hindi ako nakisali sa kahit anong sporst kahit kinukumbinsi ako nina mama na sumali sa volleyball team. Para sa akin habang nasa colloge ako Mhei Zhou will only be my team. At nagpunta lang naman ako dito para mag-aral ang ibangon ang negosyo namin.
Nothing more, nothing less.
Wala rin gaanong pagkakaiba sa kung anong klaseng estudyante meron dito at sa MZU bukod nga lang sa mas outspoken ang mga babae dito.
Hay saw akas makakauwi na rin ako. Lalabas na sana ako ng classroom ng may humarang na lalaki sa akin.
“what now?”I bluntly asked.
Itong chinitong to na parang hindi na ako nakikita sa singguhit niyang mga mata.”you know what? You’re disgusting. You’re a lesbian right? and you think you’re hot? You even flirt with my girl.”
Umiling na lang ako at sinubukan siyang lampasan pero humarang naman sa akin yung isa pa niyang kasama. God. Wala na nga ako sa Pilipinas nagkalat parin ang mga ganitong klase ng tao? Ano bang magagawa ko kung ako ang gusto kong girlfriend niya na hindi ko naman kilala.
“I’ll be late for my next class…excuse me.”mahinahon kong sabi pero ngumisi lang siya.
“not so fast lesbo…”
Inhale exhale Mika. Kulang ang allowance na binibigay sayo ng magulang mo sa pagpapaospital ng mga to. Limited lang ang pera na binibigay ni mama sa akin kaya medyo tipid ako ngayon. Nagsusweldo rin ako sa pagpapatakbo ko ng kompanya pero I am saving half of it para sa future plans. Mawawalang ng saysay kung gagamitin ko lang sa danyos kung sakaling ma-injured ko ang mga to.
“back off.”pagalit ko ng pagbabanta sa kanila. I glare on him.
I walk pass him but he got my arm and spun me to around. “im not yet done with you dyke!”
Les, dyke, disgusting! Lahat nan g pang-iinsultong hindi ko naririnig sa mga schoolmates ko sa Mhei zhou ay halos araw-araw na nagpapasakit sa tainga ko dito. This College feels like hell! DaoFang University is HELL!
Winaksi ko ang kamay niya. Hinding hindi ko ibaba ang level ko sa mga to.”now what? You gonna beat up till death? Go on! If you want to make your lives misearable.”I look at each of them with great anger.
“young lady…that’s enough.”saway sa akin ni Alwyn na nasa likuran ko na pala.
Takot sa kanya ang mga to dahil nung nakaraang linggo lang ay nakipagsuntukan siya dahil sa akin. “tsss…isa ka pa.”
I just proceeded to the library. Nakakamiss na sina Camille. Nakakamiss na ang bonding ng barkada. Nagtungo ako sa pinakadulong mesa at tinawagan ko si ate Charleen.
Hindi ko pwedend tawagan sina Ara dahil natitrace nina mama kung sino ang kinokontak ko sa phone ko. So you see? I am like a prisoner here.
Gabi sa US ngayon sana hindi siya magalit.
Isang ring pa lang ng phone ay sinagot na niya agad.
>>>ate cha…
(oh bakit parang anglungkot ng boses mo?)
>>>nakakapagod makisama dito..(sobs.)
(same here mika…pero anyway how are you doing there? Ok ba ang pag-aaral mo? Kinwento ni Cienne yung surprise mo kay Ara..loko ka..nainggit yung kapatid ko…)
>>>hehe.sorry…hmmm..ok lang po…badtrip lang tong ilang estudyante dito. Big deal ang gender prenference ko…worst that Mhei zhou
(ganun talaga Mika..dahil sa mhei zhou takot lang nila kung banggain nila ang pinsan ng gangster…haha…pero kung gusto mo naman magpakilala ka na diyan sa Dongfang..you know what I mean?haha)
>>>luuhh..ate Cha..gangster mind ka na rin? Iilang buwan ka pa lang diyan sa K.U ah..ganyan ka na mag-isip…
(haha…just kidding mika…we are both in survival state now…try to keep calm..but don’t let them put you down okey? Para saan pa ang reyes ka kung magpapaapi ka diyan… )
>>>whatever ate…bye na…may klase pa ako then punta ako sa office…
(don’t over work yourself okei?)
>>>yeah yeah…just killing time para hindi ko Makita ang asungot.
(haha…byiee.)
“hey Young lady nagmumukmok ka na naman dito.”
Speaking of the asungot. Nilapag ni Alwyn ang libro sa tapat ko at naupo. He is flashing that smile again.
“what do you want?”
“bakit ba angsungit mo mikababes? Parang wala tayong pinagsamahan ah.”
