12

1325 Words
12  -- Camille’s pov “sino si Carol?”muling tanong ni Rence. “ano..kwan..kaibigan ko nung high school.” “noon? Or since? Close friend mo? inaasahan mo siya ngayon?”sunod-sunod na tanong niya. “bakit ba angdami mong tanong?saka akong ginagawa mo dito?” “trying to be with someone I miss a lot?”ngiti niya at inilahad ang kamay sa akin.”balikan na natin sina Cha.” So alam niya na nandito rin sina ate? Nakalimutan ko kung may gusto siyang alamin kaya niyang gawan ng paraan. Agent nga pala tong taong to. pinalo ko ang kamay niya alam naman niyang hindi ako mahilig makipagholding hands. Natawa lang siya.”you never change…” Hindi na ako umimik. Bigla kong naisip si Carol. Weird mo biglang Camille bakit sumagi sa isip mo si Carol ngayon si Rence ang kasama mo. “hey rence!”nag-apir sila ni Arden.”long time no see…kumusta ang Kingfisher?” Long time no see? E lang buwan lang yung wala siya. two? Three months? Sa mga panahong yun hindi man lang siya tumawag o nangamusta kaya nga sumama ang loob ko sa mokong na to e. “it’s still that damn gangster academy thing. nakakapagod makipag-away dun parang wala silang kapaguran.” Natawa si Arden.”yun naman ang gusto mo diba?” Umiling si Rence.”im done with my mission there… dito na ulit ako sa Pilipinas. Back to training with Vio and Den.” “ano? Bakit? Paano si Tita mo?” sunog-sunod kong tanong. Parang ayoko yatang nandito si rence? Ano bang kinakatakot ko ha? Come on camile diba may pagtingin ka sa kanya? How come you feel so awkward right now? “sorry…”hingi ko ng tawad dahil pinanlakihan ako ng mata ni ate Cha. impolite na naman ako e. “she died nung nasa US kami. hindi na naagapan yung sakit niya.”malumanay niyang paglalahad. “sorry.”I softly said. “it’s okay…life goes on.”she sighed at smiled.”so let’s go? Papunta na rin sina Vio sa Richmans” Inalok niya akong makisabay sa kanya papunta sa RV pero mas pinili kong makisabay kena ate. Tahimik ako habang nasa byahe. Nakatanaw aln ako sa labas. Paminsan-minsan ay chinicheck ko ang phone ko kung naligaw na text. “yung isa diyan tahimik…”pang-aasar ni Arden.”kinikilig ka na ba bhe?” bhe nga pala ang tawag niya sa amin ni cienne. Nakikihipag na yan e. “ewan ko sayo.” “bhe.”tawag ni ate Cha sa akin.”anglalim ng inisip mo. baka ginagawa mo lang kumplikado ang mga simpleng bagay…relax ka lang.” Hindi ko na pinansin ang mga pang-aasar nila. Nakarating na kami sa bahay nina Ate JM. Nandito na rin sina Kim at Cienne. Nakikipagkulitan sa mga bata habang nag-uusap sina ate JM at mga kaibigan niya sa may sala. Parang reunion na lang tong nagaganap ngayon. nandito na rin kasi sina Vio at Den. “sa wakas hindi na maiinggit si Camille pag may mga lakad tayo. May partner na siya.”akbay ni Arak ay Rence. “hey…no touch!”reaksyon ni Mika. Kita mo nga pati si Lhan na karga niya e masama ang titig kay Rence at Ara. Nagkulitan lang ulit kami kahit medyo awkward na tinutukso sa akin si Rence. tumulong si ate Cha kay ate Liam para magluto si Arden naman tinawag nina Ate JM. “hindi ka ba masaya na bumalik na ako?”biglang tanong ni Rence. “ha? Ano ba namang klaseng tanong yan Rence…siyempre masaya ako.” Ngumiti siya. genuine smile na naman ng Rence na nagpakilig sa akin noon. Kailangan ko bang i-emphasize yung noon? “Panu na yung sigaw mo noon Cams?”pag-uumpisa ni Mika.”hooooooh…ako lang walang partner!”panggagaya niya sa akin. Tampulan na ako ng tukso ngayon. gustong gusto nila akong ipahiya sa mga linyang kong ganun. “heeey…young lady…huwag mo namang asarin si Camille..nandito na ako e..hindi ko na siya iiwan.”kindat sa akin ni Rence. “yan tayo e….”sabat ni Kim.”banat-banat rin lagi rence…matagal ng walang kilig sa katawan yan e.” “kayo? Lately wala na akong nababasang kakornihan niyo sa sss ah.”balik tanong ni Rence kay kim at cienne. “hayun kasi…ganito yan.”sumabat si Calvin.”itong ate ko kasi…naglumandi..hayan…hiniwalayan ni Hipag kong maganda.” “whatta…anong naglumandi ka jan!”kukutusan sana niya si Calvin pero nagtago ito sa likuran ni VIo.”naku…papansin ka na naman Calvin.kakalbuhin kita mamaya makikita mo.” “huwag mo nan gang kawawain si Calvin.”awat ni Cienne sa kanya.”totoo naman yung sinabi niya e.”natatawa nitong sang-ayon.”medyo naglumandi ka nga.” Natahimik na si Kim. “hoooh..lumayo kayo kay Kimikimi…magtatransfor nay an!”urong ni Ara. Kahit sa hapag kainan ay hindi natigil ang pag-aasaran nila. Ako lang yung hindi gaanng makarelate. Walang-wala ako sa huwesyo ngayon. “Mika,”tawag ni Ate May ng pansin niya.”we thought of this idea na every week end iiwan namin sa inyo ni Ara ang mga bata. We will pay for your time. Medyo busy kasi kami ng ilang linggo, ok lang? until the birthday of Meg lang naman.” “sa bahay niyo ba?”tanong ni Mika. “dito na lang.”sabat ni ate JM.”nandito rin si yaya parang tulungan sila. Since sigurado naman kasama niyo si Liam para sa pagpaplano ng birthday ni Meg.” “uhm better idea.”sang-ayon ni ate Kath.”ano bebe? Ok lang? “ “Ara?”baling ni Mika kay Ara. “hooh..bahay-bahayan ito..”kantyaw ni Kim.”Sali tayo Yam.” “Yam mo mukha mo.” “AWKWAAAARDDDD”sabay naming pang-aasar ni Calvin. Sumubo na lang ulit ng pagkain si Kim sa pikon niya. pumayag naman si Mika at Ara. Tutal pandagdag budget rin daw yun sabi ni Mika. Matapos ang dinner ay niyaya ako ni Rence na magpahangin muna sa labas. Serious talk I guess? Naupo kami sa may gutter ng kalsada. “are you okay Camille? Parang hindi ka masayang nakita ako e.”malungkot niyang tanong. “hindi sa ganun. Hindi lang ako makapaniwalang nandito ka na ulit.” “ako rin naman. nung pagdating ko sa Kingfisher gusto kong hilahin ang bawat araw para matapos ko na ang task ko doon nang makauwi na ako agad.” “wala tayong closure Rence.”angprangka ko ba? Tsss. E sa ganito ako e. “anglabo ng mga nangyari…bakit ka umalis ng walang dahilan?” “meron. Alam mong agent ako diba? Lahat ng biglaang pag-alis ko may dahilan. Hindi ko lang pwedeng sabihin sayo dahil baka pati ikaw madamay.” “so ang biglaan pagsulpot mo parte ulit ng misyon mo?”pang-uusig ko sa kanya.”bumalik ka lang ba sa buhay namin dahil sa commitment mo sa trabaho?” Humarap siya sa akin. hinaplos niya ang tumulong luha ko sa pisngi.”ayokong nakikit kang umiiyak Camille. Bumalik ako dahil gusto ko…dahil miss na kita…” Mahal niya ako? seryoso ba to? ginugulo mo na naman ang damdamin ko Rence. “I still remember the first time I fell for you, I haven't gotten up since”she look straight into my eyes.”lagi kang nasa isipan ko Camille. You’re my strength when I was there. I want you to be mine alone…” “are you trying to tell me…” She nodded.”gusto kitang maging girlfriend… gusto kong patunayan sayo na kahit nawala ako sa tabi mo ikaw lang ang tanging minamahal ko…ikaw lang ang nasa isip at puso ko…” “Rence…” Ngumiti siya.”our feelings are mutual then Camille…pero kung nagbago man yung nararamdaman mo sa akin ngayon I am not letting you go..i will fight for what I feel for you. Payagan mo sana akong manligaw ” Tumango na lang ako sa gusto niyang mangyari. Pumasok na kami nang nagtawag si ate Liam. konting bonding daw bago umuwi. Habang kumakanta sina ate kath at Ate Jm ay nagbobrowse lang ako sa ipod ni ate Cha. Hindi naman ako mahilig sa music kaya ito na lang napagtripan ko. Kakalog-in ko lang sa sss at recent status ni Carol ang nabasa ko. Carol Cerveza Is dorm alone and sick :((( Angdaming comments like pagaling ka. anong nangyari pati yung ate niya nagcomment rin kung nasan ang mga kasama niya sa dorm. Ayokong gumawa ng eksena dito kaya si Ate Cha na lang ang nilapitan ko. “pwedeng sa dorm ako matulog?”bulong ko sa kanya. “bakit?” Pinakita ko sa kanya yung stat ni Carol. Tumingin siya kay Rence na parang sinabing paano ang gagawin ko sa kanya. “ate…” Lumapit siya kay Arden. Siguro ay sinabi niya dito ang gusto kong mangyari. Nung magpaalam na kami kena ate JM at inalok ako ni rence na siya na ang maghahatid sa akin. “ako na muna ang bahala sa kanila.”sabat ni Arden. “are you sure? “paninigurado ni Rence.”kena sir Brandon ba kayo uuwi? Convoy na lang tayo.” “no it’s okei… kita na lang tayo some other time.”sagot ni ate Cha. Wala na rin siyang nagawa. Pabalik na kami sa dorm. nalowbatt ang phone ko kaya hindi ko matawagan si Carol. Hiniram ko ang phone ni ate Cha. sa pangsampung ulit ko yata niya nasagot yung tawag. (hello ate Cha…bakit po?)pilit ang boses niya. namamaos pa. >>>mille to…kumain ka na ba? (mille… anglamig…) >>>be there in an hour… don’t worry… …        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD