BT 20
MIKA’s pov
Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Tapos na rin ang week end tasks namin ni Ara kena ate JM.
Nandito pala kami sa birthday party ni Mheg (May 27 po. Feel ko lang lagyan ng date) na ginaganap ngayon sa mansion ng mga Gomez. Nagdadalawang isip akong pumunta pero pinilit rin ako ni Ara. She knows how much I miss my parents.
“lapitan mo na sila.”udyok sa akin ni ate Cha
“kinakabahan ako.”
“kahit naman sinong itinakwil kakabahan.”
Paglingon namin ay si Alwyn ito.
“so nagbago na ba ang isip mo Mika? Balik loob ka na ba sa pamilya mo? I can help you with that you know?”
Kinuwelyuhan ko siya pero pinigilan ako ni Ate Cha sa pwede kong gawin.
Tinaas naman ni Alwyn ang dalawang kamay niya showing that he is innocent.”yan na ba ang nagagawa ng pagsama-sama mo sa mga walang breeding Mika?”he smirk.
“tsss…”
Binitiwan ko siya at lumayo na muna.
He is getting into my nerves. Nakisali ako sa table nina Kim. ininom ko ang tubig na nasa tapat niya.
“high blood lang ah? Anong problema mo?”
“wala.”
Siya namang paglapit nina Vio at Calvin sa amin. Isa-isa niya kaming niyakap.
“I miss you guys…”naupo siya sa tabi ng ate niya.”di niyo ako namiss?”
Tumahimik kaming lahat.
“wow ha? Salamat ng marami at namiss niyo ako.”simangot niya.
Bumawi naman agad si Ceinne dito. kaya hayan tuwang-tuwa na siya. Kinukwento niya ang mga summer trainings niya sa Mamuru University. Pero hindi naman ako makarelate dahil nasa malayong planeta ang isip ko.
Nakatanaw lang ako sa table ng pamilya ko. kasama nina mama at papa sina kuya at ang kapatid ko. pinagbawalan rin nilang makalapit sa akin ang bunso naming kapatid. Sumusulyap sulyap naman ito sa akin pero agad yumuyuko pag nahuhuli ni mama.
“kung hindi ka tatayo diyan walang mangyayari.”said ate Cha.
“hirap…”
“kaya nga hindi na sumama si Ara dito e para mas magkaroon ka ng pagkakataong makausap sila.”imbitado si Ara dito pero mas minabuti niyang hindi na lang dumalo para na rin daw magkaroon ako ng pagkakataong makausap sina papa. Importante para sa kanya na magkaayos kami ni papa kahit ilang beses ko ng sinabing hindi ko muna sila haharapin.
“tsss… pwede namang sumama siya at sabay namin silang kausapin diba?”
Napailing siya,”nabagok ba ang ulo mo ha? E de mas nagalit si tito. For now ikaw muna ang magbaba ng pride mo…singtangkad mo kasi nahihirapan kang abutin.”
The whole party ay nakikipaghalubilo lang si papa sa mga nakatatanda. Maging si mama ay ganun rin. nang matiyempuhan ko si kuya ay agad ko siyang nilapitan.
Dinala niya ako sa may living room baka daw kasi Makita pa siya nina papa.
“kumusta ka na princess?”tanong niya matapos niya akong yakapin.”kanina pa kita gustong lapitan pero bantay sarado sina papa.”
Tumango lang ako.”ok lang ako kuya…ikaw? Kayo ni Myco?”
“we are Okay…”pinilig-pilig niya ang mukha ko.”parang hindi ka nangayayat princess ah?”
Pinalo ko ang kamay niya.”tsss..galing mag-alaga ni Ara e…”ngiti ko dito.
Ginulo niya ang buhok ko.”Know what princess? Nahihirapan kami ni papa sa kompanya. We badly needed your help. Nagkakaroon ng problema sa Car business natin. Until now hindi pa namin malaman kung paanong nalulugi ang branch sa Japan.”
“huh? Diba yun ang may pinakamalaking sales? Paano nangyari yun?”
He shrugs his shoulders.”it is under investigation.”Nilabas niya ang wallet niya and got some cash.”you’ll need these…”abot niya sa akin ng pera.”just give me a call whenever you need allowance okei?”
“I have my work Kuya…”
Pinisil niya ang pisngi ko.”but I insist…gusto mong makausap sina papa?”
“sana… pero alam kong galit pa si papa… saka na kuya pag may maipagmamalaki na ako sa kanya.”
“alright then… pinapabigay pala ni Myco sayo.”kinuha niya sa bulsa niya yung favorite wristwatch ni Myco.”hindi rin siya makaalis sa paningin ni mama kaya pinaabot na niya.”
--
Ara’s pov
“gusto mo pa?”alok sa akin ni kuya ng sundae.
“pangalawa ko na to maawa ka naman sa bilbil ko.”simangot ko sa kanya.
Bonding time namin ni Kuya ngayon. nag-day-off siya para sa akin. kinulit-kulit ko kasi siya kagabi. Tampu-tampuhan effect siyempre.
“hmm..kuya hindi ka napapagod sa kakulitan ko?”
Tiningnan lang niya ako,”anong drama yan Ara? biglang naging isip bata?”
“tsk. Hindi sa ganun. E basta…”
Tumawa lang siya,”may PMS ka no? o nag-away kayo ni Mika? Luuhh? May ibang babae si mika?”
“wala. Masama bang maglambing sa kuya ko ha?”hinablot ko yung hawak niyang sundae at inumpisahang kainin ito.”nagwoworry lang kasi ako…”
“for Mika?”
Tumango ako.
“what about her?”
“ilang linggo na lang pasukan na. gusto ko sana magkaayos na sila ng mga magulang niya.”
“kahit kapalit nun ay pwede nila kayong paghiwalayin?”
Natahimik ako sa sinabi ni kuya. Alam kong magagalit si Mika pero ilang gabi na kasi akong nagigising sa mga paghikbi niya. alam kung namimiss na niya ang pamilya niya kahit hindi niya ito aminin sa akin.
Tumango ako.”pero hindi ibig sabihin nun ay igigive up ko na siya. magsisikap ako hanggat pareho…”
“you are a grown woman Ara. yan pala ang nagagawa ng love sayo.”napailing si kuya.”siguraduhin mo lang na maayos ang pag-aaral mo.”
“Naman… siyempre no? soon..i will be one of the best Architect in the Philippines.”pagmamalaki ko sa kanya,”at si Mika ang magiging isa sa pinakamagagaling na businesswomen sa buong mundo.”
“oh bakit ikaw sa pilipinas lang? siya sa buong mundo?”
Sumubo ulit ako ng sundae.”kuya…kung pareho kaming sikat sa buong mundo…paano pa kami magkakaroon ng oras para sa isa’t-isa diba?”
“ewan ko sayo….angkorni mo.”
Tinawanan ko lang siya. kailangan kong magpakatatag diba? Pero natatakot ako na paghiwalayin nila kami. angdami nilang koneksyon at pwedeng pwede nilang itago si Mika.
Paranoid ka na naman Ara.
Namasyal lang kami ni kuya maghapon. Ganyan niya ako kamahal. Kasalukuyan kaming nasa grocery store ni kuya. Naggrocery na rin kami. parang dalawang linggo na kaming hindi gagastos nito e. angdami niyang pinamili.
Maggagabi na nang makauwi kami sa dorm. nanatili muna siya hanggang may dumating na kasama ko.
‘angdaming pagkain niyan ah.”sabay kuha ni Carol ng piatos.”wala pa ba sina Camille? uuwi ba sila dito? nagtext na ba sayo?”
“excuse mo lang yan piatos no? gusto mo lang tanungin si Camille.”
“obviously.”simangot niya.
