14
---
MIKA’s pov
Hindi na nagtagal sina Ara sa QE. Kailangan rin kasi ni Carol ng pahinga. Hindi ako pinansin ni Ara kahit dumaan sila sa harapan ko.
Pi-nat ako ni Kim sa balikat.”welcome to the club young lady.”natatawa nitong paalam sa akin.
“lagot ang bakulaw.”dagdag pa ni Ate Mich.
wala naman akong ginawa diba? Yung kiss ban i Jessey sa akin? halla? Baka yun nga?
“Anong meron toks?”pansin sa akin ni arden.
“ah wala…hindi ako pinansin ni Ara e.”
“Nagtaka ka pa? hinalikan ka ng ibang chics e…”tawa niya.”angswerte lang Mika? Lapitin ng chics e no?”
“gusto mo ikaw na lang?”
“sorry…ayoko pang mabugbog ng isang batalyong bodyguards…”pinuntahan na niya yung ibang costumers.
Breaktime ko. 30 minutes lang naman. Hindi sinasagot ni Ara ang mga tawag ko. Luuuh? Kung sakala ngayon lang kami magkakaroon ng ganitong tampuhan.
Paano ba ang manuyo?
Bzzt bzzt bzzt…
Agad kong binuksan ang message.
Ara: bkt? Angdaming missed calls.
Me: galit ka ba moy love you.
Ara: bakit ako magagalit?
Luuuh…angcold niya..anong gagawin ko nito?
Tinatawagan ako siya pero kinacancel niya ito.
Nagtext naman siya.
Ara: lobat.
Hoooh..hindi ko kinakaya ang coldness niya.
Tapos na rin ang break ko. kailangan ko nang bumalik sa tarabaho.
Me: moy…work ulit. See u l8r. I love you.
Binalik ko na sa bag ko yung cellphone ko. Umaasa ako na magrereply siya.same routine sa duty may mga nagpapapicture pa rin at nagbibigay ng tips.
7:00 pm nang matapos ang shift namin ni Arden. At dahil mabuti siyang kaibigan ay ihahatid niya ako sa humble dorm namin.
“hiram nga ako ng phone mo Toks.”
“bakit?”
“naubusan ako ng load e. tawagan ko si ate JM.”
Inabot naman niya agad ang phone niya sa akin. “hulaan ko? tungkol kay Ara no?”
Tumango na lang ako. “wait lang Toks…bakit hindi kayo nagpapansinan ni Ate Cha? may problema rin ba kayo?”
ARDEN’s pov
Parang magkapatid na nag turingan namin nitong si Mika. Naging mas close pa kami matapos ang pangingidnap sa amin ng kapatid ko.
Habang may kausap siya sa cellphone ay nagyoyosi naman ako. pamparelax ba? Medyo nai-stress kasi ako.
Wala naman kaming problema ni Charleen. Atleast yun ang tinatatak ko sa isip ko. Maayos naman ang takbo ng aming relasyon pero parang may kulang.
Kinakantyawan ako ng mga ka-frat ko. panay kasi ang bida nila tungkol sa mga chics nila. alam mo na? Yung mga bagay bagay na ginagawa lamang ng couple. Something na ginagawa ko rin dati sa mga exes ko.
Hindi kasi namin ginagawa ni Charleen yung though inaamin kong may mga pagkakataong natetempt akong maging mas intimate sa kanya. Pero pag nararamdaman na niyang yun ang intension ko umiiwas na siya.
“hoy okey ka lang?”abot sa akin ni Mika ng phone ko sabay hablot ng hawak kong yosi.”bawal akong makalanghap ng usok ng yosi…”
“arte ng baga mo toks.”binulsa ko ang phone ko at sumandal sa hood ng kotse ko.”so anong plano mo?”
“ewan ko nga e. pinagalitan pa nga ako ni Ate Jm.”
“ah okei…toks..”nag-aalangan akong itanong sa kanya. Ngayon pa ako naging ganito e marami na akong babaeng naikama noon.”may nakukwento bas i Charleen sa inyo?”
“tungkol saan?”
“tungkol sa amin? Nagkukwento ba siya tungkol sa relasyon namin?”
Sandali siyang nag-isip saka umiling.”wala naman siyang nakukwento toks. Bakit?”
“ah wala… hayaan mo na…”
“anong gumugulo sa isip mo toks? Tropa tayo diba?”
Bumuntong hininga ako. dyahe naman kung kay Mika ko pa sasabihin? Maiintindihan ba ako nito? Baka isipin niya manyak ako at yun lang ang habol k okay Charleen.
“sabihin mo na lang sa akin kung kailan mo gustong pag-usapan yan.”
Nanatili kaming tahimik ng ilang sandali.
“Toks…”basag ko ng katahimikan.
“game na…nahiya ka pa e…”
“gago…”batok ko sa kanya.”paano kapag kunware lalaki si Ara… tapos nag-attempt siyang may mangyari sa inyo? Anong magiging reaksyon mo?”
Sandali siyang napaisip.”ewan ko…I will cross the bridge when I get there?”
“ah ok.”
“bakit? Don’t tell me…”tingin niyang pag-aakusa sa akin.”halla!!”
Gusto ko nga siyang batukan ulit sa reaksyon niya.”gago… tara na nga bumili na lang tayo ng mga bulaklak…”
“uy may atraso rin..”pang-aasar nito.”libre mo ako ha? Mas mayaman ka sa akin e.”
“ikaw bumili… ikaw ang girlfriend e!”
Siya ang nagmaneho patungo sa Perfect Lovers Restaurant. sa tabi naman nito ang Perfect Flowers. Convenient sa mga couples na magdidate dahil hindi na sila lalayo para bumili ng bulaklak diba?
Matatamis na ngiti ang sumalubong sa amin ni Mika galing sa flower arranger ng shop. “good evening sir… “
“hi… gusto sana namin ng SORRY and I MISS you arrangements?”
Tumango lang ang babae at nag-umpisang magtingin ng mga bulaklak na bagay sa orders namin. hinayaan na lang namin siya ni Mika dahil hindi naman kami magaling sa ganitong mga bagay-bagay.
Naglibot lang si Mika sa paligid. Kumuha siya ng isang bungkos ng blue rose.
“para saan yan?”
“kay mama…”mababakas sa mukha niya ang lungkot. Ilang buwan na siyang hindi umuuwi sa kanila. she surely misses her mom.
“gabi na. paano mo yan ibibigay?”
Nadisapoint siyang bigla. Binalik niya ito sa flower rack.”oo pala…”
Bumalik na yung babae dala-dala ang mga orders namin. “thank you po…siguradong magugustuhan nila yan.”
“siguraduhin mo lang miss ha? Kung hindi lagot ka sa amin…”kunwareng pagbabanta ko sa kanya.
Ngumiti lang ito at nagthumbs up.”Sigurado po yan…”
Pinauna ko na si Mika sa kotse dala-dala ang mga bulaklak.”miss… can you deliver another I MISS YOU bouquet to this address?”sinulat ko yung address sa papel at iniabot sa kanya.
“sure sir… pumili na lang po kayo ng mga bulaklak na gagamitin…”
Tinuro ko yung blue roses na hawak ni Mika kanina. “gandahan mo ha? For a mom yan…”
“surely sir…”buong galak nitong tugon. Binayaran ko na yung mga inorders namin bago ako lumabas.
--
Tumuloy na kami sa dorm. Umakyat si Mika at hinintay ko naman si Charleen sa ibaba. Kabado akong tumingin sa repleksyon ko sa salamin ng kotse ko.
“gwapo ka na…anong pang ginagawa mo diyan?”
Napatigil ako sa ginagawa ko at inabot sa kanya yung bulaklak.”I miss you…”then kiss her cheek.
“bago to ah? May atraso ka no?”
Umiling ako.”I just miss you…”
She leaned lazily on me.”I miss you too…thank you for understanding me…”
Hinaplos ko ang ang buhok niya. “wala yun..mahal kita e…”
Tumingal siya at ngumiti. Nakakatunaw ang mga ngiti niya. I am really lucky having her with me. That is why most of my friends are very envious of me. “bakit hindi ka na lang magresign sa work mo? focus ka na sa training..malapit na ang pasukan…”
“alam mo naman hindi pwede babe… I have Mika to watch over… “
“salamat Arden… “
“ilang beses ka bang magpapasalamat babe?”ngumuso ako.”kiss na lang.?”
Ngumiti lang ito at pinisil ang ilong ko.”yan na naman e… sapukin kita gusto mo?”
I pulled her into a hug.”I love you miss everything… akyat ka na… baka nagdadrama na si Mika dun…”
Tinulak niya ako ng marahan.”ha? bakit siya magdadrama?”
“diba galit si Ara sa kanya?”
--
--
MIKA’S POV
Pag-akyat ko ay hinanap ko agad si Ara. Puro lang iling ang sagot nila sa akin.
“sweet naman ni Baks…”pansin ni Ate MIch. “para kanino yan?”
“malamang kay Ara.”sabat ni Kim.
“hooh..buti pa siya may girlfriend na sweet…”pahaging ni Cienne kay Kim.
“e mag-gf ka na kasi ulit…”natatawang banat ni Ate MIch.”may pwede akong ireto sayo…”
“talaga te?”
“sige..ipapapatay ko yan!”pagbabanta naman ni Kim.”gusto mong mabahiran ng dugo ang kamay ko?”
HInila ni cienne si ate MIch sa kwarto.”dun tayo mag-usap te…gwapo ba yan?”
“tsss…manhid…”singhal ni Kim.pabalang siyang naupo at itinaas ang mga paa sa may maliit na mesa.
“Kimikimi… inaasar ka lang nun… saan pala si Ara?”
Tinuro niya ang rooftop. Nag-eemo na naman siya? nu ba yan. parang mahaba-habang usapan ito. bago ako umakyat ay huminga muna ako nang malalim.
[Moy… walal ang sa akin yung nakita mo. siya ang humalik sa akin. saka promise hindi ko na siya iaa-llow na gagawin ulit yun]
[moy..i love you..sorry kung may nagawa akong ikinatampo mo..]
[moy….]
URRRGGH..wag na ngang magpraktis. Tuluyan na akong umakyat. Nakahiga si Ara sa mat nakapatong ang kaliwang braso nito sa noo niya. habanag nakaunan naman ang ulo niya sa kanan.
Naupo ako sa tabi niya.
“late kang umuwi ah.”she said why her eyes are closed.”sinong kasama mong umuwi?”
“si Arden…”
“ok.”
Sighed. Nabalot ulit kami ng katahimikan. Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan ang pagpapaliwanag ko e.
“angtahimik mo.”tinanggal niya ang braso na nakatakip sa mga mata niya at nagmulat.”oh bakit may bulaklak?”
“for you moy.”
Nagpabalik balik sa akin at sa hawak kong bulaklak ang tingin niya.
“hindi mo ba nagustuhan?”
Tinanggap naman niya ito.”thank you moy…e para saan ba to?”tanong na naman niya.”ahy.nga pala moy…sorry kanina…pumunta kasi ako kay Kuya…naiwan ko kay Cienne”
“ha? Anong oras mo pinuntahan si Kuya Vincent?”
“nung umalis kami ng QE bakit?”
Wth?
Bigla itong natawa.”pinagtripan ka ni Cienne no?”ginagap niya ang magkabilang pisngi ko.”kaya may flowers flowers ka pang nalalaman?”
I shyly nodded.”e kasi moy… yung mga reply kanina…parang galit…akala ko galit ka sa ginawa ni Jessey.”
Pinitik niya ang noo ko.”sus… minsan pa lang e…subukan mong ulit-ulitin baka sakaling magalit na ako moy..”she opend her arms.”yakap? na-stress ka yata sa kakaisip e…”ikinulong niya ako sa mga yakap niya.”dapat pala magpasalamat ako kay Cienne..ganyan ka pala pag magtatampo ako moy.sweet oh…”
I pull my way back and pout.”pinagtatawanan mo ako ngayon…e anglakas ng kaba ko kanina…muntik pa nga akong makabasag mga baso dun e…kasi iniisip ko kung paano kita susuyuin…tapos….”natigil ako sa pagwhawhine ko dahil kinabig niya ako sa batok at naglapat ang aming mga labi. Ilang Segundo bang parang may mumunting kuryeteng gumapang sa katawan ko.
She puts a distant between our lips and smile.”ano? nagwoworry ka pa? “
Devil idea running on my mind. Tumango ako.
Kinuwelyuhan niya ako at hinila ulit.”opurtunista ka Reyes…”ngumisi lang siya.”pero pagbibigyan kita.” Isang mabilis na halik at hinila niya ako para humiga at mag-star gazing.
Pinaunan ko siya sa kaliwang braso ko. “kanina ka pa dito?”
“oo… angsarap kasing pagmasdan ng mga bituin moy… “
“Saan mo gustong tumira moy? Sa subdi, sa tabing dagat, sa malayong lugar?”
Itinungkong niya ang braso niya at tumunghay sa akin.”kahit saan basya ikaw ang kasama ko… ang kabiyak ng puso ko.”
--
CIENNE’s POV
Natatawa lang si Ate Mich nang hinila ko siya sa kwarto namin.
“angdevil mo cienne ha?”
“hayaan mo siya ate Mich… malandi siya e.”si Kim ang tinutukoy ko. may nalalaman pa siyang ipapapatay e ne hindi nga siya marunong makipag-away.
“so ano bang plano mo ha?”
Naupo ako sa kama ni Camille.”ewan ko… wala naman e…gusto ko lang yung nakikita kong reaction ni kim pag nagseselos siya. “
“ganun?sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng best actor ha? Marami akong kilalang gwapo at pwedeng pakiusapan.”
“surely ate pero parang may naisip na akong potential Fake suitor ko.”
“sino?”
I smiled devilishly.”basta…”
Sunod-sunod na katok ang pumigil sa pag-i-imagine ko ng mga plano ko. panira nama oh. Si ate mich ang nagbukas ng pinto.
“mich… patulong naman? Angtaas na naman ng lagnat ni Carol. May mga rushes pa siya…”pagpapanic ni ate Wensh.”kailangan nating siyang dalhin sa hospital.”
Buti at nasa ibaba pa si Arden. Tinawag siya ni ate abi para kargahin si Carol at isakay sa kotse niya. nagmadali kaming tumungo sa pinakamalapit na hospital.
Nagpaiwan si Kim para kung sakaling umuwi na si Camille dun ay susunod na sila dito. SI ate Cha ang kinakausap ng doctor tungkol sa kalagayan ni Carol.
“how is she?”tanong agad ni Mika kay Ate matapos silang mag-usap ng doctor.
“dengue sabi ni doc…”
”tinawagan ko na si Ate Jane… itatransfer natin siya sa hospital nila. mas maalagaan siya dun.”
Siya namang pagring ng phone ko. si Kim ang tumatawag.
>>>kimmah…nandiyan ba si Camille?
(oo…papunta na kami diyan…)
>>>sa jimenez general hospital na lang kayo dumeretso… ililipat namin si Carol dun….
(okei…sige…)
>>>kimmah???
(bakit?)
>>>ingat kayo…
(we will… kayo rin…)
I just cut the call. Sighed.
--