BT 26
CIENNE's pov
"arababe, hindi ka talaga sasama?"
"hindi muna Cienneloo. may pupuntahan rin kasi ako e."
Kakaalis lang ni MIka kahapon pabalik ng Japan. Hinatid namin siya sa airport at hindi nga ako angkamali umulan ng luha ni
Ara. Kahit sino naman sigurong malalayo sa taong mahal mo hindi? alangang magpaparty ka pa. Hindi daw alam ng mga magulang ni
Mika na umuwi siya kaya hayun agad-agad bumalik. anghaggard naman nun no? swerte talaga ni Ara dahil may Mika na willing
magpakapagod magbyahe para lang makasama siya.
"Hoy Mawzky, bakit anglalim ng iniisip mo diyan?"naupo sa tabi ko si Kim habang nagsusuot ng sapatos.
"Kailan mo huling nilabhan yang sapatos mo yam?"pang-aasar ko dito.
inamoy pa niya ang sapatos niyas aka tumingin sa akin."angsama ah. kakalaba ko lang to nung isang araw."
"haha.joke lang...anong sabi ni carol? saan daw ba ang lakad?"
nagkibit-balikat ito."malay ko. e ngayon lang siya nagyaya kaya sulitin na natin. sayang nga at hindi makakasama ang mga
seniors e."
"e ganun talaga. ngayon lang tayo free sa training. lumalovelife ang mga yun no."
"guys mauna na ako ha. ingat kayo."paalam ni Ara."text ko lang kayo kung dito ako uuwi."
Sa baba na lang namin hinihintay sina carol at Camille. nakaupo kami sa may hagdan. nagsisilabasan rin ng dorm ang ilang
athletes.
"parang walang maiiwan sa dorm ah."pansin ni Kim.
"dorm pa ba to? e parang building na to ng JMR e."tawa ko sa kanya."ang mga pinsan talaga natin minsan OA sa pagbabantay.
kulang na lang magpalagay ng guard sa may gate e."
"hayaan mo na nga.atleast alaga ang mga athletes ng Mhei zhou diba?"
Oo nga naman. Kokontra pa ba kami e they are after our safety naman.
"lesgo?" yaya sa amin ni Carol."commute tayo guys ha? para mas masaya."
"e guys sasama daw si rence. ok lang?"baling ni Camille sa kanya. Medyo insensitive tong kambal ko ha? aware naman siyang
mahal siya ni Carol at karibal niya si Rence e.
"Sure..walang prob dun. dala ba niya ang kotse niya? o imemeet na lang natin sa mall?"
siniko ako ni Kim. pareho ba kami ng iniisip? bakit parang wala lang kay Carol na kasama si rence sa lakad? kung tutuusin
kasi ngayon lang niya makakasama tong si Camille after ilang weeks na panay ang tanggi ng kambal ko sa mga galaan.
hindi agad nakasagot si Camille. hay naku style ng kambal ko basang-basa ko na. tumipa siya sa cellphone niya. naglalakad na
kami papunta sa wating shed habang hinihintay kung ano ang reply ni rence.
busy rin naman si carol sa cellphone niya. nagvibrate ang phone ko. alam kong si KIm yun dahil sinenyasan niya ako na may
text ako.
yamko: ramdam mo ang tensyon?
me: oo :3 weird.
yamko: baka pagod na si Carol?
me: baka nga. ikaw ba mapapagod rin sa akin?
natawa ako sa text ko. haha. pasensya naman no? e gusto kong itanong e. imbes na magreply ay umakbay sa akin si Kim.
"HINDING-HINDI AKO MAGSASAWA SAYO CIENNE KO.kahit ilang lalaki pa ang makaribal ko ipapatumba ko silang lahat."
Nilingon kami ni Carol,'picture bilis."
tumigil kami ni Kim at nagpose. angkulit ni carol ngayon."hoy huwag mong ipopost yan ha? maraming maiingit sa kanya."
