13
CAMILLE’s pov
Nagsleep over ang team sa bahay nina Ate Mich. Hindi daw nasabihan si Carol dahil naka-off ang phone niya maghapon kaya hindi na siya nakapunta.
Hindi na bumaba sina ate pagdating sa dorm. umakyat na ako at agad tumungo sa kwarto nina Carol. Nababalot ito ng kumot hanggang ulo ang nanginginig. Dinama ko ang noo at leeg niya angtaas ng lagnat ni Cerveza.
“hmmm…”ungol niya habang nakapikit.
“nandito na ako…”haplos ko sa buhok niya.”kumain ka na ba?”
Umiling siya.
Inayos ko ang pagkakakumot niya.”idlip ka muna pagluluto lang kita…”
Naghanap ako ng pwedeng iluto sa ref. soup naman ang dapat kong iluto diba? Pero hindi siya mahilig sa soup baka isuka lang niya e. ayaw niya ng flavored soup pag may sakit siya.
Back to basics. Lugaw 101 to. Habang nakasalang ang kaserola ay naglagay ako ng tubig sa palanggana at bimpo para ipunas sa katawan niya nang bumaba naman ang kanyang lagnat.
Mahimbing ang tulog niya habang pinupunasan ko siya. pabalik-balik rin ako sa kusina para tingnan kong maayos yun niluluto ko. pagbalik ko sa kwarto ay nasa gilid na ito ng kama at sumusuka.
Maagapan ko siyang nilapitan at hinagod-hagod sa likuran. Bumulak sa sahig ang suka niya. Carol naman e. tsss. Inilagay ko yung palanggana sa tapat niya para du nsiya sumuka. Panay lang ang hagod ko sa likod niya.
“ano ba kasing nangyari sayo?”
Umiling siya.”wala to…”
“ano wala? Para kang mamamatay na diyan e…”
“saka mo na ako seromonan please…”sumuka ulit siya.
Nilipat ko siya sa kwarto namin para dun pakainin. Medyo hindi kagandahan ang amoy sa kwarto nila gawa ng pagsusuka niya.
Sa kama ko siya nahiga.”huwag kang matutulog…kain ka muna…”
Tumango lang siya. nagriring ang cp ko sa may mesa.
“may tawag ka..”she said softly.
“maya na yan.”
Lumabas ako para kunin ang lugaw at yung gamot. Magmimid-night na pala. Napabuntong hininga ako. sumandal si Carol sa dingding.
“kaya mong kumain mag-isa?”tanong ko sa kanya.
Tumango ito.
“ako na nga lang.”lulubus-lubusin ko na ang pag-aalaga sa kanya.
Sumilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
“why?”
Umiling siya at namula ang pisngi. “sorry…”
“ok lang…oh kain ka…asin at luya lang nilagay ko diyan.ubusin mo ha? Tapos gamot rin…”
Nagsimangot ito.”ayoko ng gamot.”
Pinaningkitan ko siya. hindi nga rin pala siya agad nakakalunok ng tablets. Arte ng lalamunan mo Carol sarap mong sapakin. “e basta kumain ka na lang okei? Huwag matigas ang ulo.”
Naubos naman niya yung hinain ko sa kanya. Pero nung inabot ko yung gamot at tinakpan niya ang bibig niya. “ayoko…gagaling na ako kasi kumain na ako.”
“di Pwede…kailangan mo tong kainin.”
“please? huwag na lang…”pakiusap pa niya.
“tsss…”naglagay ako ng tubig sa kutsara at tinunaw yung tablet. Ganito ginagawa ni mama noon pag may sakit si Cienne e. arte rin kasi ni kambal sa gamot mas gusto ng syrup. Nang tunaw na ito ay itinutok ko sa bibig niya.”nganga.”utos ko.”tunaw na yan.”
Ngumanga naman siya. she took the med at drunk water. Ngiti hanggang tainga naman siya ngayon.”hindi mo ako matitiis no?”
Pinitik ko ang noo niya.”tulog ka na.naghahalucinate ka na naman.”
“thank you…”
“welcome…”tipid kong tugon sa kanya. Tinulungan ko siyang humiga at kinumutan.”sleeptight…”
“saan ka matutulog?”
Tinuro ko yung bed nina Mika.”linisin ko muna yung kalat mo sa kabilang kwarto.”
“sorry…”
“yaan mo na…pagaling ka na lang…”inayos ko ang pagkakakumot niya.tumingin ako sa relo ko.”1:00 na… maggagamot ka pa mamayang 4:00…”
“oa naman….”simangot niya.
Wala akong pakialam! Dapat makainom siya ng gamot on time. Hindi ko na siya pinansin basta lumabas na lang ako ng makatulog na siya. matapos kong linisin ang kwarto nina ate Cha ay naligo na rin ako para makahiga na rin. may training pa mamaya kailangan ko ring magpahinga.
Humiga na ako sa kama nina Mika nang maalala ko yung phone ko.
Angdaming missed calls from Rence. Kinakamusta rin ni ate Cha si Carol. Siya lang ang nireply ko. inilapag ko na ang phone ko nang tumatawag na naman si Rence. Kinansel ko ito dahil baka magising si Carol. Tinext ko na lang siya
Me: SLR. May ginawa lang.
agad naman itong nagreply.
Rence: bkt ndi k pa n22log?
Me: patulog na ako. sori ulit.
Rence: ok.i was just worried.goodnight.i love you.
Hindi ko na siya nireply. Nilapitan ko lang si Carol at dinama kung may lagnat niya. inayos ko ang kumot niya bago ako muling nahiga.
Naunahan ko ang alarm clock ko ng gising. 3:45 exactly. Kumuha ako ng tubig at gamot. Ginising ko si Carol para uminom ulit ng gamot.
“gising ka muna…gamot ulit…”yugyog ko sa kanya.
Bumangon naman ito agad. Tinunaw ko na nga pala yung gamot para hindi na siya mag-inarte.
“kumusta pakiramdam mo?”
“mas ok na…”
Humiga na ulit siya.”huwag ka munang mag-attend ng training mamaya ha?”
She pouted.”mag-aattend ako.”
“adik ka ba? Mabibinat ka lang e.”
“de aalagaan mo ulit ako.”
“I wont! Bahala ka…kung magkasakit ka ulit pababayaan na kita!”
“fine. Di na makikitraining.”simangot niya.”dun ka na…mahawa ka pa e.”tulak niya sa akin
Ayoko ring mahawa no? kaya lumipat na rin ako ng higaan. Tumalikod ako at niyakap yung unan ni Cienne.
“cams…”
“hmmm…?”
“sorry angtagal kong hindi nagpakita.”
Hindi ko siya inimik. Hindi ko rin naman kasi alam ang dapat kong sabihin e. kasalanan ko rin naman kasi yun. nagkunware na lang akong tulog. Pagaling ka na Carol anghirap mong alagaan e.
CAROL’s pov
Nagising ako sa mabagong amoy ng niluluto ni Camille. Agad akong lumabas at naupo sa may dining table.
“pagkain lang pala ang gigising sayo e…”pang-aasar niya.”kanina pa kita ginising…”
“good morning….”kontra ko sa mood niya.”ok na ako…pwede ng training.”
Humarap siya sa akin at dinuro ng hawal niyang syansi,”spiken ko yang mukha mo Carol..sabing mabibinat ka lang e.”
Nagpangalumbaba ako at nagpuppy eyes.”puhllleaassseeee….”
“no.”tiim baganag niyang tugon. Naghain na siya ng breakfast namin.”kain ka muna..maliligo lang ako.”
“sabayan mo kasi ako.”
“malilate na ako sa training.”pumunta siya sa kwarto. paglabas niya at dala na niya ang tuwalya niya.”oh bakit hindi ka pa kumakain?”
Inilayo ko yung plato ko.”wala akong gana.”
“ssshhheeessss…! Malilate na ako Carol… kain ka na kasi…”
“yaw.”
Ano pa nga ba Camille? Naupo na siya sa tapat ko.”kakain na…but make it fast okei? Ayokong mapagalitan ni coach.”
Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko. sumusubo na rin siya. “sarap naman…kinikilig ako…”
“push mo lang yan Carol…. Kain mo lang ng kain.”
Walang pang 10 minutes ay tapos na siyan kumain. “maligo na ako ha? Ako na maghugas ng pinagkainan mo. magpahinga ka after.”
--
Angtagal niyang maligo. Tumambay ako sa kwarto nila. Angboring. Nagbivabrate ang phone niya. chineck ko ito nagfaflash ang Rence.
Sino kaya ito? hindi ko naman sinagot yung tawag. Natigil na sa pagring ang phone niya at nag-apear na 20 missed calls na yung Rence.
Kumunot ang noo ko. bakit nag-aaksaya ng oras yung Rence sa pagtawag ng ganung karaming beses kay Camille.
Bumukas ang pinto at naabutan niya akong hawak-hawak ang phone niya.
“hmmm…may missed calls ka…si Rence…?”pinakita ko yung phone niya.
Wala namang kahit anong reaksyon sa mukha ni Camille. Kinuha lang niya ang phone niya at chineck.
“sino siya? manliligaw mo?”
Umiling ito.”kaibigan namin ni Mika.”
“close kayo?”
“medyo. Kakauwi lang niya from US.”
“ah okei…”nakakacurious naman kasi yung Rence. Gusto ko siyang makilala. Kung close sila ni Camille at kung gaano kaclose.”hmm..sama ko sa school…”
Kinuha ko yung unan ko at nagtungo sa pinto.”hoy…dito ka lang…wag ka ng sumama.”
“e basta…hindi ko magtitraining..manonood lang ako…”
hindi naman niya ako mapipigil e. mabilis akong naligo at nagbihis. Sinuot ko ang sling bag ko at off I go to their room.
“tara na?”yaya ko sa kanya.
Nag-iipit pa lang siya.”bakit excited ka pa kesa sa akin?”
“ee miss ko na sila e..”palusot ko. ineexpect ko kasing pupuntahan ka ni Rence! Kung balik bayan yun at ganun karami maka-missd calls siguradong gusto ka niyang Makita no. “angtagal mo… malilate ka na…”
Tinaasan niya ako ng kilay.”ikaw na atat.”
--
--
At gaya ng promise ko nagkasya na ako sa kakanood ng training. kakamiss ko na agad pumalo ng bola. Nakakastarstruck pag parehong naglalaro ang cruz sisters.
May mga dumating na mukhang kaibigan nina Mika dahil kumaway ang mga ito sa kanya. Kasama nila yung kapatid ni Kim.
Naupo sila sa kabilang bench sa tapat ko. yung kulang gray ang buhok nakatingin lang kay Camille sa court. Siya ba si Rence? Gwapo siya. Talo ka na ba Carol? Mukha rin siyang may-kaya sa buhay. TALO na yata talaga Carol?
“GO CAMILLLE!”cheer niya.
Siya nga siguro. Lakas ng cheer e. hinahayaan lang siya ng mga kasama niya. Maangas rin kasi ang aura nito.
Nagtawag ng break si Coach. lumapit sa akin si ate Cha samantalang si Camille nilapitan yung kararating lang kasama sina Mika.
“ok ka na ba?”
Tumango ako.”better that last night…”
“ang-gloomy mo na naman…”baka nabinat ka.
Umiling ako.”ok lang po…sino yun?”nguso ko sa kabila.
“mga kaibigan namin. sina Den, Vio at Rence.”
Papalapit sa amin sina Camille. Naupo siya sa tabi ko at dinama ang noo ko. “ok ka pa ba? Hindi ka nahihilo?”
Tinanggal ko yung kamay niya sa noo ko.”ok lang… baka magselos yung boyfriend mo.”
Natawa si Cienne.”luuh kambal…hindi ba alam ni Carol?”
“anong alam ko na?”pagtataka ko naman.
“babae si Rence…”pagbubunyag ni cienne.”lesbian..kita naman diba?”tawa pa niya.”hea over heels pa yan kay kambal kaya nga bumalik e..”
Tahimik lang si Camille na nagpupunas ng pawis niya.”angdaldal mo kambal.”
“e totoo naman…katawagan ko kaya siya kagabi…hindi mo sinasagot ang tawag niya e yan…ako na lang ang pinagtiyagaan.”
Angsama ko ba? Nangiti ako sa sarili ko e. kasi busy siya sa akin kagabi kaya hindi niya yun sinasagot.
