BT 25
MIKA’s pov
“I love you..”bulong ko kay Ara habang pabalik na kami sa Richman’s Ville. Sa iisang sasakyan na kami ngayon nakasakay. Kasunod naman namin si Kuya Vincent. Sa Richman’s na rin siya magpapalipas ng gabi.
“I love you most…”ganito niya. she rested her head on my right shoulder.
“pwede bang next time pag may ganitong surprise ka Mika sabihan m naman ako?”reklamo ni Syd.”badshot ako sa nililigawan ko ha?”
Tumawa lang ako.”someday pasasalamatan mo ako Dude. She isn’t a good catch for you. Anglaking flirt ng babaeng yun okei? Nilalandi kaya ako nun dati.”
“ulitin mo nga mika?”seryosong sabi ni Ara.
Pinisil ko ang ilong niya.”Moy, NILANDI AKO NUN. Pero wala e…VSGALANG DAW E..”sabay turo ko sa tapat ng puso ko.
“mana-mana lang talaga ang kakornihan MQ no?”pang-aasar ni ate Liam.
“you fell hard for that though.”pagyayabang ni Ate JM.
“hmm..atleast pinaglaban kita no.”
“ah yeah. I remember my parents talking about that incident when you left for K.U.”
Habang nagkakabiruan kami ay tahimik sina Cienne at KIM sa likuran. Sinilip ko sila. Tulog na si Cienne nakasandal sa balikat ni Kim.
Napabuntong hininga ako.
“what’s with the sigh Mika?”pansin sa akin ni ate Liam.
“nothing.”
“sus!”pananabla ni SYd.”inggit lang yan kay KIM ate…”tawa niya. “lovey dovey na ulit kasi sila ni CIenne. Samantalang siya aalis na naman.”
Ara tighten her grip on my hand.
“huwag kang mag-aalala Ara. babantayan siya ni Alwyn sa Japan.”pang-aasar ni Ate JM. Alam naman kasi niya kung gaano ako nabubueset kay Alwyn dahil hindi pa rin siya natigil sa pagpupumilit ng sarili niya sa buhay ko.
“kahit huwag na lang po ate. Baka ahasin pa niya tong bakulaw ko.”
“Ara, kahit ano pang gawin ni Alwyn kung talagang ikaw ang mahal ni Mika hindi siya maagaw.”komento ni Ate Liam.
“muling ibalik ang sakit ng loob kay Andrea, MQ?”banat ulit ni ate JM.
“what?i am just stating a fact here Reyes. look at us, nagparaya na ako pero sa akin ka pa rin bumagsak no…”
“blah blah blah GARCIA!”
Parang mga bata pa rin sila. Naghikab na naman ako. wala pa kasi akong tulog. Pina-rush ko lang sa secretary ang flight ko after ng meeting with the investors.
“antok na moy?”
Tumango ako.”pero ayokong matulog.”
Gusto ko kasing maalala lahat ng pangyayari sa gabing to. Kahit siguro tampulan na ako ng pang-aasar ngayon ok lang. basta kasama ko si Ara.
Hinatid muna namin si Syd sa bahay nila bago kami umuwi sa bahay nina ate JM. Himbing na himbing na ang tulog ni Ciene. Kinarga siya ni Kim ng bridal style.
“parang sila ang nagpakasal ah?”biro ni ate Liam.”lagot ka kay Jai niyan MQ…dugong Villanueva pa naman si Kim.”tawa pa niya.
Mukha namang naalarma si Ate JM.”hoy Kim! dalhin mo sa pangatlong kwarto si Cienne. Dun ka matulog sa guest room.”
Wala namang kontra si Kim.
Bumaling naman si ate Jm kay Kuya Vincent.”should we allow them?”tinutukoy niya ay kami ni Ara.
Tumango lang si Kuya Vincent.”alam niyo naman ang limitasyon niyo siguro?”seryoso niyang tingin sa akin.
Nahihiya akong ngumiti. Grabe lang kasi parang nag-iinit ang pisngi ko. kung mag-isip ang mga to e.”opo naman bayaw.”sabay flash ng super cute kung ngiti.
Pi-nat niya ang balikat ko.”good.”nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.”saka nakakahiya kung mag-iingay kayo sa kabahayan.”saka siya tumawa ng malakas at pumasok ng bahay kasama sina ate JM.
The heck?! Grabe! Parang namula ang pisngi ko!
Nagtataka si Ara na tinapik-tapik ang kanang pisngi ko.”Moy? bakit ka namumula?”
“ha? Wala..wala..”I startled.”pasok na tayo…”
Sinundan namin si ate Liam na pupunta sa kwarto ng kambal. Namiss ko rin ang makukulit na bata e. pagkapasok ni ate Liam ay bahagya itong natawa.
“what do we have here.”
Naintriga na rin kami ni Ara kaya pumasok na rin kami.
Nagulat rin naman kami pero nangiti na rin sa itsura nina Carol at Camille. magkayakap sila na parang kahit sa panaginip ay walang gustong bumitaw.
Nakasiksik ang ulo ni Camille sa leeg ni Carol habang magkadantay ang mga binti nila.
Sinenysan kami ni Ate Liam na manatiling tahimik. Inilabas niya ang fone niya at kinuhanan ng picture ang dalawa bago namin ginawaran ng goodnight kiss ang kambal.
--
“hindi talaga binabago ang ayos ng kwarto mo dito no?”pansin ni Ara sa kwarto ko. nandun pa rin yung malaking tarpaulin niya sa likod ng pinto.”lakas ng tama mo sa babaeng yan e no?”
“tagos sa lungs.”natatawa kong tugon sa kanya.”nagustuhan mo ba nag surprise ko moy?”
She nodded while her head is rested on my arm.”sobra…pero nalulungkot pa rin ako. aalis ka na naman kasi.”
“ako rin naman pero tiis lang Ara. Pag naibangon ko ang branch dun babalik ako agad dito.”
“paano pag agawin ka ni Alwyn?”
“hays…yaan mo siya. kay VSGALANG lang ang puso ko.”
Nabalot kami ng katahimikan. Humigpit ang yakap niya sa akin.”moy, Mas babae kang kumilos kaysa sa akin. bakit gusto mong Reyes ang gamitin kong apilyedo?”
“wala naman sa kung sino ang mas astig kumilos yun e. proud lang ako na surname ko ang gagamitin ng babaeng mahal ko. pero kung gusto mo naman Moy ako na lang magpapalit ng apilyedo pag totoong kasal na tayo.”
“hmmm… sure ka?”
“oo naman… I am very willing to give up my surname… it is my pleasure to be your Mrs. Mika Aereen R. Galang. Bagay pa rin naman e.”I giggled.”we are match made in heaven kaya kahit Reyes or Galang pa yan it fits us both.”
ARA’s pov
The sweetest surprise ever ang binigay ni Mika sa akin. kasal-kasalan lang yun pero napakasolemn ng seremonya.
Gusto ko lang marinig galing sa kanya kung willing siyang maging Galang. Haha. Pero seryoso? Baka kasi maulit yung kidnapan blues kung dahil bukod sa yaman ng kakabit ng apilyedo nila ay ang mga panganib sa buhay.
Paano na ang mga magiging anak namin diba? OA ko biglang mag-isip? E kasal-kasalan lang naman yun pero bigla akong nagjump sa future plans. Natawa ako sa naisip ko.
“why?”
Umiling ako pero natatawa pa rin.”la moy… mahal kita.”
She chuckled,”hindi yun ang iniisip mo Moy e..pero mahal rin kita…pag pwede na tayong magpakasal pupunta tayo sa Europe ha? Para wala ka ng takas sa akin. tapos mag-aundergo tayo ng same process na ginawa nina ate Zai para magkababy tayo.”
“planado mo na lahat Moy? Paano pag naudlot? Paano pag makakilala ka pa ng ibang babae dun na mas deserve mo? paano pag hindi talaga pumayag sina tita sa relasyon natin? Paano pag…”
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang pumaibabaw sa akin at inilapat ang labi niya sa labi ko. she kisses ne tenderly. tumugon ako sa bawat halik niya. she stops and kiss my forehead. Pinagdikit niya ang noo namin. I can smell her breath.
”angdami mong satsat. Parang magiging nagger wife ka moy ah.”ngiti niya.”hindi kita isusuko… tandaan mo yan.”
Kinintalan pa niya ako ng isang halik sa ilong bago bumalik sa pagkakahiga.”abstinence muna baka mapatay ako ng kuya mo.”tawa niya at yumakap sa akin.”goodnight Moy.hatid mo ako sa airport bukas ha? Tulog muna tayo…”
Kahit gusto kong gugulin ang natitirang oras para makipagkwentuhan sa kanya ay hindi ko na rin magawa. Inaantok na rin kasi ako.
--
VINCENT’s pov
Nandito kami ngayon sa opisina ni JM sa bahay nila. Pareho kaming nag-aalala sa sitwasyon nina Ara. tumakas lang kasi ng uwi itong si Mika para sa kapatid ko.
“salamat Vincent sa tulong mo. hindi ko na kasi kayang makitang nahihirapan ang pinsan ko.”
“same here JM. Kahit kasi ipakita ni Ara na masaya siya ay ramdam ko ang lungkot niya.”
“hindi pa rin tanggap ni tita Alice ang relasyon nila kaya pinasunod nila si Alwyn sa Japan.”pag-uumpisa niya.”gusto kong mag-ipon ka para kay Ara. Para sa kinabukasan niya. Ganun rin ang gagawin ko para kay Mika. Magbubukas ako ng secret account. kung anu’t-ano man ang magiging desisyon nina tito ay makakasiguro tayo na may magagamit sila pag bumuo na sila ng pamilya.”
“sang-ayon ako diyan. Malaki-laki rin ang sweldo ko sa McQuest bukod sa mga pinapahawakan mo pang negosyo sa akin.”
Nagbukas siya ng isang resort sa Pampanga. Lahat ng papeles ay nakapangalan sa akin para hindi magduda si Senior Miguel. Sa panahong makagraduate sina Mika at Ara ay ipapasa na namin sa kanila ang pamamahal dito.
Tumango ito.”siguradong magagalit sina Tito dahil nakikialam ako pero wala na rin akong pakialam. Mas importane ang kaligayahan ni Mika.”
“parang kapatid mo na talaga si Mika no?”
Ngumiti ito.”masyadong busy sina Tito Miguel at Tita Alice sa negosyo. Mas madalas si Mika dito sa amin ni Liam. parang second parent na niya kami. kaya napalapit ako ng husto sa kanya.”
“I see… swerte naman ni Mika.”
She smiled.”swerte siya dahil may Ara na umintindi sa mga saltik niya. kung alam mo lang kung gaano ang sakit ng ulo na binigay niya sa akin noon.”
Tumawa lang ako.”nagtaka ka pa? isipin mo na lang ang sakit ng ulo na binigay mo sa mga magulang mo no?”
Maging siya ay natawa na rin. “yeah right… Vincent… pero sina papa kasi suportado niya ako sa pagpapaexpel no.”
Naalala ko lang bigla si AC.”hmmm… JM… bukod kay Arden alam mo bang may isa pang kapatid na babae si Andrian?”
Sumeryoso ang mukha niya at tumango.”pero hindi ko alam kung nasaan siya… “
“ah okei… alam na rin ba ni Arden ang tungkol dito?”
She nodded.”nakiusap si Jaifer na hanapin namin siya. sa kwento kasi ni Arden ay iniwan niya ang kapatid nilang babae sa isang ampunan. Hindi rin maalala ni Arden ang pangalan ng orphanage kaya nahihirapan siyang hanapin ito.”
“maybe I can help too. Mas magiging kumpleto ang pagkatao ni Arden pag nakasama na niya si Cassidy.”sang-ayon ko sa kanya.
“tama…at yun rin ang hiling ni Charleen…”
“iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal no?”tatawa-tawa kong sabi.
“yeah… love can move mountains you know.”
--