'feeling mo naman Yam...sayo ang maraming maiinggit. Villanueva yata to."pagmamalaki niya.
"hindi halata Baby."pang-aasar ko sa kanya sabay tapik pa sa pisngi.
she pouted."ah ganun...buti pa si Mela e. nirerecognize na Villanueva ako."
pinaningkitan ko siya ng tingin."oh de dun ka na sa PPU..alis ka sa paningin ko."pinagtutulakan ko siya.
"tigil nga kayo!"saway sa amin ni Camille."para kayong mga bata."
"oh tigil na daw."ulit ni carol. saka niya sinabayan ito sinabayan sa paglalakad.
"weird nga."sang-ayon sa akin n Kim.
dala daw ni Rence yung Kote niya kaya hihintayin na lang namin siya. Libre pamasahe. angsaya lang. kuripot ko no? haha. di
ah? si Kim naman ang gagastos ee
Tahimik lang ang byahe. may kanya-kanya kasi kaming inaatupag. Si camille nakikipagkwentuhan kay Rence sa harap. siyempre
siya ang reyna e. si carol naman abala sa cellphone niya. si kIm at ako? busy na nagbabasa ng gestures ng mga tao sa loob ng
kotse. pero hawak-hawak lang niya ang kamay ko na maya't-maya ay minamasahe niya.
"Sino ba ang imemeet natin carol?"basag ni Kim ng katahimikan.
"new friend ko."ngiti niya."medyo bored daw siya e. kaya gusto niyang makibonding."
"wala ba siyang ibang kaibigan?"sabat ni camille.
kakaiba talaga tong kambal ko ngayon. sinapian ng masamang espiritu yata.
"konti lang daw ang friends niya. saka busy rin sila."sagot ni carol."nakakatuwa nga yun e. kakakilala lang namin pero parang
anggaan ng pakiramdam ko sa kanya."
"mabilis ka naman magtiwala e."camille coldy answered.
"YEEEYYYYYYYY!"inat ni Kim."sa wakas makakapagrelax rin tayo. oh rence sagot mo kami dun ha? pag may basag ulo tatakbo na
lang kami." bumaling siya sa akin at kumindat.
galing talaga ng mahal ko. lakas makachange topic.
"sure...ako ang bahala sa inyo."
after ng may pagka-awkward na byahe ay nakarating na rin kami sa Vega-M. naghihintay kami sa May KFC dahil yung ang gusto ko.
siyempre ako ang masusunod no. kokontra pa ba si Kim kung magtatampo ako a kanya?
"sunduin ko lang sila ha?"paalam ni Carol.
"text mo na lang kung saan tayo."said Kim.
yun nga ang ginawa ni Carol. Napapansin ko na sumusulyap sa kanya si Camille.
"kambal samahan mo naman ako sa cr.."
"ako na lang."alok ni Kim.
"ayoko...nagsasawa na ako sa mukha mo."
"HARD..."tawa ni Rence.
hinatak ko si Camille. pagdating sa CR ay sinigurado ko munang walang ibang tao dun bago ko ilock ang pinto.
"ok lang kayo ni carol? bakit bigla siyang ganun?"
"ewan ko...tanungin mo siya. huwag ako."walang gana niyang sagot.
"tsss,..ikaw? ok ka lang?"
umiling siya."kambal naman e. magtatanong ka ng obvious."
"sorry...e basta chill ka lang...nandiyan naman si Rence e..baka sakaling matauhan ka na ngayon."
alam ko namang medyo harsh ako sa kambal ko pero baka nga ngayon siya matauhan na totoong nararamdaman niya. anghaba kasi ng
buhok nito dala-dalawa ang manliligaw tsk. bumalik na rin kami kena Kim matapos kong magretouch. aba, baka kasi may kung
sinong maldita ang umakit sa Kim ko no. mahirap na. haha.possessive ko sa kanya. swerte ng pangit na fajardo.
papalapit na kami sa kanila nang mapansin kong may tatlong babaeng nakatayo sa tapat nila. nakatalikod sila sa amin. pamilyar
yung isa e. saan ko na ba nakita ang ganyang pagtayo.
kumaway sa amin si Rence. napalingon yung tatlo sa amin.
