BT 19
CAMILLE’s pov
“thank you…”
Ngumiti lang si Rence bago sumakay ulit ng kotse niya.”take Care…”
Tumango ako.”ikaw rin.”
Hinintay kong makalayo siya bago ako pumasok sa bahay namin. nililigpit na ni mama ang mga pinagkainan namin.
“hindi ako makapaniwalang ang kambal ko ay babae rin ang gusto.”malumanay naman niyang pagkakasabi.
“galit ka ba ma?”alanganin akong lumapit sa kanya at niyakap siyang patagilid.”nadisapoint ka ba sa amin?”
Hinaplos ni mama nag buhok ko.”hindi…mahal ko kayo ng mga kapatid mo susuportahan ko kayo basta hindi kayo gagawa ng kahit anong makakasakit sa kapwa niyo…”
“thanks ma… di bale si Ate naman e may Arden e…”
Bumuntong hininga si Mama.”siguradong mababaliw ang papa niyo pag nakikita niya kayo ngayon.”
“OO nga ma… lalo kay CIenne…”
Tiningnan niya ako at kumunot ang noo niya.”kahit kailan si Cienne talaga…nga pala…nakausap ko ang mama ni Carol…”
“oh? Ansabe? Magaling na ba siya? Luluwas na ba siya?”
Napatingin sa akin si Mama.
Nag-peace sign ako.”uhm tatawagan ko na lang siya.”saka ako nagmadaling pupunta na muna sa kwarto ko.
“CAMILLE!”sigaw niya mula sa sala.”may tinatago ka ba sa akin?”
Nilingon ko siya.”aayusin ko to ma…pramis.”
Saka ako pumasok sa kwarto ko. hiniga ko muna. Nag-iisip lang ako kung sino ba talaga ang mas matimbang para sa akin? si Rence ba o si Carol?
Paano ko ba yun malalaman? Wala naman accurate na basehan diba? I surely miss Rence. Pero ganun rin naman si Carol.
Dumapa ako at isinubsob mukha ko sa unan. Just then my phone rings and vibrates.
Carol Calling…
>>>hello…
(Pako? I miss you….)
Miss ako ng sakitin. Para akong tangang ngingiti-ngiti dito. tsss.
(ahy? Di mo ako miss no?)
>>>dapat ba laging may I miss you too?
(hindi.sorry...)
Parang anglungkot ng mood niya ngayon.
>>>may problema ba?
(wala naman…)
>>>parang meron…
(I miss you nga kasi…)
>>>haha…ewan ko sayo…
(luluwas na ako ngayon…anong gusto mong pasalubong?)
>>>halla? Adik ka ba? Nandito ako sa Tagaytay tapos luluwas ka?
(…….)
>>>hoy sumagot ka diyan….
(hahahaha…miss ako ni pako…)
>>>punta ako diyan.paghanda mo ako ng makakain ko…
(huwag na…ayoko…)
Kainis yun ah. Pupuntahan na nga ayaw pa. kumakatok naman sa pinto si mama.
“Camille…may bisita ka…”
>>>wait lang ha? Huwag mong ibababa…
Pinagbuksan ko ng pinto si mama.
“sinong bisita?”
“si Carol…”
“ha?”
Tumawa naman ang kausap ko sa kabilang linya. Pinutol ko na ang pag-uusap namin at pununtahan ko na siya sa may sala.
“hi…”ngiti niya sa akin.
“ikaw na ang bahala sa kanya ha? Umuwi kayo ng maaga.”
“ha?”ako ulit ang hindi nakakarelate sa usapan nila.
“he? Hi? Ano pang kaya mong sabihin Camille?”pang-aasar ni Carol.”pinagpaalam na kita kay Tita…”
“ma?”baling ko kay mama.
“bakit? Magkaaway ba kayo?”
“ha? Hindi Ma… sige… alis na kami.”
Tinulak-tulak ko si Carol papalabas ng bahay baka magbago pa ang isip ni mama e.
“cool ni tita ah.”
“weird kamo.”I sighed.
Tumawa lang siya.’hindi weird… cool nga e…”
Tiningnan ko siya ng masama,”ang sabihin mo natutuwa ka kasi parang boto pa siya sa yo…”
”e kaso kay Tita lang ako malakas e…sayo wala lang”
“asan yung motor mo?”
“wala…commute tayo...gusto ko sayo lang ang atensyon ko kesa sa pagmamaneho.”
Pinaghandaan ako ng kakornihan ng babaeng to ah. Nakasakay na kami sa jeep. yung katapat namin lalaki panay ang tingin sa amin.
“may problema ka kuya?”prangkang tanong ni Carol.
Ngumisi lang yung lalaki at binaling sa iba ang pansin. Sumandal si Carol at bumuntong hininga. Pagkababa namin ay mabilis na naglakad si Carol parang hindi ako kasama ah.
“hoy Carol! May kasama ka baka nakakalimutan mo…”binilisan ko ang paglalakad para mahabol ko siya.”bakit ba ang-init ng ulo mo?”
Hinarap niya ako.”badtrip yung lalaking yun e…kung makatingin akala mo kung sino…”
“wala naman siyang ginagawa ah?”