--
--
CAMILLE”S POV
Natapos ang traning. May mga bilin pa si coach sa amin bago kami dinismiss. Pero pinaiwan ni coach sina Ara at Carol. Papalabas na kami ng gym. Nakaabang yung tatlo. Lumapit ito sa amin. Siniko ako ni Cienne.
“for you.”abot ni Rence ng bulaklak sa akin. “you did great kanina.”
“thank you.”
“bawi-bawi rin pag may time Rence e no?”akbay ni Kim sa kanya.”yan tayo e… yam… gusto mo rin ng bulaklak?”baling nito kay cienne.
“gugustuhin ko pa ng pagkain no… hindi ako mabubusog diyan.”
“oh Kim..alam na? gulpihin ang lahat ng eggpie…”pang-aasar ni mika dito.
“uhm..Camz… can I have this day with you?”yaya ni Rence.”ate Cha…pwede naman diba?”
Tumango naman si ate. Kausap pa nga pala ni coach sina Ara At Carol.
“Camille?”ulit ni Rence.
“Gora nay an Camille! Ituloy ang naudlot na pagmamahalan.”kantyaw ni Mika.
Tinanguan langa ko ni ate Cha. parang sinasabi niyang subukan ko kung ano ang mararamdaman ko. fine. Sumama na ako sa kanya.
Angtagal kasing lumabas nina Carol.
“saan mo gustong pumunta?”tanong niya.
“ikaw nagyaya diba? Ikaw bahala.”
Ngumiti lang ito.”angsungit mo talaga oh..”
Nagpatugtog siya. lutang ko! bukod sa puyat ay inaalala ko si Carol. Bakit ba Camille? Si Carol lang naman yun diba? Pero yung nga e. SI CAROL KASI YUN!
Nagvibrate ang phone ko. pagkabukas ko ay message galing kay Carol.
Cerveza: you left already. :”>
Me: sorry… umuwi ka na ha?
Cerveza: I will. Take care PaKo.
Me: huh???
Anong pako na naman ang trip nun? Nagkunwento si Rence pero loading ang feeling ko. nagvibrate ulit ang phone ko.
Cerveza: pako… PAngarap Ko. :””>
Anak ng lagnating alak tong Carol na to. nakuha pang bumanat e! pwedeng ngumiti? 3 seconds lang.
“are you happy?”singit sa moment ni Rence.
Tumango ako.”yap…”angkorni kasi ng ni Carol e.
CAROL’s pov
Nakita kong umalis sina Camille at Rence. Pabalik na kasi kami nina Aras a team e. wala namang nakakaalam na may nakaraan kami ni Camille bukod kay CIenne at ate Cha.
Tago-tago rin ng selos pag may time.
“oh saan yun pupunta?”tanong ni Ara.
Si mika ang sumagot.”date with powerpuff girl…”
Tawanan sila. Uwi na nga pala ako pero nagyaya pa sila sa QE. “sama ka na Carol. Sabay na tayong umuwi sa dorm mamaya.”said ate MICh.
Pagdating sa QE ay maingay na naman kasi. Sila actually wala kasi ako sa mood. Parang angsama ng pakiramdam ko.
Naka-uniform na rin si mika. Nagseserve na siya sa table 10 nang pumasok ang ilang PPU Women’s Volleyball players.
Nasa may dulo kami pero parang namagnet ang mga tingin namin sa kanila. especially Cienne dahil kasama nila si Mela.
Pero isang pang ikinagulat namin ay nung yumakap na parang excited na excited yung isang player kay Mika. Hinalikan pa niya ito sa pisngi.napakamot lang sa ulo si Mika.
“parang pinapasok ng PPU ang mga territory natin.”sabay inom ni Cienne.
“COPY RIGHT PROTECTED na yan si Mika.ALL RIGHTS RESERVED na.”natatawang sabat ni Ate Mich.
“si Kim nga nagawa pang maconfuse….si Mika pa kaya?”sabat ni Cienne. Pero pinapatamaan lang niya si Kim na napayuko na lang.
Hindi naman naimik si Ara.
-
-
AN:
Do vote po guys.ahe. :”) para ngiti ngiti rin pag may time. Hehe