22

1642 Words
Bt 22 -- CIENE’s pov Nakakatuwa yung opening ng league. Pinaglaanan talaga ng pera at panahon. Member na rin pala ng Mamuru Performing Arts si Yuri. Malihim talaga siya. Kainis mas magaling siyang sumayaw kaysa sa akin e. Pinag-awayan na naman pala namin siya ni Kim. nainsecure ang Yam ko e. puro daw kasi ako Yuri here, Yuri there YURI everywhere! Hindi lang niya nahalatang pinagseselos ko lang siya. evil kasi ako minsan. Hmmm…nagbalikan na pala kami ulit. Hindi naman madrama ang pagbabalikan namin e. Ayoko lang na pumunta na pumunta siya sa dorm nina Mela. Kaya pinapili ko siya ko siya kung pupunta siya at hindi ko siya kakausapin o mananatili siya at magbabalikan na kami. Saan pa siya diba? I am so smart talaga. So far smooth sailing na ulit kami. KAHIT PAPANO. Maagang natapos ang morning training. kahit sa second sem pa ang start ng volleyball ay tuloy-tuloy ang pagsasanay para mas masanay kami sa chemistry with the new players. Laking adjustments nga namin sa league ngayon e. Nasa US na rin kasi si Ate Cha kasama si Arden. For what reason? Ewan ko rin e. sabi lang ni tito para daw ready na si ate sa pagpasa sa kanya ng mga negosyo niya. “lapitan mo na siya.”marahang tulak sa akin ni Camille. “ayoko.” Nag-iisa na naman si Ara sa may bench. Madalas niyang gustong mapag-isa mula nung umalis si Mika para asikasuhin ang negosyo nila sa Japan. Hindi na nga nagkaroon ng maayos na pagpapaalam sa team si Mika pero nagkausap naman sila ni Ara bago siya umalis. “kambal naman e. ako na lang lagi e hindi rin ako kinakausap nang maayos.” “e basta lapitan mo na.”tulak niya ulit sa akin. May magagawa pa ba ako? huminga muna ako ng malalim bago ako naupo sa tabi niya. “Arababes…” “hmmm? Nag-away ba kayo ni Kim?” “hindi. e gusto mong lumabas? Mamayang gabi? bar tayo?” Umiling siya.”mag-aaral na lang ako.”tumayo ito. kinuha lang niya yung mga gamit niya at umalis. Nilapitan ko na si Camille.”sabi sayo e. hindi rin ako kakausapin.”Fail na naman ang attempt namin na pasayahin siya. “kambal! I give up!”kinuha ko ang bag ko. “o san ka pupunta?” “dorm. maliligo. Duh? Papasok ba tayo ng ganito kagusgusin? Musta naman ang mga seatmates natin no.” “hintayin muna natin si Carol. Kausap pa ni Coach e.” Pinaningkitan ko siya at may halo itong panunudyo.”kambal ha? Anghaba ng buhok mo. hindi ka pa ba nakakapili? Ikaw rin. dumarami ang fans ni cerveza…” “ewan ko… dumarami nga… nakakaloka na rin. pati ako sinasabihan ng hindi magagandang bagay e.” Pi-nat ko ang balikat niya.”I FEEL YOU…”dahil maniwala man ako o hindi maging ako ay nakakatanggap ng mga pm, Comments na kung pwede raw e hiwalayan ko na lang si Kim kung hindi ako seryoso sa kanya. Talk about handsome level diba? “tara na?”yaya ni Carol.”may klase pa tayo e…bilisan na lang nating maglakad?” Tumango lang kami ni Camille. bakit wala si Kim? pinakiusapan ko lang na bumili ng eggpie at KFC chicken. Nagkicrave kasi ako e saka gusto ko lang. basta gusto ko lang wala siyang magagawa dun. Itong dalawang kasama ko hindi nag-uusap. Parang nakakamoy ako ng hindi maganda. Pumagitna ako para akbayan sila. “anong pinaglalaban niyong dalawa? Parang hindi uso ang magsalita ah?” Tinanggal ni Camille ang kamay ko.”pagod lang cienne.” Ganun rin si Carol.”stress lang.” “WOW ha? Yung totoo? Did I miss anything here?” Kulang na lang sagutin ko ang sarili kong tanong e. pareho silang hindi sumagot. Sa dorm ko lang pala malalaman ang sagot e. nakaparada kasi ang kotse ni Rence habang siya ay nasa labas na may dala-dalang bouquet ng bulaklak. “para kang santo kambal e. araw-araw may bulaklak.”pabulong kong sabi dito. “may nakalimutan pala ako…”excuse naman ni Carol.”kita na lang tayo mamayang lunch.” PIpigilan ko pa ba siya? e alam kong nasasaktan na siya? madalas rin kasi akong kausapin ni Carol tungkol sa kambal ko. mas madalas kasing dumalaw sa dorm si Rence lately. Yung oras na sana ay gugulin ni Camille para sa kanya ay napupunta kay Rence. Nakakahiya naman daw kasi sa oras naman na aalis na si Rence aatupagin naman ni Camille ang mga homeworks niya. Bilib nga ako kay Carol e, kung pwede lang bigyan ng award e ginawa ko na. she deserve a martyrdom award dahil hindi pa rin siya sumusuko. “hi rence!”bati ko sa kanya.”attendance check?”pang-aasar ko dito. Ngumiti lang ito sabay abot ng bulaklak kay Camille.”good morning. Dumaan lang ako bago pumunta sa Brightside.” Tumingin ako sa relo ko.”isang oras pa ang byahe hanggang Brightside a. tibay mo Rence. May technology na ba ang agency para gumawa ng portal?” Napakamot lang ito sa batok niya,”ikaw talaga puro ka biro…hmm..sige..alis na ako ha? See you around.” “see us around ka diyan. Kung pupunta ka dito mamaya magdala ka ng dinner ha? Kulang na kasi kami sa budget e.” Tumawa lang ito.”ano bang gusto niyo?” “hmmm..rence huwag na. saka may project akong gagawin mamaya e. hindi rin kita mahaharap.” “gusto mo tulungan na lang rin kita.” “hindi na… pagod ka rin sa work… next time na lang.” “are you sure?” Tumango naman si Rence. Umalis na rin ito agad. Naratnan namin si Ara na nakahiga. “Arababes…hindi ka ba papasok?” Nagmulat ito at tumingin sa relo niya.”my 30 minutes pa naman e…” “hmm..sabay na tayong pumasok ha?” Tumango naman siya. “tumawag na ba siya?” Umiling naman ito. Alam na kung bakit ganito katahimik si Ara. hindi pa nagpaparamdam ang bakulaw. ARA’s POV Ibang-iba na ang takbo ng araw ko mula nung umalis si Mika. Hindi kami nagbreak pero kailangan niyang gawin yun para sa pamilya niya. sino naman ako para pigilan siya. Bukod sa magkakaroon na siya ng pagkakataong magkaayos sila ng mga magulang niya ay mahahasa rin siya sa pamamahala ng mga negosyo nila. Hindi rin kami nagdedemand masyado sa oras ng isa’t-isa dahil pareho rin kaming nag-aaral. May pangako pa pala ako kay tito Jan. ako ang magdedesinyo ng dreamhouse ni Mika. May tiwala ako kay Mika pero wala akong tiwala sa kasama niya. Si ALWYYN! Hindi ako kampante pag kasama niya ang lalaking yun. paano kasi pinadala rin siya ng mga magulang niya para mag-aral sa parehong university na pinag-enrollan ni Mika. Hindi ko naman sinabi kay Mika na minsang pinagbantaan ako ni Alwyn na sisirain niya ang relasyon namin dahil ayokong makadagdag pa sa mga iniisip niya. Tinatamad akong pumasok! Napaupo ako at ginulo-gulo ang buhok ko. hihiga sana ako ulit pero nagring ang phone ko. nagfaflash ang number ni ate Liam. >>>hello po… (hey Ara…hmmm…susunduin ka ng driver diyan mamayang hapon okey? Dito ka na matulog…isama mo na rin ang kambal at si Kim…) >>>anong okasyon po? (wala naman… treat lang namin sa inyo… yun ang bilin ni Mika e…para daw hindi niyo siya gaano namiss.) >>>okei po… thank you po. Binaba na rin nila ang tawag. Excited naman tong dalawa dahil makakabondin na naman nila ang kambal. -- CAROL’s pov Nag-skip na ako ng klase since iisang subject na lang sa umaga. Magpapalipas muna ako ng oras. Ngayon lang naman e. Nakatambay lang ako sa isang burger stand. Sabi nga kung badmood ka ikain mo na lang diba. “hi…pwedeng bang tumabi?” Pagtingin ko sa kanya ay mukha siyang