“wala? Meron sa isip niya… iba siyang makatingin sa atin…parang nandidiri… nakakainis…”
Natigil ako sa reaksyon niya. Iniisip niya kung ano ang sasabihin ng iba? Bakit pag sina Kim at Cienne ang pinagtitinginan sa mall hindi nagiging biyolente magreact si Kim. Minsan pa nga mas nagiging sweet pa silang dalawa.
“tara na po?”yaya niya sa akin.
Magkasabay lang kaming naglalakad. May konting distansya sa pagitan namin. baki ganito ang nararamdaman ko? pakiramdam ko ikinakahiya niyang ako ang kasama niya.
“kain muna tayo?”alok niya sa akin.
“busog pa ako e. “
“ganun? Uhm…anong gusto mong gawin?”
Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya.”maglakad-lakad lang tayo…”
Nagtingin kami ng mga bagpacks. Pero pansin ko ang unti-unting pagkalas ni Carol sa pagkaka-link ng mga braso namin. anong problema nito?
Tuluyan ko na siyang binitawan. Bahala nga siya. nakakasaid ng pasensya.
“may problema ka ba?”tanong niya.
“wala. Napagod lang ako. kain muna tayo.”
“wala pa ngang 30 minutes na naglalakad tayo e…gutom ka na agad?”
“tsss…pag sinabi kong pagod ako..pagod na ako..maglakad-lakad ka mag-isa kung gusto mo.”nagwalk-out ako at naupo sa may bench.
Sumunod naman siya at naupo sa tabi ko.”bakit bigla-bigla kang nagagalit?”
“wala. Huwag mo muna akong kakausapin.”
“pako naman e… angweird mo kaya?”
Hinarap ko na siya.”Carol, yung totoo? Bakit ka nainis dun sa lalaki kanina? Alam mo ba sina Kim at Ciene pag pinagtitinginan ng ganun hindi nag-oover react si kim? hindi na nila pinapansin samantalang ikaw parang conscious na conscious ka sa tingin ng ibang tao e..”
Natahimik siya at napayuko.”sorry Pako…”mahina niyang pagkakasabi.”ewan ko… nairita lang ako sa tingin niya…”
“ewan ko rin Carol… Naisip ko tuloy baka hindi ka seryoso sa nararamdaman mo sa akin e..baka epekto lang yan ng matagal na hindi nating pagkikita… Namiss mo lang ako kaya akala mo mahal mo pa ako…”
Bakas ang lungkot sa mga mata niya.”Pako…sorry… hindi na mauulit…”pahikbi na niyang hingi ng tawad.
“ssheeesss… tama na nga to..umuwi na lang tayo….”tumayo ako pero pinigilan niya ako sa kaliwang braso.
Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.”baka pagtinginan tayo ng mga tao…baka mandiri sila sa atin.”
Pagsakay ng bus ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Buti na rin at hindi niya ako kinukulit dahil siguradong magfi-flare up lang ako.
--
Wala si mama pagkarating namin ng bahay. Nag-iwan siya ng note na gagabihin siya ng uwi. Sumalampak ako sa sofa at ti-nurn on ang tv.
Kinuha ni Carol ang remote at in-off ito.”mag-usap tayo.”
Tiningnan ko lang siya.
“Pako… huwag ka ng magalit oh? Please?”
“palipasin mo muna ang init ng ulo ko Carol.”
Mangiyak-ngiyak siyang lumuhod.”Camille… sorry please…”
Nag-ring na naman ang phone ko. nagfaflash ang pangalan ni Rence nakita yun ni Carol na mas ikinalungkot ng mga mata niya.
”mag-usap muna kayo…”pumunta muna siya sa kusina.
Lumabas ako ng bahay para kausapin si Rence. Nangamusta lang naman siya, nagtanong kung anong ginagawa ko. nag-uusap pa kami ng biglang kinuha ni Carol ang cellphone ko at hinatak ako papasok ng bahay.
“ano bang problema mo Carol? May kausap pa ako!”
“nagseselos ako sa kanya!”
“nagseselos? E ano ngayon? atleast si Rence kahit pagtinginan kami ng kahit sino hindi niya ikakahiya..hindi siya mag-oover-react! E ikaw?”
Natahimik na naman siya. “sorry…sige aalis na ako.”
Hindi ko na siya pinigilan. Hindi rin naman kami magkakausap nang maayos pag ganitong mainit ang ulo ko baka magkakasakitan lang kami ng damdamin.
Bandang 9:00 pm nang magtext siya na nakauwi na siya. angtagal naman niyang nakauwi.
Me: what took you so long?
Carol: nagpahangin lang. cge. Matu2log na ako.kaw rin.
Magrereply na sana ako pero tumatawag naman si Rence sa Skype. Inaccept ko yung video call. Inaantok-antok pa ito habang kinakausap ako.
Siguro mga 30 minutes rin kaming nag-usap bago siya nagpaalam na matutulog na. pa-log out na ako sa sss nang Makita ko ang status niya. siya na nga ang korni dahil yung username niya sa sss ay combined names namin.
Rencelle Blue
Just a thirty minute talk but it seems a lifetime with Camille Cruz.
Ni-like ko muna yung stat niya bago ako nag-log out. She is very appreciative person kahit kailan.
pag-check ko sa phone ko ay maraming missed calls galing kay Carol. Marami rin siyang texts messages. Sabi niya matutulog na siya.
Nabahala ako sa huling text niya.
Carol: gus2 q sna mrinig ang boses mo bgo aq m2log pero bc ka sa kay Rence. nyt. I love you.