"YURIIIII!!!!!" sigaw ko. e close kami ng tangkad na yan.
ngumiti siya at nagwave hi."hello..."
"kumusta ka na? bakit angganda mo pa rin?kainis naman."palo ko sa braso niya.
tumikhim sina Kim at Camille.
'ay sorry..."naexcite naman ako no.
tumayo si carol sa tabi nung may blonde na buhok."nagkakilala na pala kayo."kamot niya sa ulo niya."This is my new friend
Jessica..."
yumuko naman si Jessica sa amin."Im jessica and these are my friends, alena at Yuri."
mukhang nagtaka pa s rence nang makita ito pero pamilyar kasi siya. iniisip ko pa nga kung saan ko siya nakita. gusto kong
iumpog ang ulo ko. sobra namang memory gap to.
konting kwentuhan pero nakakapagtaka naman itong si rence bigla. Panay ang tingin niya kay Jessica na parang may pagtataka sa
mga mata.
Carol's pov
Nakakatuwa tong si jessica. Ilang araw pa lang kaming magkakilala pero nakwento ko na sa kanya halos lahat ng hinanakit ko sa
buhay. hindi ko naman siya pinagkukwento, basta gusto ko lang yung effort niya na nakikinig siya sa akin.
nabanggit ko rin na medyo boring ang mga lumipas na weekends kaya nagyaya siya na magmalling kasama ang mga kaibigan rin
niya. sagot namandaw niya kaya go ako agad. haha.angsama ko ba?e kasi siya nga ang nag-offer alangang tanggihan ko diba?
"gaano na kayo katagal magkakilala?'tanong ni Rence.
problema naman nito? biglang parang tatay kung magtanong."uhm. three days."sagot ko.
"three days lang close na?"sabat naman ni Kim."yan tayo Carol e...naiimpluwensyahan na ba kita?"tawa niya.
"adik...mabait lang talaga siya."pagdepensa ko naman.
pansin ko yung dalawang kaibigan ni jessica na tahimik lang. pagkatapos naming kumain ay magbobowling naman kami humiwalay
sina Alena, Cienne at Kim.
"ANGDAYA NAMAN."kamot ko sa ulo ko."forever sabit lang ako ah."
natawa si Jessica."ui hindi ah..."kawit niya ng braso niya sa akin."friends naman na tayo e,,kaya sa team namin
ikaw."bumaling siya kay Yuri."diba yuri?"
ngumiti at tumango si Yuri."she has spoken carol. saka hindi naman ako mahilig sa bowling e. manonood lang ako."
nagpalit na kami ng sapatos. hindi rin umiimik si Camille. samantalang nasa labas pa si rence at kausap si yuri.
'ok ka lang cams?'tanong ko sa kanya.
"anong tawag mo sa akin?"
"cams...bakit? si Cienne ka ba?"pagbibiro ko sa kanya.
pagkasuot niya ng sapatos ay tumayo na siya agad."may bago ka lang kaibigan nakalimutan mo na ang tawag mo sa akin." saka
siya lumabas.
napailing si jessica."one point carol."tinapik niya ako sa balikat."sabi sayo e...epektic tong plano ko."
"ewan ko...nag-eenjoy lang naman tayo diba? anong problema niya?"
pinisil-pisil niya ang pisngi ko."inosente ka talaga cerveza..."
"urrghh...sadista ka!!!!" pilit kong tinatanggal ang kamay niya.
may tumikhim sa may pintuan."Miss Jung, pwede ba tayong mag-usap sandali?". Si rence yun. napakamaotoridad naman ng
ekspresyon niya. Nakakairita. ganito siya pag kasama ko si Camille. laging umeeksena.
lumabas na rin ako matapos kong maayos ang bowling shoes ko. nakapamulsa lang si yuri at nakasandal sa gilid ng pinto.