“kumusta ba ang paniningalang pugad mo ha?”
Tiningnan niya ako. hindi niya nagets yun sinabi ko. tsss.
“yun panliligaw mo!”
“ewan ko…”she frustratedly answered.”matapos nung nagkaroon kami ng konting argumento sa tagaytay parang lumayo ang loob niya sa akin. sa tingin ko nga mas nagkakaroon pa siya ng oras para dun sa Rence nay un.”
Naupo ako sa tapat niya.”selos ka naman?”
“sinong hindi magseselso. Pag magkasama kami katext niya pa rin. tsss… kainis…”
“ipapipray over na lang kita ha? Kaya mo yan.”biro ko sa kanya.
“tsss…oo na..kung mayaman lang sana rin ako no? baka pwede kong tapatan yung Rence…”
“Carol…hindi naman mayaman si Rence. Nagkataon lang siguro na hindi mo lang kayang ipaalam sa buong mundo na nagmamahal ka na babae… yun ang lamang ni Rence sayo… she is proud of what she is...and who she likes.”
Tumayo siya at pi-nat ako sa balikat.”thankyou master Ara…”saka ito lumabas.
“hoy saan ka pupunta?!”
“net café…iaanounce sa buong mundo na LESBIAN AKO!”sigaw niya.
(“-_-) so ngayon lang niya naisip gawin yun?
--
Maingay na ulit sa dorm. nagdatingan na sina Mika. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. pinagmalaki pa niya yung relo na binigay ni Myco. Nagkwento siya tungkol sa pag-uusap nila ng kuya niya. nakikita ko kung gaano siya kasaya kahit hindi pa niya nakausap sina tito.
“YAAAAMMMMMMMMM”sigaw ni Kim mula sa kwarto nila.”movie marathon tayoo…!”
“AYOKO…BAHALA KA DIYAN…MAGLUMANDI KA SA MGA BABAE MO!”
Nagkatinginan kami ni Mika.
“GUYS…ITAGO ANG MGA MATATALIM NA BAGAY BAKA DUMANAK ANG DUGO SA DORM!” sigaw ni Camille.
“hay naku Camille…baka gusto mong buksan ang sss mo…”sabat ko naman sa kanya.
“WHOAAAAAHHHHH!”
“ANO TO?!”
“SERYOSOOO?!”
Sunod-sunod na sigaw nga mga teammates namin sa magkabilang kwarto. takbuhan naman kami sa kwarto nina ate Cha. lahat sila ay nakatutok sa laptop ni Ate Wensh.
“anong meron?”inosenteng tanong ni Camille.
Hinila siya ni ate Aby.”basahin mo kaya?”
“I ,carol Cerveza, announce to the whole world that I love Camille Cruz?”mabagal na pagbasa ni Camille sa stat ni Carol.”whattaheck? anong pumasok sa isip niya at ginawa niya yan?”
I feel so guilty with that. Siya namang pagpasok ni Carol na kumakain ng ice cream.”anong meron?”
Hinila siya ni Camille papalabas nga kwarto at lumagabog na lang ang pinto sa kwarto namin.
“nasa peligro ba si Carol? Tatawag na ba ako ng ambulansya?”si Kim yan na pasimpleng umaakbay kay Cienne.
“ambulansya yang mukha mo! sino yung nilalandi mo kanina sa birthday ha?”
“Guys!”
Nagkukulitan na naman silang dalawa. Parang aso’t-pusa talaga ang YAMmybears na to e.
“GUYS!”pasigaw na sabi ni Ate Wensh.
Siya namang paglabas ni Mika para sagutin ang tawag ng cellphone niya.
“bakit ate?”usisa namin.
Nakatuon lang ang pansin namin sa monitor.
JMR Group of companies
We sincerely ask for your prayers for the recovery of my uncle, Miguel Reyes. He had mild stroke and is in the ICU. Thank you. –Jana Marie Reyes
--