BT 21
CAROL’s pov
Hinila ako ni Camille papunta sa kwarto nila. “mag-usap tayo.”
Naupo ako sa kama nina Mika.”hindi mo ba nagustuhan yung ginawa ko?”
“sinabi ko bang gawin mo yun?”
“hindi. pero sa tingin ko dapat kong gawin yun. kung si Rence nga proud siya diba? Ako pa kaya?”
“God Carol. Hindi mo naman kailangang gayahin si Rence e. magkaiba kayo.”
“pero mas napapalapit ka sa kanya. Kasi kasalanan ko diba? Si Rence tong panay ang tag sayo sa f*******:…tapos ikaw naman yung like ng like…may comment ka pang nalalaman. Sa tingin mo hindi ako nagseselos dun? Naiinggit ako Camille!”
“ano na namang drama yan?”
“nagbago ka ng pakikitungo sa akin… ramdam ko yun Camille… pag magkasama tayo lagi mo pa ring katext si Rence…alam mo yung pakiramdam n asana hindi ka na lang sumama sa akin kung siya rin lang ang nasa isip mo?”
“kaya ka nagpost ng ganun? Ano ng sasabihin ng mga kamag-anak mo? ang alam nila straight ka na diba? Baka sisihin nila ako…”
Napayuko ako. “sorry… “
“tsss…nangyari na…hayaan mo na…”
Nabalot kami ng katahimikan. Nakaupo lang siya sa kama niya. nagriring ang phone ko. nagfaflash ang number ni mama. sandali lang kaming nag-usap tungkol sa post ko pero hindi naman siya nagalit dahil matagal na niyang alam na may pagtingin ako kay Camille. she just wanted to know if I am okay. Tinawagan kasi siya ni tito at nagagalit daw ito.
Pagbaba ko ng tawag niya ay nagriring ulit ang phone ko. huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya. lumabas rin si Camille dahil may tawag rin siya.
>>>hello…
(ano sa tingin mo yung ginawa mo?)
>>>wala…ako to tito…wala naman akong dapat ipaliwanag…
(umuwi ka dito bukas na bukas rin…)
>>>ayoko…sorry tito…nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko…
Pinutol ko na ang tawag. Paulit-ulit rin lang ang sasabihin niya e. Years ako ay pinagalitan na ako ni tito tungkol sa gender preference ko. sinubukan ko namang maging straight e. pero sabi nga nila once a river always a river. Magmahal man ako ng lalaki hindi pa rin nawawala yung mas matimbang na pagkagusto ko sa babae.
Fifteen minutes nang nasa labas si Camille. marami naman akong natatanggap na messages from random friends. Messages of support? And admiration. Binasa ko lang yung iba pero nagdelete all na rin ako.
CAMILLE’s pov
Lumabas lang ako dahil si Ate Zai yung tumawag. Sa Pagitan nila ni ate Jai sa kanya ako mag nakakapag-open ng love matters ko.
(so how’s your heart?)
>>>ate Zai naman…mang-aasar ka pa?
(haha.biro lang cams… kinikilig ka no? umamin ka.)tawa niya ulit.(alam mo ba nung umamin ako na girlfriend ko ng pinsan mo mas marami ang against kaysa natuwa?)
>>>ganun naman yata talaga e.
(mabait rin si Rence…pero ikaw pa rin ang masusunod…sino ba ang mag matimbang para sayo?)
Hindi ko talaga alam.
(oh? Natahimik ka… )
>>>hmmm..wala lang…
Nag-usap lang kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam. Bawal naman kasi sa kanya ang mapuyat. Makakasama sa baby.
Pagpasok ko ng kwarto ay nakatulog naman si Carol sa kama nina Mika.
“hoy bangon ka diyan…sa kabila ang kwarto mo.”
Makailang beses ko siyang niyugyog bago ito nagising at naupo. Sumandal siya sa balikat ko.”galit ka pa?”
“hindi..hindi naman ako nagalit.”
“thank you…”she said soflty.
Inilayo ko siya sa akin. namimikit pa ang mga mata niya sa antok.”ano ba kasi ang nakita mo sa akin ha?”
"WALA...pero may nararamdaman ako para sa'yo."
I sighed. “isipin mo na lang nadikit ka sa gomez-cruz…umpisa na ng magulong mundo mo Carol…”
Umiling siya.”wala akong problema dun…”bumangon na siya ng tuluyan.”lipat na ako sa kabila…magpahinga ka na rin…good night pako.”yumuko siya at hinalikan ako sa pisngi. Saka ito tumalilis ng takbo papalabas ng kwarto.
(-_-) so kung umamin siyang lesbian siya kailangan daanin na rin ako sa santong paspasan?
Nag-vibrate ang phone ko.
Carol: lambot ng pisngi mo… galit ka? pwede kang bumawi… libre right cheek ko :*
Mika’s pov
“kumusta si papa?”tanong ko agad kay ate Jm pagdating ko sa Jiminez General Hospital.
“under observation.”
Naghihintay kami sa labas ng ICU. Si mama ay umiiyak na inaalo naman ni Kuya. Ilang araw na raw na pinoproblema ni papa ang sitwasyon ng negosyo ng pamilya sa Japan. Hindi rin naman sila matutulungan agad-agad nina ate JM dahil may mga inaasikaso rin silang negosyo sa loob at labas ng bansa.
And knowing papa, hindi siya basta-basta hihingi ng tulong kena tito. Hangga’t kaya niya ay susubukan niyang ayusin ang sitwasyon.
Inilipat na si papa sa VIP room ng hospital. naka-oxygen pa ito. naunang pumasok sina mama at Myco. Papasok na rin sana ako pero pinigilan ako ni Kuya.
“Princess, hope you understand…”
Tumango na lang ako. Alam kong isa rin ako sa mga pinoproblema ni papa. “uuwi na muna kami.”said ate JM.
Hindi kami nag-uusap sa byahe. Gulong-gulo ang isip ko. I wanna be by my father’s side at his moment but I can’t take the risk of his health. Baka pag nakita niya ako ay tumaas na naman ang blood pressure niya.
“kumain ka muna.”alok ni ate Liam.
“wala akong gana.”tugon ko saka ako dumeretso sa kwarto ko. I feel so exhausted and I am expecting for some unwanted circumstances.
JM’s POV
“kumusta si tito?”ask Liam. tumabi siya sa akin at minasahe ang kamay ko.
“stable na… he is so stresses with work. Bumabagsak ang branch nila sa Japan. At hindi lang basta-basta ang sitwasyon nun…malaking pera ang nawala sa kompanya…”
“hindi na ba maagapan?”
“pwede pa naman….nawala lang ang kompyansa ng mga empleyado dahil hindi napagtutuunan ng panahon nina tito ang branch dun…and they trusted the wrong person…”
Napabuntong hininga si Liam.
Humiga ako sa lap niya. Itinakip ko ang kanang kamay niya sa mga mata ko.”mq..promise me not to pressure our kids when they grow up okei? Naawa ako kay Mika..i bet she already know what’s gonna happen next…”
She brushes my hair with her fingers.”I won’t mq… sa kwarto ka na matulog…”
Umiling ako.”let’s just staty like this for a while…”
ARA’s pov
Nag-aalala ako kay Mika. Nagtext lang si ate Liam na sa kanila daw siya umuwi kasama si ate JM. Kasalukuyan akong nasa kwarto nina ate Cha dahil hindi ako makatulog sa kakaisip.
“parang ikaw ang anak ha?”inabutan ako ni ate Cha ng isang baso ng gatas.” "Yung kaibigan mong ang bilis gumana ng utak pagdating sa kalokohan."pampatangkad oh.”biro niya.
“salamat.”nilapag ko lang ito sa mesa.”kahit sino naman mag-aalala diba?”
Naupo siya sa tabi ko.”ok naman na daw si tito…don’t worry…”
“hindi ko maiwasan… hindi pa tumatawag si Mika… sa kanya ako nag-aalala…”
“hayaan mo muna… bukas nandito na yun…”
Nabalot na ulit kami ng katahimikan. Pumasok ng kwarto si Carol na may pag-aalala sa kanyang mukha.
“bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?”
“sabog lang naman ang inbox ko ng mga messages e…”tinapon niya sa kama niya yung cellphone niya.”sinabi ko lang na lesbian ko angdami ng texts…”ininom niya yung gatas na binigay ni ate Cha.”baka mamaya isipin kong singlakas rin ng mga appeal niyo ang dating ko e…mag-confess ba naman na crush nila ako.”
Tumawa lang ako.”yan tayo Carol e..lakas rin ng loob pag may time…”
“Carol, hindi dahil inamin mo sa buong mundo na lesbian ka e mamahalin ka na ni Camille..sana naintindihan mo. I appreciate the risk that you took but Camille is somewhat more attached to Rence.”
Tumango lang si Carol.”I know ate Cha… pero hindi pa naman sila hindi ba? Makikipagsabayan pa ako…”
--
--
Kinabukasan.
MIKA’s pov
Hindi na ako makakaattend ng training. pinapunta ako ni kuya sa opisina niya. naka-business suit kami nina ate JM at ate Liam.
“you ready?”tanong ni ate Liam habang papunta kami sa main office ng MAR Corp. Pangalan yan ng kompanya ng pamilya namin. ipinangalan ni papa sa kanilang dalawa ni mama.
Tumango ako.”I have no choice I guess.”
Pinisil ni ate Liam ang kamay ko.”magiging maayos rin ang lahat Mika…”
Pagdating sa opisina ni kuya ay naghihintay rin sina mama. Yumuko lang ako bilang paggalang sa kanila. ne hindi niya ako kinibo.
Nandito rin ang ilang kamag-anak na min na kasalukuyang naghahandle nan g mga negosyo ng Reyesses at Jimenez group of companies.
Nagmukha tuloy itong reunion ng mga business tycoons ng aming angkan. Maging si Kuya JMichael ay nandito rin. he gave up his career as a nurse para tulungan sina ate JM sa kompanya nila.
Nakaupo ako sa tabi nina ate JM. Binigyan ako ng folder. Reports ito tungkol sa pabagsak na sales ng Car Business namin sa Japan.
Dinidiscuss ito ni kuya. Kahit papano ay naiintindihan ko naman ang mga ito dahil tinutulungan ko na si kuya noon sa mga reports niya.
“we still have one option.”sabi ng isang investor.”we need a representative from the family.”suggested kuya Jmark.
“isa yan sa mga nakikita kong solusyon. Pero we are all busy sa mga hawak nating negosyo..”
“but we have Mika here… eversince naman tumutulong na siya sayo diba? So why not send her to Japan.” Said kuya Jmichael.
Sabi ko na at darating ang ganitong sitwasyon e. Hindi na ako umimik. sumabat si ate Jm.”nag-aaral pa si Mika…I can go to Japan..pwede naman akong magpabalik-balik e…”
“Lumalaki ang kambal JM…Liam needs you more now…I suggest bawas-bawasan mo rin ang oras sa trabaho.”said her dad.
“si Mika na lang ang pwedeng mag-take over sa negosyo dun. We can guide her…dun na rin niya ituloy ang pag-aaral niya? it that case we can hit two birds with one stone”dagdag ni Kuya Jmichael’
Natuon sa akin ang tingin nilang lahat. “so ano Mika? What do you think?”
“pag-iisipan ko muna.”
Tumayo naman si Mama.”you better make it fast… ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan ng papa mo.”then she left.
Nag-adjourn na rin ng meeting si kuya. Habang nasa lobby ako ay nilapitan ako ni kuya Jmichael.
“princess…I hope hindi masama ang loob mo sa akin… we just need to save your family’s business..”
I put a weak smile.”I understand. mahirap lang sigurong isipin ang pwedeng maging epekto pag umalis ako…”
“Si Ara ba?”
I nodded,
”trust me princess… mauunawaan niya… this is your chance to prove yourself to tito Miguel… don’t give up on your relationship… you still have my support..okei?”ginulo niya ang buhok ko.
“thank you… “
--
AN: antok na… goodnight all. Until next update. :”)