10
Mika’s POV
Tahimik si Ara hanggang makauwi kami sa Dorm. nagfreshen up lang siya at agad natulog. Nauna pa nga akong nagising kaysa sa kanya.
Dinunggol-dunggol ko ang pisngi niya gamit ang daliri ko.”gising na moy…”
Nagmulat naman siya agad ng mga mata niya.”anong oras na ba?”
“7:30 na po…”
Napaupo siya at nag-inat. Tinaas niya ang mga bisig niya at ngumiti sa akin.”yakap?”
Ako pa ba ang tatanggi sa yakap ng mahal ko? umusog ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “If you more today moy…”bulong ko sa kanya.
“I love you too moy…”
I kiss her forhead and pinch her nose.”bangon na… “
Lumabas ako ng kwarto para tulungan sina ate Wensh sa pagluluto ng breakfast. Tutulong nga ba ako or magkukwento na lang?
“may pwede ba akong maitulong?”
Tiningnan lang ako ni ate wensh.”sigurado ka? the last time you helped sunog ang pagkain e…”
Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras.”e that was months ago. Nung hindi pa ako independent… kaya ko na ngayon … swear.”
“you sure with that?”
Tumango ako. Iniwan nga niya ako at ako na naghanda ng breakfast namin. tinawag ko na lang sila nung luto na ang lahat at ready na rin ang hapag kainan.
“makakain ba mga to?”pang-aasar ni Ate Aby.
“Moy? Sigurado k aba sa mga pinaggagagawa mo dito?”dagdag ni Ara.
“order tayo sa jolibee!”sabat ni ate Mich.
“angsama naman nun.”simangot ko.”ang-harsh niyo sa akin ah.”
Ginulo ni ate Mich ang buhok ko.”joke lang mikababy…”naupo na kami para kumain.
Si Kim matamlay at halos hindi ginagalaw ang pagkain niya. tinext lang ako ni cienne to look over her. she still cares pero siyempre minsan kailangan niyang iparamdam kay Kim ang absence niya.
“kimikimi kumain ka kaya?”
“wala akong gana.”tugon nito.
“gusto mo ng lason? Angtanga mo naman.”Carol bluntly suggested.
Siniki siya ni Ara.”harsh mo.”
“I hardly know you…so don’t you talk to me like that.”galit na baling ni Kim sa kanya.
“hell I care? Sa tingin mo babalik si Cienne sayo kung magkakaganyan ka? baka nga bumalik siya pero awa na lang ang mararamdaman sayo…”tumayo ito.”kung sa bagay nakakaawa ka naman talaga..trying to hold on to your past and present…”
Tuluyan na itong pumasok sa kwarto nila at paglabas ay may dala-dalang bag.
“saan ka pupunta?”tanong ni Ate Abi.
“may kikitain lang po.”umalis na rin siya.
“wala siyang respeto.”ngitngit ni Kim.
“hindi Kim… tama naman ang sinabi ni Carol. Masakit lang kasi totoo.”said ate Mich.”habang maaga pa ayusin mo na yan. If you want cienne back. Unahin mong kausapin si MEla. Clear things with her. pati yang feelings mo. “
“true that.”sang-ayong ni Ate Wensh.”at huwag mong gutumin ang sarili mo.”
Tumango lang si Kim.”thank you…”
Pi-nat ni Ara ang balikat niya.”kimikimi..hingi nga ng chics…nang ma-feel ko yang nararamdaman mo…”tawa nito.
“whattaheck?!”reaksyon ko. tinginan silang lahat sa akin.”kulang pa ba ako na chic mo? ipagpapalit mo ako? Harap-harapan?”
“hindi kita ipagpapalit no? dadagdagan lang kita….”ngiti niya sa akin sabay kindat.
“tsss…”nakakapikon tong si Ara. Kainis ha? Sinusubok ba niya ako? “gagawin ko rin…dadagdagan rin kita.”
“ok.”ngiti ulit niya.
Walang epekto? Okei lang kahit mambabae ako? As if naman gagawin ko no? hindi ko rin naman yun kaya.
Nagcommute kami. sanayan lang naman to e. mga dalawang oras rin ang byahe bago kami nakarating sa richmans’ ville. Nilakad namin papunta sa bahay nina ate JM. Nakaparada sa tapat na bahay nila ang kotse ng mga kaibigan niya.
“parang alam ko na kung bakit tayo pinapunta ni ate Jm.”
Pagpasok pa lang namin ay nagrarambol na ang mga bata. Nandito nga pala sina Ate May at ate Kath. Kasama ang mga anak nila.
Ang mga anak ni ate May. Sina Zolle Xeres (3 years ol) at si Maea May(2 years old). Gumagapang na sila at nakikipaglaro kay Kyle Lenard (2 years old) na anak naman nina Ate Kath. (if ur interestedmsee pics on my f*******: account :”)
“good morning…”bati namin sa kanila.
Mabilis namang gapang lakad sa amin nina Zolle at Maea. Kinarga namin sila NI Ara.”I guess may lakad kayo?”
“galing mo talaga bebe.”lapit sa amin ni Ate Kath na kinarga si Kyle.”maiiwan naman si JM …siya na muna kasama niyong mag-aalaga sa mga chikiting… nandiyan rin si Manang para tulungan kayo.”
“okei fine…I got it.”
Umalis na rin sila kasama si Ate Liam. bonding time daw nila. Kahit gustuhing sumama ni ate JM isang malaking bawal ang sinupalpal ni ate Liam sa kanya.
“so this is time to rumble?”biro ko kay ate JM.
“no choice… excited sila sa birthday ni Mheg kaya hayan… sobrang aga kung magprepare…”
Birthday na nga pala ni Mheg this May. Ganun talaga si ate May. Nung birthday nga ni Zhes halos tatlong buwan ang preparation e. I attended that party pero saglit lang. Nung dumating sina papa umalis na rin ako.
“moy! “tawag sa akin ni Ara.”tulong naman?”
Nagmadali akong pumasok. Karga ni ara si Zhes habang nasa crib si Mheg.
“you look lovely moy…”
Pinaningkitan niya ako ng tingin.”hay naku Baks… magtimpla ka nga ng gatas at parang gutom na tong si Mheg.”
NIlapag naman ni ate JM ang kambal sa playing area nila sa kwarto. pinuno niya ng toys at saka siya naupo para bantayan ang mga ito. inilapag ko na rin si Ken dun. Hindi pa man din nakakatagal ay natapunan ni Lhan ng chocolate drink ang damit ni Ken.
Kumawala na naman sa bibig niya ang walang humpay na pag-iyak. Oh my god! yun lang ang nasambit ko dahil pinalo niya ng plastic hammer si Lhan. Hindi naman umiyak si Lhan pero agad siyang kinarga ni Ate Jm.
“palitan mo ng damit si Ken.”utos niya sa akin.
Kinarga ko si Ken habang tuloy lang ang paghikbi nito. Pinapatulog naman ni Ara si Mheg. “huwag kang magsimangot moy…”ngiti niya sa akin.
Nakatulog na sina Ken at Mhen samantalang nakikipaglaro na si Zhes sa kambal. Naupo kami sa sahig ni Ara habang pinagmamasdan ang tatlo sa playing area.
Mga toy cars ang nilalaro nina Jhel at zhes samantalang si Lhan naman ay yung sword na umiilaw.
“anghyper ng mga pamangkin mo Moy..”komento ni Ara habang sumusubo ng fruit salad.”anglilikot.”
“oo nga e… nagkakahawaan na yata ang mga to… “
Sumandal sa balikat ko si Ara.”15 minutes moy…then sunod kang umidlip…”
Pero wala pang limang minuto ay umiyak na si Mheg. Napabalikwat si Ara at agad tinapik-tapik si Mheg sa may hita para makatulog. Nag-lalluby rin siya.
“kaya pa moy?”
“oo naman.”ngiti niya sa akin.”iprepare mo na foods nung tatlo…”
Tinawag ko na sina manang para bantayan sina Jhel habang ihahanda ko ang meryend namin. alangan ang mga bata lang ang kakain diba?
Naabutan ko si ate JM na kumakain.
“yan tayo ate e…ikaw lang ang kumakain…paano kami?”
“e mukhang nag-eenjoy ka pa sa bahay-bahayan niyo ni Ara e.”biro niya.
“oa namang bahay-bahayan to? limang bata agad? Pwedeng isa-isa lang?”
Tinuro niya yung upuan sa tapat niya. usapang matino na to. “kumusta ka?”
“ano ba naman yan? Ok ako no…”pagyayabang ko dito.
“seriously? Are you ready this school year? Sabi ng registrar nag-inquire ka kung pwedeng hindi mo ienroll lahat ng required subjects mo… madidelay ka ng paggraduate Mika.”
I sighed.”ok lang..kahit delayed basta makakagraduate rin.”
“papatayin mo ang sarili mo niyan Mika… siguradong subsob kayo sa training niyan..tapos magtratarabaho ka pa…”
“ok lang yun…kaya ko naman e…”
“kaya mo? o gusto mo lang isiping kaya mo? kahit hindi sabihin ni Ara nag-aalala yun sayo.”
“alam ko yun… “I sighed.”pero ate Jm… Kaya ko to… “
Tumayo siya at pi-nat ako sa balikat.”you’re a reyes..i know you can get through this… just call me when you need help okei?”
Tumango ako. Kaya ko nga bang pagsabayin ang mga bagay na gusto ko? “kumusta sina papa?”
“he’s fine…don’t worry…”tugon niya at bumalik na sa kwarto ng mga bata.
ARA”s pov
Angkukulit ng mga batang to pero naeenjoy ko naman. nakatulog na ulit si Mheg at sina manang na ang bahala sa kambal at kay Zhes.
Nililigipit ko lang ang mga gamit sa sahig nang pumasok si ate JM.
“you okay?”tanong niya sa akin.
“opo… “
Kinarga niya si Jhel at isinakay sa stroller.ganun rin sina Lhan at Zhes.”you want some cakes kiddos?”
“asasdiawadagsw”
Siguro gusto nga nila no. baby language. Tinulungan ko siya sa paglalagay ng bib sa mga bata.
“how are you Ara?”
“ok naman po…”tugon ko sa kanila.
“huwag ka sanang magsawang unwain si Mika ha? You’re all she needs…”
“sana nga po magampanan ko yung expectations niyo sa akin…”
“wala naman akong ineexpect sayo bukod sa palaging pagsuporta sa kanya.”ngiti ni ate JM.”she had change…naging mas mature si Mika… yun ang hindi nakikita ni tito Miguel..sa mga mata nila she’s still that young little girl na kayang-kaya nilang pasunurin sa mga gusto nila…”
“galit pa po ba ang mga magulang niya?”
Tumango si ate JM.”normal lang yun… hindi lang naman dahil sa pareho kayong babae kaya sila nagagalit… it all started when her older brother meet someone… minahal niya ito… galing rin siya sa mahirap na pamilya… ang buong akala ni Migs mahal siya nito pero natuklasan nina tito miguel na ginagamit lang siya nito dahil sa pera…”
“at tingin nila ganun rin ang pakay ko kay Mika?”
“sad to say oo…”bumuntong hininga ito.”hindi ko sila masisisi… they just wanted to protect their daughter… migs undergone depression when he found out about it… kinailangan siyang ipadala sa ibang bansa para tuluyang makamove on… “
“kaya po ba gustong ipakasal si Mika kay ALwyn?”
“oo… parang tunay na anak ang turing nina tito miguel kay Alwyn… kaya siya ang unang choice nila for Mika.”
I sighed.marmol pala ang kinakalaban namin ni Mika. Lahat na against us. Parang planado na ang buhay niya sa piling ni Alwyn.
“natahimik ka?”
“wala lang po… natatakot lang ako na baka isang araw marealize ni Mika na hindi pala akong worth it para ipaglaban…”
“then show her that you’re worth all her sacrifices…”
Natigil na ang usapan namin nang bumukas ang pinto at pumasok si Mika na may dala-dalang pagkain.
“angseryoso naman ng usapan niyo…”
“pinag-uusapan namin kung paano ka niya pipikutin..”pang-aasar ni ate JM.
“kailangan pa ba yun?”tugon ni mika at naupo sa tabi ko. ngumuso siya sa akin.”kiss na moy oh…”
Binato siya ni ate JM ng bib.”style mo Mika…”
“pareho sayo???hahahahha”
--
--
CIENNE’s pov
Lumakas akong mag-isa. Since ayoko namang maging pabigat sa kambal ko. pagkatapos kong dumaan sa church ay namalagi ako sa isang ice cream shop.
Strawberry flavored with choco ang inorder ko. parang gusto ko ng eggpie >_<. Tsss. I miss her. sumubo na lang ako ng ice cream.
“hello… miss can I join you?”
Pag-angat ko ng mukha ko…ibinaba ko ulit...pero inangat ko na naman. wth? Bakit anggwapo niya? opps..ano na ba yung sinabi ko?
“kung pwede? Schoolmate naman tayo e…”
Schoolmate daw? Hindi ko siya kilala e. hindi ko siya iniimik. Inilapag niya sa mesa yung order niya at may kinuha sa bag niya. halla? Baka holdaper tong gwapong to? creepy.
Tatayo na sana ako pero naagapan niya akong mahawakan sa kamay. Shivers bakit nangilabot ako. Anglambot ng kamay niya. lalaki ba to?
“wait…sorry…did I scare you? Here oh.”inabot niya yung registration form niya.
Binasa ko ito nang maigi. Syd Aaron Dominguez, second year, BS psychology, address..blah blah.
“I’m a transferee… galing ako sa hindi sikat na universiry… nirecruit ako ng basketball team ng mhei zhou so I was able to enroll there…”paglalahad niya.
“what made you think that I will trust you?”
“nothing. Gusto ko lang kumain ng ice cream at nakakabore pag ako lang mag-isa…so since I saw you..and I know who you are…naglakas loob na akong lumapit sayo…”
“anglakas ng loob mo no?”
“yeah I know..”ngiti nito. Why so cute when you smile you stranger.”so can i? ok lang kahit hindi ka magkwento… sikat naman e..i follow you on twitter also…”
“stalker”pabulong kong sabi.
“fan lang… don’t worry… wala akong gagawing masama no… “
Blah blah blah. Nakaupo na nga siya sa tapat ko. angjolly ng mga kwento niya kahit hindi ko gaano naintindihan. Angkulit kasi niya maya-maya iba na naman ang topic.
“uhm…you wanna hear a story?”
“about what?”
Ngumiti ito.”about a king who waited long years to be with his family…”
“uhm…fine..nabobored naman ako..game…”
He pouted.”napipilitan ka lang e…”
Halla? Bata lang? nakuha pang magpacute e. masakyan nga ang trip nito.”game…if nagusuhan ko ang kwento mo lilibre kita ng isa pang serve ng ice cream…”
“talaga? Sige…”umayo siya ng upo.”nung unang panahon..mayroong isang mahirap na lalaki…tapos nagkagusto siya sa isang prinsesa…pero yung mga magulang ng prinsesa ayaw sa kanya dahil mahirap lang siya…pinaglayo sila ng mga magulang nung prinsesa.”
“oh tapos?”
Sumubo ito ng ice cream muna bago itinuloy ang kwento.”binigyan ng amang hari ng malaaking pera yung lalaki at magpakalayo-layo na ito…ang hindi alam ng mga magulang nung prinsesa nagdadalang-tao na ito. “
“lumayo naman yung lalaki?”
He nodded.
“ahy tanga…”violent reaction ko naman.
“hindi pa kasi tapos yung kwento…”simangot na naman niya.”ginamit nung lalaki yung pera para makaahon sa hirap… bumalik siya sa kaharian nung naging mayaman na siya… peo huli na ang lahat…”
“patay na yung prinsesa?”
“hindddiiii…”
Natawa ako sa mukha niya e. bata lang talaga.
“umalis ng kaharian yung prinsesa…hinanap niya yung lalaki..pero hindi na niya ito nakita…namuhay siyang isang normal na mamamayan sa isang kubling lugar kung saan hindi siya makikilala.”
“anyare sa lalaki?”
“umasa yung lalaki na babalik siya sa dati nilang tagpuan… sa tuwing sasapit ang ika-labing lima ng buwan at nagpapalipas siya doon ng gabi at nagbakasakaling darating yung prinsesa niya… “
“dumating naman?”
Umiling siya.”imbes na ang prinsesa niya ang dumating ay isang nilalang na naghahanap rin ng tunay na pag-ibig ang nakilala niya.”
Nagiging interesado na ako sa kwento ng unggoy na to ah.”tapos?”
Ngumiti siya.”nangako yung nilalang na tutulungan niya ito sa paghahanap sa prinsesa. Sumapit ulit ang ika-labinglimang araw ng sumunod na buwag at nagkita ulit sila nung bago niyang kaibigan. Dinala siya nito sa isang maliit at mapayapang komunidad. Sa tapat ng isang simpleng bahay ay muling nagtagpo ang lalaki at ang prinsesa kasama ang anak nila.”
“wow..happy ending…”
“hindi no..wala namang happy ending e buhay e… nag-end na ang sufferings nung lalaki at prinsesa at nagsimula ulit ang buhay nila kasama ng kanilang anak.”
“okei fine…benta na…anong flavor gusto mo?”
“uhmm…nothing… just your smile and I’m solve.”
“angkorni mo..sige na…natuwa naman ako sa kwento mo e.”
Tumayo ito.”gusto ko yung sorbetes sa park…”hinigit niya yung bag niya.”and I think you need time to unwind too?”
Damn. Psychology student nga pala tong kaharap ko ngayon. “sige…”
Ngumiti ulit siya. nakakatunaw yung ngiti mo hayop ka. “lesgo then…”
Paglabas namin ng ice cream shop ay natigilan ako dahil nakatayo sa harapan ko si Kim. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Syd. Yung mga tingin niya parang may ibang gustong sabihin. Anong gagawin ko?
“it’s not what you’re thinking…”basag ko ng katahimikan.
“sorry… gusto ko palang magkape…mali ang napuntahan kong lugar…”tumalikod ito at umalis.
Shit.bakit hindi ko siya magawang habulin? Why do I feel like so stuck here. Nakaramdam ako ng pagtulak sa likuran ko. paglingon ko ay si Syd na nakangiti.
“go… don’t waste any chance you have… “
umiling ako.”hindi ko pa kaya… sa tingin ko hindi pa tamang panahon.”
“but you think you need to explain things to her right?”
I nodded.
“then go… “inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin.”thank you… see you around… cienney…”
Nakipagkamay ako at agad na sinundan si Kim. naku kim mapapatay kita. Psssh.. galit ako sayo pero mahal pa rin kita.
--
--
thank you for supporting my ongoing stories...boto-boto rin po ha???
hope ya also read sonnet series (let me be the one and Miss Imperfect )
salamats...lablab..kaya natin to! hihi