"you ready?"tanong niya sa akin sabay labas ng wallet niya."magpapareserve na muna ako."
"are you jessica's...you know?"nag-aalinlangan kong tanong. e kasi naman para hindi ako maging too friendly.mamaya nagseselos
na pala tong taon to diba? mukha pa naman siyang sobrang seryoso sa buhay.
umiling siya."just stick to what you see..."saka siya nagtungo sa may counter.
angtagal namang mag-usap nina jessica at Rence. Pinintahan ko na rin si camille sa may bowling area. mukha na naman siyang
naiinip.
"ui ok ka lang?"
"ui? cams? ano pang worse na pwede mong itawag sa akin?"
'angweird mo ngayon."naupo ako sa tapat niya habang pinapanood yung mga naglalaro sa kabilang lane.
"Carol, anong ipupusta mo dito?"tanong ni Yuri."hindi marunong magpatalo si Jessica. baka isumpa ka niya pag natalo ka."
kinabahan naman ako bigla dun. Anong pwede kong ipusta naman kaya? napaisip ako tuloy.
siya namang pagbalik nina Jessica. Mukhang hindi maganda ang mood nito at agad sumalapak ng upo sa tabi ni yuri.
"prob?" tanong agad ni Yuri.
umiling ito."pustahan na." halla? anong pupusta ko naman kaya dito? hindi niya nabanggit na mahilig siyang makipagpustahan e.
bumaling siya sa akin. "anong ipupusta natin carol?"
"ewan ko..."
"yabang mo kasi."singhal ni camille.
"15000 pesos."said Jessica.
"ha? 15000? anglaki naman nun!'reklamo ko."hindi ako mayaman no...saan ako kukuha ng ganung kalaking halaga."
"call..."at pumayag pa tong si camille. palibhasa mayaman siya e.
"so let's start?"alok ni rence.
'sandali lang ha?"tumayo ako at hinila papalayo si jessica.
"My arm..."reklamo niya. napahigpit kasi ako ng hawak dito.
"sorry..."niluwagan ko ang pagkakahawak sa kanya."ee kasi 15000 para lang sa bowling? hindi ako mayamang no..."
umakbay siya sa akin."ako ang bahala sayo carol...friends tayo diba? saka ayaw mo ba yung nakikita mo sa mga mata ni Camille?
nagseselos kaya siya."
nilingon ko ang kinauupuan nina camille. matiim itong nakatingin sa akin. pinisil na naman ni jessica ang pisngi ko. kung
naglilihi lang to e baka nagkasakit na ako sa kakapisil niya sa pisngi ko e."chill ka lang okei? mananalo tayo...ipupusta ko
pa ang buhay ni Yuri." she giggled.
"halla...bakit mo ipupusta yung girlfriend mo..."
hayan na naman yung tawa niya. namula pa yung pisngi."di ko siya girlfriend...adik..."
sabi niya siya ang bahala diba? so maglalaro lang ako nang maglalaro. magaling tong si rence halos strike lahat. turn ko na.
pag ito hindi ko ma-strike hindi na kami makakabawi.
inhale-exhale. 15000 yan baka alilain ako nitong si rence pag natalo kami. asan naman ang pride ko nun diba.
"Carol!!!' tawag sa akin ni jessica.
nilingon ko naman siya. "ano?!' e kinakabahan na nga ako e tatawa-tawa pa siya.
"galingan mo babyko...!!!!"
("-_-) baby daw niya ako. adik na blonde to. haha. nagsimula yun kagabi lang kasi inaantok-antok pa ako nang tumawag siya.
nagbibaby talk daw ako. hindi niya magets ang sinasabi ko. e wala naman na akong maalala. pagtngin ko lang sa phone ko may
nakaregister na tumawag siya at thrity minutes pa yun duration ng call.