“wala talaga simula nang sulsulan mo sina mama na ilayo ako kay Ara.”
Isa kasi tong asungot sa lovelife ko e. napakapakialamero at sinusulsulan sina mama dati pa na paglayuin kami ni Ara.
“wala akong gingawang masama okay? Sabi nga nila kung mahal mo ipaglaban mo.”
“wahatever.”niligpit ko ang mga gamit ko para umalis.
“see? Naging kaibigan mo lang sila naging bastos ka na? im still talking to you Mika.”
Binalikan ko siya ng tingin.”nagiging bastos lang ako depende sa taong kaharap ko.”
He laugh though.”mapapagod ka rin Mika…”
Hindi ko na siya pinansin tumuloy na ako sa klase ko at as usual nakakaantok na naman na major class to. may papel na nilapag sa arm chair ko yung kaklase ko. pagbuklat ko ay nilingon ko siya at nginitian niya ako.
One of those love letters na natatanggap ko halos araw-araw. kung mhei zhou lang to? kanina ko pa siya pinagsabihan e. She is flirting with the wrong person. Kahit sabihin na nilang attracted ako sa babae ay hindi nila nakukuha ang atensyon ko.
After ng klase ay agad akong nagtuloy sa parking lot. Need to rush to my unit then bibisitahin ko ang negosyo namin.
“Miss…”
Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Aiko pala, Filipina rin siya pero mas matagal nang naninirahan dito.”why?”
“you left this.”
Yung notebook ko pala. “thank you…kahit sana di mo na binalik pwede naman akong bumili ng marami e.”
She smiled.”pero yung mga doodles mo diyan importante siguro.”
Oo nga pala. Madalas nga akong magdoodle dito. mostly names namin ni Ara. korni thing no? Kinuha ko ito sa kanya. Bago pa man ako sumakay ng kotse ay nandito na naman yung mga lalaki kanina.
“hey dyke I told you not to flirt with my girl.”
Oh s**t! Ito ba yung girlfriend na tinutukoy niya? napaatras yung babae at pinigilan yung boyfriend niya sa pagsugod sa akin.
“stop it Drake…”
I sighed.”you heard your girl?”I said sarcastically.”back off… you’re not worth my time.”
Pero winaksi niya ang girlfriend niya kaya natumba ito. damn this man! Hindi na ako nakapagpigil. Kalalaking tao, hindi marunong rumespeto sa girlfriend niya.
Sumugod siya ng suntok sa akin, iniharan ko ang braso ko at tinuhod siya sa sikmura. Hindi naman ako kasinggaling nina ate JM sa pakikipaglaban pero sapat lang ang kaalaman ko para ipagtanggol ang sarili ko.
Susugod pa sana siya pero pinigilan na kami ng ilang estudyante.
“BAKERO!”
Hindi ko alam ang ibig sabihin nun pero it sounds like a cuss! Alangan papatalo ako diba? “potaena mo!”Nilapitan ko yung girlfriend niya.”let’s go…gamutin ko yang sugat mo.”
Nagasgas ang braso at tuhod niya. I glared at the guy.”you’re lucky, you didn’t face your death…”
“you gonna regret this!!”sigaw pa niya.
Paulit-ulit ko na tong naririnig sa mga nakalipas na linggo! I will regret what? Damn them all! Pagalit ko siyang nilapitan.walang kahit sino ang nag-attempt na pigilan ako dahil sa init ng ulo ko.
“the hell I care… I can buy your soul…”Tiningnan ko ang ID niya at tinandaan ang pangalan niya.”enjoy the rest of your day Drake.”
Hinawi ko ang buhok ko paitaas. I heard some students murmuring in their language. Wala akong pakialam!
Dinala ko si Aiko sa unit ko para magamot ang mga sugat niya. tahimik lang siya at napapangiwi sa tuwing nilalapatan ko ng alcohol ang sugat niya sa tuhod.
“bakit ka nagtitiis sa boyfriend mo?”
“I love him.”
Sabi ko nga. Bakit ko pa ba tinanong? Hay. I miss Ara tuloy. Sa Pilipinas ako ang ginagamot niya pag may mga ganitong sugat ako e. I sighed.
“what’s bothering you?”
“I just miss someone.”
“Victonara Galang?”
Inangat ko ang mukha ko at ngumiti sa kanya.”yeah.”
“she’s one lucky woman…”
“di no… ako ang swerte sa kanya..lagi kasi siyang nakasuporta sa akin…kahit anghirap ng sitwasyon namin hindi niya ako binibitiwan…”hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko habang nagkukwento.
“ui…stop crying…hindi bagay sayo…”
Pinunasan ko ang aking mga luha at nagtungo na sa kwarto ko para magpalit ng damit. Hinatid ko muna siya sa bahay niya bago ako pumunta sa opisina. Naratnan namin yung boyfriend niya at mga kaibigan niya sa tapat ng bahay. Bumaba na rin ako baka kung ano pa ang gawin niya kay Aiko.
“what now Drake?”may bahid ng galit na pagtatanong ko. baka saktan na naman niya si Aiko hindi ko na to palalampasin.
Yumuko silang tatlo.”sorry young Lady…”
“what did you just say?”
“sorry Young lady…”
“stupid…don’t call me young lady…”
Umayos sila ng pagkakatayo. May mga sugat rin sila pero hindi ako ang may gawa ng mga yun. “who did that?”
Nagtinginan sila pero walang gustong sumagot. Pero parang alam ko na kung sino ang may gawa nito.
“Alwyn did this to you?”
Tumango si Drake. Pakialamero yung lalaking yun. kainis lang oh. Tinawagan ko ang secretary ko para ipaalam na hindi ako makakapunta sa office ngayon. Tumuloy kami sa bahay ni Aiko at ginamot tong tatlong lalaking to.
See? Mabait pa rin naman ako kahit papano e.Pasikat masyado yun si Alwyn nakakairita siya. feeling niya kailangan ko siya para ipagtanggol ako.
Nakatanggap nga ako ng tawag mula sa kanya.
>>>hello. next time na makialam ka sa problema ko kalimutan mo ng magkaibigan tayo!
(what? Pinagtanggol lang kita babe…ayokong may mang-insulto sayo…)
>>>know what Alwyn? Hindi ko kailangan ng pagtatanggol mo. Bye.
Inoff ko ang phone ko at pinatong sa mesa. Binalingan ko ang tatlo na ginagamot pa rin ni Aiko.
“you okay? You want me to take you to the hospital?”
Umling si Drake.”no thanks…I just wanna say sorry for insulting you…”
“forget it… just don’t do it again… “
IN an instant nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan. Hindi ko sila gaanong kinakausap. Nagkasya na sila sa kakanood. Member pala ng men’s volleyball team ang tatlo kaya mas nakakarelate ako paminsan-minsan. And as usual kinoconvince nila akong sumali sa WVT pero tumatanggi ako.
Nang makaalis sila ay nag-video chat naman kami ni Ate Liam. pinagsabihan na naman ako as usual sa pagkontrol ng temper ko.
Maganda naman ang takbo ng negosyo sana payagan na ako ni mama na bumalik ng Pilipinas para makaabot ako sa League. Kasama pa rin naman ako sa line up ng MZU. Sighed.
ARA’s pov
“Guys! Bilis-bilisan niyo naman!”sigaw ko kena Cienne. Nasa ibaba na ako ng dorm at excited na sa training.
“wow Ara…bakit apurado? May lakad lang?”
“e bakit kasi parang mga lobat kayo e….”tugon ko sa kanila.
Kalalaki kasi ng eyebags nina Cienne at Camille. Pati si Kim parang wala rin sa mood. Si Carol naman hyper at kagabi pa nambubully sa mga kwarto nila. napikon nga si ate Aby at lumipat sa kwarto namin e.
“anong ganap sa mga buhay niyo? Nag-stay lang ako sa unit ni Kuya parang mga zombie na kayo ah?”
“hay naku Ara… huwag ka nang magtanong.”akbay sa akin ni Kim.”mababaliw ka lang… saka weird mo rin no? hindi mo ba namimiss si Mika?”
“miss ko yung bakulaw…e alangan magmukmok ako?e mas malulungkot yun no… saka siguradong manonood yung ng mga laro natin kaya dapat mas gumaling ako para hindi niya ako kantyawan.”pinagbantaan kaya niya ako na pag marami akong kapalpakan e hindi niya ako bibigyan ng pasalubong. Ipaparecord daw niya yung laro namin kay Cobie. Oh diba? Mang-iistorbo pa.
“Ara…sama ka mamayang hapon? Wala ka namang gagawin diba?”sumabat si Carol.
“saan? Hyper mo carol.”
“hmm.sa Mamuru… may dadalawin lang tayo kung pwede?”
Hindi pa man rin ako nakakasagot ay sumabat ulit si Camille.”may dinner kena ate Jai mamaya…sumama ka Carol.”
“e dinner pa naman yun e…susunod na lang kami ni Ara.”
“sabay-sabay tayong pupunta. After ng mga klase natin.”
Napabuntong hininga si Carol at nagtext. Ano bang mga nangyayari dito? parang may tension na nagaganap! Siniko ko si Kim.
“LQ…”
Tumango na lang ako. pagkukwentuhin ko na lang si Cienne mamaya. Pinaggather kami ni Coach pagdating namin sa gym. May kasama siyang babae na maganda, pareho sila ng suot na jacker. Mukha rin siyang maotoridad.
“morning girls…”
“morning Coach…”sabay-sabay naming bati sa kanya.
“I will be out for a week. May kailangan lang akong asikasuhin para sa ilang special trainings niyo. At habang wala ako our new assistant coach will take charge of you.”nag-step forward yung babae.”this is Miss Adele Guanzon. She will be in-charge of the team while im out. Be good to her okay? Lahat ng sasabihin niya ay batas.”
Nakatingin lang ako kay miss Guanzon. She looks familiar pero hindi ko maalala kung saan o kung sino ang kamukha niya. nevermind na nga lang muna.
Strikto ni Miss Guanzon pero hindi kami susuko dito. para rin sa ikabubuti ng team tong ginagawa namin. hanggang sa matapos ang training ay iniisip ko kung saan ko siya nakita.
Nakatingin lang ako sa kinatatayunan nila ni Coach nang umakbay sa akin si Carol.
“kanina ka pa nakatitig kay Miss ha?”she smiled maliciously.
“oh? Ano naman? mukha kasi siyang pamilyar.”
“Naku Ara…OA mo ha? Porke maganda pamilyar agad?”
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.”malandi ka na Carol mag-isip ah? Anong kababalaghan ang nangyari sayo?”
Ngumiti lang siya.”wala no? napag-isip-isip ko lang na iienjoy ang buhay. Huwag masyadong seryoso nakakalungkot lang e.”
“neknek mo cerveza…”batok ko sa kanya.”sabihin mo yan ng hindi naluluha. Maniniwala pa ako.”
Lumapit kami kena Coach para makapagpaalam. “simula bukas si Miss Guanzon na ang maghahandle sa inyo okay?”
“yes coach. magiging mabait po kami. lalong-lalo na po si Ara.”natatawang sabi ni Carol.
Tiningnan lang ako ni Miss Guanzon at ngumiti. Eee? Mas maganda siya pag malapitan at nakangiti. Para kong binatukan ang sarili ko sa isip ko.
“Victonara Galang right?”
Tumango ako.
“can we talk for a while?”
“ha..uhm..opo sige po..”
Pinauna ko na sina Carol sa Dorm. Sa may Canteen kami nag-usap ni maam sine libre na lang daw niya.
“kumain ka na.”
Hindi ako makakain ng maayos naman oh. Masyadong maganda si coach. “e nahihiya po kasi ako miss.”
Ngumiti ito at nilagyan ng additional ketchup yung plate ko.”huwag ka nang mahiya… hindi mo ba ako nakikilala?”
Hindi ko nga siya maalala e. sino ba siya? tiningnan ko siya nang mabuti. Nagkatitigan kami. pinitik niya ang noo ko nang mga dalang minuto na akong nakatitig sa kanya.
“Aray naman miss! Angsakit nun!”hawak ko sa nook o.
Tumawa naman siya.”minsan lang tayong nagkita nung isinama ako ni Kuya sa Mamuru. Bata ka pa nun kaya siguro hindi mo ako maalala.”
“eee?”
“you are Victonara Galang right? Kuya mo si Vincent Galang?”
Tumango ako.”ikaw po si?”
“Adele Cassidy Aquino…im the sister of Andrian Carlo…”
Nagulat ako pero nakaramdam rin ako ng takot nang maalala ko Kuya AC. Nahalata yata niya.
“I know you don’t trust me Ara…alam ko ang ginawa ni Kuya…Pero walang kinalaman dun kung bakit ako nandito. I want the job. Yun lang. “
“pero…”
“hays…kumain ka na nga…magkwentuhan na lang tayo some other time…basta ayus-ayusin mo ang training mo papahirapan kita.”ngisi niya.
“eee? Miss, may itatanong ako…”
“what?”
“nakilala mo na si Arden? Kapatid mo rin siya diba?”
Umiling siya.”someday siguro…pero Ara I want you to promise me one thing…huwag mong sasabihin kahit kanino kung sino talaga ako okay?”
“bakit?”
“ayokong matrap sa anino ng kasamaan ni kuya… siniraan niya ako noong ayokong sumama sa kanya…”
“kailan mo balak magpakita kay Arden? Hinahanap ka niya.”
“pag nagchampion ang team niyo.”ngiti niya.”kaya ikaw Galang…umayos ka…ayoko ng pacute sa team…baka unahin mo pa ang mangolekta ng chics mo…”
“angsama mo talaga miss…”
She glared at me.”I know…”
Nakakakilabot tong si Miss. Parang anytime e babanatan niya ako. magtitiwala ba ako sa kanya? Pero paano pag ginagawa lang niya ito para makaganti? Angparanoid ko na namang mag-isip.