BT 24
--
Carol’s pov
Nagpaiwan kami ni Camille sa bahay nina Miss JM. Actually si Camille lang ang gustong maiwan pero gusto ko siyang samahan. Siguro sa mga oras na to ay nagsisimula na ang surprise ni Mika kay Ara.
Hindi pa naman makatulog ang kambal. Naglalaro pa ang mga ito.
“anghyper naman nila.”reklamo ko.
“oo nga e…parang hindi napapagod.”
Naghikab naman na si Lhan at gumapang siya papalapit sa akin.”you wanna sleep baby?”
Wala itong imik pero nang kinarga ko siya inihilig lang niya ang ulo niya sa balikat ko. buti at hindi mahirap alagaan ang kambal. Yung mga pamangkin ko kasi napakaiyakin at hindi ako makatagal sa mga ingay nila.
Sa tuwing ibaba ko naman si Lhan sa kama ay iiyak ito. tss. Alam na kung paano umarte. “medyo mabigat ka na baby…”I said softly. Pero parang naiiyak na naman siya. “fine… pero matutulog ka na ha?”
As if nauunawaan naman niya ako no. naghahum lang ako ng random songs para makatulog siya. si Camille naman nanonood ng cartoons kasama si Jhel. Kandong kandong niya ito.
Sa wakas nakatulog na rin siya. inilapag ko siya sa kamay at nilagyan ng unan ang magkabilang side niya para hindi siya magpagulong gulong pag sakaling nagising.
Nilapitan ko sina Camille.
As what I expected. Pareho na silang nakatulog. Panay ang ring ng cellphone niya at nagfaflash ang caller id ni Rence.
Niyugyog ko si Camille para magising.
“hmmm? Bakit?”
“tumatawag si Rence.”tugon ko dito. “amin na si Jhel. Sagutin mo muna yung tawag niya.”kinuha ko si Jhel at maingat na inihiga sa Crib.
May ilang minuto na silang nag-uusap. Nabobored na rin ako buti at may nagmessage sa akin.
Jessica: hi :))
Siya yung nakilala ko kanina sa burger stand. Nagkatext na kami kanina pero bigla siyang naging busy e.
Me: hello :>
Jessica: I cant sleep. Tired of rehearsals.
Me: ok.
Jessica: ayaw mo akong ktext? :((
Me:ah hindi. pagod lang rin akong mag-alaga ng babies.
Jessica: wow… angcute naman nun…
Hindi ako agad nagreply. Umiyak kasi si Lhan. Pinatahan ko muna ito. pagtingin ko sa phone ko may dalawang missed calls na galing kay Jessica. Medyo mainipin siya ha?
Pinahiga ko na ulit si Jhel ay tumatawag ulit siya.
(hello Carol…bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?)
>>>sorry naman po miss? Nag-aalaga ako ng baby…medyo umiiyak e…
(oopss.sorry…am I that rude?)
>>>oo…
Ako na ang medyo prangka? E ganito talaga ko. anong magagawa natin diba?
(huhuhu..grabe ka…)
>>>bakit? Aha! Hindi ka pinagsasabihan ng ganun ng mga kaibigan mo no?hahahaha…siguro mayaman ka rin…siguro matapobre ka rin…siguro…
(cut it off will you?!)
>>>hahaha..pikon mo naman..hmm.sorry na..okey?
(uhm…tatanggapin ko lang yang sorry mo in one condition…)
>>>prinsisita mo naman… ano yun?kesa mawalan ako ng kausap..hahaha
Ewan ba kung bakit magaan ang loob ko sa kanya e kanina ko lang siya nakilala. Medyo may pagkamaldita pa.
(kantahan mo ako para makatulog na ako…)
>>>luuh? Close tayo miss? Kakakilala lang natin kakantahan kita?
(gusto ko e…sige na kasi…wala yung taga-kanta ko e…)
>>>hahaha.why? are you broke? Hahaha.shit..pareho lang pala tayo…
(nevermind na nga lang…magpapatugtog na lang ako dito…good night…)
>>>huwag mo munang ibaba please?
Hindi pa rin kasi tapos mag-usap sina Camille at Rence. Medyo malayo siya sa akin kaya hindi ko masyadong nilalakasan ang boses ko.
(so kakanta ka na? kung hindi ibaba ko na…)
>>>hindi ako singer… parinig na lang ng sound mo diyan… mayaman ka naman diba?
CAMILLE’s pov
Habang kausap ko si Rence ay may kausap rin si Carol sa cellphone niya. paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya. Bakit hinihinaan niya ang boses niya?
(Cams? Andiyan ka pa?)
>>>ha..yeap..ano na nga yung sinasabi mo?
(di ka naman nakikinig e…)
Naiimagine ko si Rence na nakasimangot. Haha. Agncute lang oh. Then I heard Carol soft laughs. Kainis. Bakit ganito Camille? bakit ka nakakaramdam ng ganyan? Sa dalawang tao talaga? Sino bang mas nakahihigit?
>>>buffering lang ang line..ano na yun?
(I said let’s hang out this week end… isama mo mga kaibigan mo para mas masaya..)
>>>you sure? Buong team pwede?
(yeah… minsan lang naman to e… sama rin sina Vio at Den…)
Oh bakit naman kumakanta si Carol? Napapatigil pa ito at saglit na tatawa. Hinaharana ba niya yung kausap niya?
>>>hmm…Rence..antok na ako…usap na lang ulit tayo next time ha? Lowbatt na rin cp ko di ko dala ang charger ko…
(okey… goodnight swettie…)
>>>angdami mong tawag sa akin…haha.
(ganun talaga..sige na. magpahinga ka na..goodnight..
>>>goodnight rin…
In-off ko rin ang phone. Pasimple akong nahiga sa tabi ni Lhan at ipinikit ang mga mata ko. nakaupo lang sa sahig si Carol sa tabi ng crib kung saan natutulog si Jhel.
Hindi ba sila titigil sa pag-uusap? Hindi ba siya titigil sa pagkanta?
“haha..pinagtityagaan mo ang boses ko…hmm..late na oh..matulog ka na kaya?”
Wow? Concern lang? bakit pag ako hindi man lang niya ako sabihan ng ganyan? Tsss. Shunga ka na naman Camille. kailan ba kayo nagkaroon ng pagkakataong magkausap ng ganito ka-late na oras?
Kailan na nga ba?
Mas madalas ko nga palang kausap si rence. Halos araw-araw. bakit ganyan ang ngiti mo Carol? Pati yung mga tawa niya.
“sige na mahal na prinsesa! Matulog ka na..kasalanan ko pa kung ma-late ka bukas…OA pa naman ang Mamuru sa Late comers..”
Estudyante pa ng Mamuru?
“haha.huwag ka ng kumanta..uulan pa..saka magigising tong mga babies..anghirap kaya nilang patulugin..”
Nagpapakipot ka pa. E gustong-gusto mo naman.
“goodnight princess of underworld.”tawa niya. saka niya binulsa ang cellphone niya.
Naupo rin siya sa kama at inayos ang pagkakahiga ni Lhan. Pumikit ako ulit. Tinusok tusok niya ang pisngi ko gamit ang daliri niya.
“Pako gising…maaga pa oh…”
Hindi ako umimik.
“hay…akala ko pa naman makakapag-usap tayo ngayon…”mahina niyang sabi.”namimis na kitang kausap.pag sa dorm kasi laging bumibida si Rence…ganun na lang lagi…”
Malinaw naman ang pandinig ko at ramdam kong may bahid ng pagtatampo ang boses niya.
“bigyan mo naman ako ng sign Camille kung kailangan ko nang maggive up. Nasasaktan na kasi ako ng sobra…”
Gusto ko ng dumilat pero may parang pumipigil sa akin. para akong tangang gustong marinig ang lahat ng sasabihin niya.
“hanggang pangarap na lang ba kita Pako? Hay… may bago akong kaibigan… medyo mataray parang ikaw… tinatabla niya ako sobra… parang hindi siya mauubusan ng topic e… hay..nevermind..angdami kong gustong ikwento sayo…sana next time mas magkaroon ka ng oras para sa akin… alam mo bang nadapa ako nung isang araw?”
CAROL’s pov
Mukhang tanga talaga ako nito. Tulog na siya pero kinakausap ko pa rin. “hanggang pangarap na lang ba kita Pako? Hay… may bago akong kaibigan… medyo mataray parang ikaw… tinatabla niya ako sobra… parang hindi siya mauubusan ng topic e… hay..nevermind..angdami kong gustong ikwento sayo…sana next time mas magkaroon ka ng oras para sa akin… alam mo bang nadapa ako nung isang araw?”
Namimiss ko yung Camille na lagi kong pinagkukwentuhan ng mga nangyayari sa akin araw-araw. yung hindi nagsasawang tablahin ako. nag-aalala lang naman siya pero hindi lang niya alam i-express in kind ways.
Mukhang anghimbing na ng tulog niya.
Nagring na naman ang phone ko. tumatawag ulit si Jessica.
>>>hmmm?
(bakit parang anglungkot ng boses?)
>>>wala to… antok lang…
(ah gusto mo kantahan ulit kita?)
>>>huwag na…matulog ka na…ako rin…
(fine..sungit mo bigla goodnight wolfy!)
Angweird ng tawag niya no? wolfy lang. wala daw siyang basehan kung bakit wolfy. Trip lang daw niya.
>>>goodnight na nga..bye.
Naggiggle ba siya bago ako binabaan ng tawag. Pagtingin ko kay Camille ay nakatalikod na ito yakap-yakap ang unan ni Lhan. Anglikot matulog kahit kailan. Nilipat ko na si Lhan sa Crib niya baka madaganan pa niya o masipa e.
Tinanggal ko ang medyas ni Camille at inayos ang kanyang pagkakahiga. Kinumutan ko na rin siya.
CAMILLES’s pov
Tumalikod na lang ako at niyakap ang unan. Nakakaramdam ako ng selos sa kausap niya. gusto kong isumpa ang ganitong pakiramdam.
Tinanggalan niya ako ng medya at inayos ang pagkakahiga ko. maya-maya ay naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran.
Ang kanyang bibig ay malapit sa akin tainga.
“Pako… mahal kita…”mahina pero napakalinaw kong narinig.
Nagtulug-tulugan pa rin akong humarap at isiniksin ang sarili ko sa yakap niya. feeling her warm embrace I feel so secured.
Then nag-hum siya ng songs. Random songs na madalas niyang gawin noon high school pa lang kami.
I felt her lips on my forehead.”goodnight Pako…”