"oo na!!!mimi ko!!"ganti ko naman.
one...two...three...
"STRIKKKEE!!!!" humarap ako sa kanila at nagthumbs up kay jessica at yuri.
sunod na si camille. hindi naman nagkulang sa pagencourage sa kanya si rence. pero wala e. apat na pin lang ang napatumba
niya.
napapailing si yuri sa kinauupuan niya."last two throws na lang oh..."
it a match between jessica at rence na.
"hoy rence huwag kang patatalo..."naiinis na si camille kasi ngayon ko lang siya matatalo kung sakali.
"Seobang!"malambing na tawag ni jessica kay Yuri.
nag-angat lang ng tingin si Yuri.
"will you still care for me even if i lose her?"
ngumiti si Yuri."always and forever princess."
anggulo naman nila? hindi daw girlfriend pero angsweet sa isa't-isa.
"good."ngiti ni Jessica.
"FIGHTING!" gesture ni Yuri.
"yah..."nainis na bumaling sa akin si Jessica."sabay kayo dapat babyko."
angkorni naman nun pero baka matalo kami e kaya ginaya ko na si Yuri."JESSICA FIGHTING!!"sabay naming itinaas ang kanang
kamay namin.
she giggled."thank you..."
RENCE's pov
malayo kami sa kinauupuan nilang tatlo."what are you up to now Miss Jung?"
She smiled."none of your business Rence. you're not my bodyguard anymore."
"and you like Yuri huh? the way you like me before?"
she smirk.'she's different from you Rence. pero kung ganun ang tingin mo e wala akong magagawa dun. Pinagpalit mo ako sa
isang patpatin na alam nating confuse sa nararamdaman niya ngayon...so sorry na lang? mukhang ako pa rin ang mananalo."
"stop playing with people's emotions Miss Jung..."
"sorry ha? diyan ako magaling e...ang magparealize sa mga tao ng totoong nararamdaman nila."
kahit strike pa ang tira ko ay hindi pa rin kami nanalo ni Camille dahil naka-strike rin si Jessica at dalang puntos lang ang
lamang nila sa amin.
"sorry..."hingi ko ng tawad kay camille.
"ok lang...game lang naman to e."
nilahad ni jessica ang palad niya."15000..."
"i'll send it to your account."tugon ko.
"huwag na..."sabat ni carol."why dont you just treat us for lunch? or meryenda...then bilhan mo ng biscuits si jessica..bawi
ka nadun promise..."
Paano naman nito nalaman na favorite ni Jessica ang biscuits? how can jessica became so transparent to strangers? they only
knew each other for three days.
"gusto kong si yuri ang bibili ng biscuits...treat mo na lang kami ng lunch..."said jessica.
why is she so dependent to Yuri all of a sudden? I used to do that for her.
"ayoko nga...magbake ka na lang sa bahay niyo. tulungan na lang kita...mas masarap yung pinaghihirapan princess."
"fine. you always win..."
kumunot ang noo ko. Paano niya nagagawang pasunurin si Jessica? hindi naman ganun ang personalidad nitong si Miss Jung. gusto
niya siya ang nasusunod.
"tawagan ko na lang sina Cienne..."tinatawagan na ni camille ang kambal niya.
Parang bata itong si Jessica na tuwang-tuwa sa pagkapanalo nila. Carol is innocent with what is happening.Hindi niya
namamalayan na minamanipulate ni Jessica ang mga pangyayari.
Jessica wanted everthing to fall in her plans. Base sa obserbasyon ko ay gusto niyang magselos si camille sa atensyon na
binibigay ni Carol sa kanya. which is succesful siya dahil nararamdaman ko ang tensyon sapagitan nina camille at carol. ang
mga pag-iwas ng tingin ni camille sa tuwing napapalapit ang dalawa.
"guys,hindi raw makikisabay sina Cienne...mukhang nag-eenjoy rin sila sa kakashopping.nandito rin daw yung isang friend niyo?
allison ba name nun?"
tumango lang si Yuri."so i guess...tayo na lang? medyo gutom na ako e."
"ako rin."hawak ni carol sa tiyan niya.
"my seobang is hungry as well as my baby."tawa ni Jessica."pakainin mo kami sa magandang resto Rence...nagiging monster tong
dalawa pag nasobrahan sa gutom"
CAMILLE's pov
Natapos na kaming kumain. Halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko sa kakaisip. nagiging extra sweet kasi itong si carol kay
Jessica sa harapan ko pa! gusto kong pitikin ang mga tainga niya.
nagyaya naman silang magbilliards. hindi ako marunong nun kaya siguradong hindi ako mag-eenjoy. halos lahat ng naglalaro ay
napatingin sa direction namin. hindi ako pamilyar sa clubhouse na to pero ang sabi ni Rence safe naman dito at madalas silang
tumambay ng mga kaibigan niya dito.
sila-sila na lang ang nag-eenjoy. hindi nga kasi ako marunong pati si carol ay nakaupo lang at pinapanood kung paanong
maglaro sina Rence at yuri. Nagpunta naman sa Comfort room si jessica.
"bakit ka nakasimangot diyan? hindi ka ba nag-eenjoy?"
"bawal?"pagsusungit ko sa kanya."kung gusto kong magsimangot maghapon wala kang pakialam dun."
"ano ba yan?angsaya kaya nito...ngayon lang ulit tayo nakagala ng matagal-tagal."
"ang sabihin mo tuwang-tuwa kang dikit ng dikit kay Jessica...kulang na lang yakapin mo e...di ka ba natatakot na baka
sapakin ka ng girlfriend niya?"
tumawa lang ito."si yuri ba? hindi niya girlfriend yan. close friend lang sila. and hindi ako malandi...FRIENDLY LANG AKO
WITH A TWIST."
"ewan ko sayo...huwag mo akong kakausapin sa dorm pag-uwi."
"hindi ako uuwi sa dorm ngayon...over night daw kami ni yuri kena Jessica e..."
mas nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. overnight? anong tumatakbo sa isip ng babaeng to? hindi ba niya halatang naiinis
akong magkasama sila tapos dun pa siya matutulog. angsarap talagang hamapsin ng tako ang ulo nito e.
"sa Dorm ka matutulog."
"nag-yes na ako kena Yuri. kakahiya naman."
"basta!"
"bigyan mo ako ng isang matibay na rason kung bakit ako matutulog sa dorm kung mas masaya naman akong kasama sina Jessica?"
parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. hindi ako agad nakapagsalita.
"ano? may magandang rason ba camille? yung totoo? napapagod na rin ako sa kakabalewala mo sa akin e. alam mo bang planado ni
Jessica tong Lakad na to? ang sabi niya baka daw marealize mo kung ano ako sa buhay mo pag naging malapit ako sa kanya. o
kahit magunware lang kami."
pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. hindi ko pa nakita si carol na nagflare up sa galit niya.
"kainist...bakit ko pa ba to sinasabi...wala namang magbabago e...you will just hold on Rence and Me...hindi ka makapili kung
sino sa amin ang bibitiwan mo...kaya ako na lang ang pipili para sayo camille...i am willing to give you up...para hindi ka
na mahirapan."
bakit ba hindi man lang ako makakontra sa sinabi niya? nauutal ako at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
CAROL's pov
sorry Camille, kailangan ko lang gawin to. nakikita kong nahihirapan ka na kung sino sa amin ni rence ang mananatili sa buhay
mo. kaya ako na lang ang bibitiw. Kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo? para sa akin ginawa ko naman na ang lahat e pero
ikaw lang yung hindi makita ang worth ko.
iba ang pinapakita mo sa sinasabi mo.
kinuha ko lang yung phone ko at akmbang aalis na nang may humarang sa akin na dalawang lalaki.
"miss,,, hindi ka bagay dito... bagay ka sa bahay ko..."
shit lang. huwag ngayon hindi maganda ang timpla ng isip ko.
tumingin ito kay camille."magkasama kayo? pwedeng one take one?"ngisi niya.
"pwedeng next time mo ako buesetin? punong puno na ako ng badvibes ngayon baka malasin ka pa."
'carol anong nang ganap dito?"si Jessica yan na tiningnan mula ulo hanggang paa yung dalawang lalaki."oh friends mo? mukhang
pervert huh."
tumawa yung lalaki."nagiging p*****t lang ako kung kasing kinis mo ang hahaplusin ko."
tinaasan siya ng kilay ni Jessica. sinenyasan niya ako na ilayo na si camille.
"tara..."hila ko sa kamay ni camille."mukhang magkakagulo e." hinigit ko naman sa Kaliwang braso si jessica."ikaw rin..uwi na
tayo."
"wow... iba na talaga ang mga les ngayon...kaya ng pagsabayin ang dalawang babes? dila at daliri ba ha?"pang-iinsulto nung
lalaki.
WHOAAHHHH!! hindi ako basagulero pero kung mga ganito ang kaharap mo sinong makakapagpigil ng init ng ulo diba?
pero mas ikinagulat ko ay nang si Camille ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng magkabilaang sampal.
"HOY! WALA KA NG PAKIALAM KUNG DILA O DALIRI ANG GAGAMITIN NIYA. INGGIT KA BA?!"
"GAGO TO AH!"babawi sana ng suntok yung lalaki pero napigil ito ni Yuri.
"alam mo pare? hindi kami naghahanap ng gulo dito e...so sana ikaw rin? hindi mo gugustuhin ang kaya naming gawin kung
sinampal mo yang babae."
winaksi nung lalaki ang kamay niya."sino ka ba? ikaw ba ang nanay ng mga to?!"
sumabat si rence."Hindi...kami lang naman ang mga bodyguards nila...so kung pwede? luyo-layo ka?"
ngumisi yung lalaki maging ang mga kasamahan niya ay natawa na rin."haha..tingnan mo nga naman tol... napapalibutan tayo ng
mga tomboy...bigwasan na yan!"
pero bago pa sila makaporma ay nilabas na ni Yuri ang baril niya at itinutok sa kanila. napaatras yung mga lalaki at yung
ibang costumers naman ay nagsitakbuhan papalabas.
"WANNA DIE?!"sigaw ni yuri.
maging si rence ay inilabas rin ang kanyang baril. hindi ko akalaing may mga dalang baring tong dalawang to. "BACK OFF!"
tuluyan nang napaatras ang dalawa.
"umuwi na tayo."seryosong sabi ni Rence.
Pero hindi ko na inaasahan ang sumunod na nangyari. pareho nilang hinigit si Jessica. nakahawak sa kaliwang braso si rence
habang sa kanan naman si YUri.
sandali kaming natahimik habang winaksi ni Jessica ang kamay ni Rence."seobang, let's go. carol? ano? Sa bahay ka ba
matutulog?"
umiling ako."sa dorm na lang."
Sina yuri ang naghatid sa amin ni camille sa dorm dahil may kailangan daw asikasuhin si rence. tahimik ang buong byahe.
maliban na lang kay Yuri na nagjojoke pero kay Jessica lang bumebenta.
pagkababa namin ng sa tapat ng gate at niyakap ako ni Jessica."huwag mo ng pakawalan ha? you owe me big time babyko."pisil
niya sa pisngi ko.
"thank you...magkikita pa naman tayo diba?"
she nodded."i will still be your guardian angel..."
"ayos...mayaman na guardian angel na may pangil..."tawa ko naman.
yumuko naman siya kay camille."babye...see you..and goodluck sa games niyo..."
---
AN: yuri and Jessica Convo will be in SASSY PRINCESS. :") medyo ano naman kaya ang agal pa yun.ahaha...august na kasi ang plot nitong chapter
na to. :")