sopistikada at galing sa mayamang pamilya. “so?”kinaway-kaway niya ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. “ha..oo…public place naman to. hindi ko to pagmamay-ari.” “thanks.”naupo ito at pumipili nan g oorderin. Pero mukhang hindi naman niya alam kung ano ang oorderin niya. “yung cheesedog mas masarap.” SO yun nga ang inorder niya. habang naghihintay siya sa cheesdog ay panay ang tingin niya sa akin. “bakit?” “why are you so pale?” “ha? Hindi ah… maputi alng ako.” “weeeh? No You’re not…"nilahad niya ang kamay niya. "Jessica… “ Nakipagkamay naman ako.”Carol…” “alam ko…”she said softly.”hmm.girlfriend mo si Camille diba? Yung mga kaklse ko kasi followers niyo sa FB.” I gave her a weak smile.”hindi e… para kasing may iba siyang gusto…” “naku… ipush mo lang yan Te… hangga’t hindi pa sila e may pag-asa ka pa…” Ngumiti lang ako sa kanya.”thank you sa encouragement…” Kumain na kami. wala rin naman akong sasabihin e until she broke the silence. “hmm..pwede ba tayong maging friends?” “hmm..oo naman..” “talaga?”kinuha niya ang cellphone niya.”kunin ko number mo ha?” So I typed my number. Pinaring niya ito. “are you joking? Wala namang nagring ah?” “ahy sorry…nakalimutan ko pala ang phone ko sa dorm…” “ahyt…pero ito talaga ang number mo ha?” Tumango ako.”yeap…so pano? Babalik na ako sa dorm. may pasok pa ako e…” She nodded gladly.”thank you!”yumuko siya ng 90 degress.”see you around idol!”   -- After class sa dorm. ARA’s pov “YESSSS!”sigaw ni Kim.”makakatikim na rin tayo ng tunay na pagkain!” “so anong tawag mo sa mga luto ko?”simangot ni CIenne. “pagkain rin yun Yam… e siyempre iba rin ang food kena ate JM no…” Naghahanda na kami dahil parating na ang susundo sa amin. Siya namang pagbalik ni Carol. “oh may lakad kayo?” “hmm..sama ka?”yaya ni Cienne.”punta kami sa richmans..” “family dinner diba? Hindi na…” “Sumama ka na.”pautos na sabi ni Camille.”hihintayin ka namin sa baba.”nauna na itong lumabas. Nagtataka man si carol at nagpalit na rin ito. nagdala na rin siya ng extrang damit niya para bukas. Pagbaba namin ay dalawang kotse ang naghihintay sa amin. “saan ka sasakay Ara?”tanong ni Kim. “ayokong humiwalay kay Yam ko.” “carol dun na lang tayo oh.”yaya ko kay Carol. Tinuro ko yung kulay itim na kotse. Sumakay naman siya pero maya-maya ay bumaba ito.”sorry Ara…gusto kong kasama si Camille kahit ngayon lang e.” So ano? Ako na naman mag-isa dito. kainis ha? Bahala nga sila. Sinusundan lang namin ang kotse kung saan nakasakay sina Camille. kung magpatugtog naman tong si manong driver pangpanahon niya. sinasabayan pa niyang kumanta. Pero sandali…bakit parang iba tong rota na dinadaanan namin? “manong bakit parang hindi na nating sinusundan sina Camille?” Hindi umimik si manong. Luuh? Ano na naman ba to? kidnapan na naman ba? Whoaaah… yung phone ko? yuing phone ko deadbatt! Huhu Moy…ito na naman ang kaba sa puso ko e. Lord bata pa po ako. at hindi pa po kami mayaman. “manong… parang awa mo na po…huwag mong gagawin to…” Mas binilisan pa ni manong ang pagpapatakbo at itinigil niya ito sa isang madilim na lugar. Yung pakiramdam na gusto kong sumigaw pero wlang lumalabas sa bibig ko. Bumukas ang pinto sa tapat ko. “whoahhh! Huwag po please!”takip ko sa mga mata ko. Naramdaman kong umupo siya.”manong salamat ha? Alam mo na kung saan ang destination.” Tinanggal ko ang pagkakatakip ng mga mata ko.”Mika?” Ngumiti ito at nag-peace sign.”natakot ka ba?”tumawa pa siya.”mukha mo Moy..namumutla…hahahaha” --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD