11

1277 Words
11  -- Cienne’s POV Binilisan ko ang paglalakad ko para mahabol ko si kim. nakapamulsa siya sa jacket niya at nakatungong naglalakad. Batuhin ko na lang kaya to ng bag ng lingunin ako. Pssh. samu’t-saring tao ang nakakasalubong ko. halos mabangga ko na sila sa pag-aapura ako. “kimmah!”sigaw ko. Tumigil siya at nilingon ako. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. “may date ka pa diba?” Binilisan ko ang paglapit sa kanya.”hahabulin ba kita kung may date ako? Look… gusto kong mag-explain. Nasa sayo na kung maniniwala ka sa akin o hindi.” Wala pa rin siyang reaksyon. “Schoolmate natin si Syd… gusto lang niya akong samahan kanina… he just wanted to accompany me… “ “ok.” Urrrghhh… fine. Sinabi ko na ang part ko. wala na akong ibang dapat ipaliwanag sa kanya. “ok. Good. I need to go.” “saan ka pupunta?” “uuwi. Matutulog. Magpapataba. Magmomove on!!”sigaw ko sa kanya. Tumalikod na ako. Naglalakad na ako papalayo ng sinabayan niya ako.”ihahatid kita sa terminal.” “bahala ka. pupuntahan ko na lang sina Mika sa richmans’ ville.” Walang imikan hanggang sa makarating kami sa terminal. Marami nang nakapilang mga pasahero. kung bakit nga kasi hindi ko na lang hinila yung isang driver ni tito para ipagmaneho ako e. masaya rin naman yung magcommute kasi. Smiles. “haba ng pila. Nandun pa ba sina Mika?”tanong niya. “oo… kakatext lang ni Ara e… “ Tumingin siya sa relo niya.”4:00 na… aabot ka pa ba?” Hinarap ko siya.”yung totoo? Dinidiscourage mo ba akong tumuloy dun?” Napakamot siya sa ulo niya. Tsss. Adik mo Kim. yang mga ganyan mo e. kung lulusot susubukin. Naghintay pa kami ng ilang minuto. Nung kukunin ko na yung bag ko ay sumakay na rin siya sa bus. “akala ko ba ihahatid mo lang ako?” “nagbago ang isip ko?”ngiti niya. May lalaking nakaupo sa pandalawahan. Hinila ko si Kim dun sa tatluhan. Ayoko ng tingin nung lalaki kasi. Instinct ba? Anyways. Magkakalayo kami ng upuan nito. “dun na lang ako sa likod.”sabi ko sa kanya. May tumayo at tinawag ako.”cienney!” Si Syd? Ang gwapong syd.haha.dapat hindi mawawala yung gwapo talaga e. anggaan kasi ng aura ng psych student na to. Tinuro niya yung kinauupuan niya. “dito na lang kayo…” Hinila ko si Kim. Pinagitnaan nila ako. Hindi umiimik si Kim naglalaro lang ito sa phone niya. samantalang si Syd at nagmumusic rin. ako? Nga nga lang naman ang peg ko. “gusto mo?”along ni Syd sa earphone niya. Umiling ako. Tumingin ulit si Kim sa relo niya. nakakairita naman tong babaeng to. panay ang tingin sa oras. “may lakad ka?”masungit kong tanong sa kanya. Umiling siya.”gagabihin kasi tayo sa pag-uwi mamaya… tatawagan ko na lang sina VIo para daanan tayo dun.” “okei.” Tumunog na naman ang phone niya at nagfaflash ang number ni Mela. Tinititigan lang niya ito hanggang sa tumigil ang pagring nito. “bakit hindi mo sinagot?” “wala.” Nagring ito ulit. “sagutin mo…nakakahiya e…” Ginawa naman niya. “hello… sensya na… bukas na lang tayo mag-usap… may importante akong ginagawa e..okei.bye.” Pagkababa niya ay ibinulsa niya ang phone niya. medyo awkward yung feeling ngayon pero kinakaya naman. si Syd kanina pa nakatingin sa labas. Tumigil ang bus. Dito na kami baba lalakain na lang namin ang papunta sa Ville. Malapit na rin naman yun e. “dito ka rin bababa?”tanog ko kay Syd dahil tumayo na rin ito. “yeap…” Hinintay namin makaalisa ng bus saka kami tumawin. Same with Syd. Naiirita na si  Kim sa kanya. “sinusundan mo ba kami?”yan hindi na nakatiis. “nope.”kalmadong sagot ni Syd.”nagkataong sigurong pareho tayo ng pupuntahan.” “saan ka ba pupunta?”usisa ako. “richmans’ ville.” Co-incedent ha? Ngumiti lang ito samantalang si Kim naiinis na.”tutunganga na lang ba tayo dito? baka gusto niyong kuhanan ko pa kayo ng picture?” Tumawa lang si Syd.”we should be going. dadaanan ko pa yung kaibigan ni papa e… dun rin sa RV.” Nagtungo na kami sa RV. Tinawagan ko si Ara para sa direksyon hindi ko na kasi maalala yung papunta kena Ate JM e. halos pare-pareho kasi ang mga bagay dito. tsss. Kasabay pa rin namin si Syd baka magkapitbahay yung kaibigan ng papa niya saka sina ate JM. Sa wakas tanaw ko ang bahay nila. Nasa labas si Mika na karga ang isang baby. Medyo malayo pa kami kaya hindi ko maaninag kung sino ang batang yun. Lumabas rin ng bahay sina Ara at Ate JM. Wow? May mga karga rin sila at may nakastroller pa ha? “buti hindi kayo ginabi”bati ni Ate Jm sa amin. “hello tita!”humalik sa pisngi ni ate JM si Syd. o_O—kami “sila yung pupuntahan mo dito?”tanong ko. “yap.”ngiti niya. bumaling ito kay Ate JM.”pinapainvite po kayo ni mama at papa… monthsary nila sa 15 e,,pasabi na rin daw po kena tita Jai… pero pupuntahan ko rin po sila…” “dapat talaga personal?”ngiti ni ate JM. Tumango si Syd.”punta rin kayo Mika ha?” “surely! Pagkain rin yan..” “good…”yumuko ito.”uwi na ako po…see you around po…”naglakad na ito papalyo pero lumingon pa siya.”cienney! don’t quit…!” I hate dealing with psychology students. Ginagawa nila akong praktisan ng mga pinag-aaralan nila e. “papansin ..”bulong ulit ni Kim. “Ara! Don’t give up on us ha!”pang-aasar ni Mika. “tigilan mo na nga sila Mika…”saway ni Ara sa kanya.”oh Kim? galaw-galaw rin pag may time…” “ewan ko sa inyo..nagbahay-bahayan lang kayo e…anglakas na ng trip niyo…” “pasok na nga tayo.”sabay ni ate JM.”saka huwag kang mag-alala Kim. malapit na rin kayong magbagay-bahayan ni Cienne…”pang-aasar niya.”I just talk to your cousin last night desidido na silang mag-undergo ng surrogacy. Same process ng pagdadaanan ni jai and Zai…so let’s hope it will be a safe process for them.” “hindi na mangyayari yun ate…break na sila e…”panira ng moment ni Mika. “talaga?”hindi makapaniwalang sabi ni ate Jm. Tumango lang ako. Si Kim naman napatungo lang. Tumawa lang si ate JM.”don’t worry… magbabalikan rin ang mga yan… “ “pustahan tayo?”paghahamon ni Mika. “game.”ngisi ni ate JM.”kung magbalikan sila ibebreak mo si Ara.” “luuuhhh?”nanlaki ang mga mata ni Mika.”tulugan na to..lokohan na e.!” Ginulo ni ate Jm ang buhok niya. “magpinsan nga tayo… but seriously Kim and Cienne.”baling niya sa amin.”you’re still young… hindi karera ang lovelife para mag-apura kayo okey? Kung naghiwalay man kayo ngayon it doesn’t mean na hindi na kayo pwedeng magkabalikan pagdating ng araw…just take things slow…” “opo..”sabay naming tugon ni Kim. “yun oh…magbabalikan na yan bukas…”panggagatong pa ni Mika.”papunta na pala sina ate Cha dito… ayos to… makakarami ako ng kain…” Nakapasok na kami sa bahay nila a agad akong sumalampak sa sofa samantalang dinala nina Mika ang mga bata sa playing room. “cienne? Galit ka pa rin sa akin?”basag ni Kim sa katahimikan. “kung galit ako sayo hindi kita susundan kanina…hindi kita hahayaang sumama sa akin dito… “ “sorry ulit.” “new beginning Kim…” “manliligaw ako ulit..itatama ko lahat ng pagkakamali ko.” “things happened for a lesson… nangyari na mga yun hindi mo na mababago…kung manliligaw ka huwag puro salita…lagyan mo rin ng gawa…” Tumango lang ulit siya saka nanahimik. Mahal kita Kim. kailangan mo lang patunayan ang sarili mo ulit sa akin. -- -- Camille’s pov Walking zombie ang pakiramdam ko ngayon. anglakas naman kasi ng trip nina ate! Imbes na sunduin ako kena tito Brandon e puntahan ko na lang daw sila sa JMR.siguraong nagdidate naman sila ni Arden e. Sa food court ko sila pinuntahan. “tara na?”yaya ko agad sa kanila. Tumayo naman sila pero hindi pa pala kami aalis. Trip daw nilang magbowling. As usual dakilang ODD number ang peg ko dito. pagbigyan na nga lang minsan lang magkaroon ng quality time tong dalawa e. “Sali ka?”tanong ni Ate Umiling ako.”nakakatamad.” “ikaw bahala.” So habang nag-eenjoy sila ay nandito ako at nababagot lang. umalis na nga muna ako at naglibot-libot. Titingin lang ng kung anong pwedeng bilhin. Bumili ako ng ice cream at naupo sa may bench tapat ng entertainment area. Angtagal ng trip nila. Naghaharutan pa siguro ang mga yun. Tsss. Maya-maya ay may pumiring sa aking mga mata. Pssh.. adik na naman to e. hindi pa nawala-wala ang pangtitrip sa akin since High School. Pilit kong tinatanggal yung kamay niya.  pero mahigpit ang pagkakatakip niya sa mga mata ko. “carol..tanggalin mo na nga yan.” Tinanggal niya naman ito at nagblur ang paningin ko.”who’s Carol?” Paglingon ko ay hindi ako agad nakapagsalita. “Rence???” “Sino si Carol?”tanong ulit niya. -- AN: ahe… yun lang :”>  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD