9

1308 Words
9 ARA’s POV Pagkahatid ko kay Mika ay umuwi na ako ng dorm. wala naman ako sa mood gumala ng ganitong oras lalo at busy siya sa trabaho niya. paano na kaya siya pag nagsimula na ang pasukan. Siguradong mas mahihirapan siya sa pagmamanage ng oras niya. Hindi ko naman iniisip yung mababawasan kami ng oras sa isa’t-isa e. alam ko namang ginagawa niya yung mga bagay na to para sa amin. Nag-aalala lang ako na baka hindi niya mamanage ng maigi ang oras niya at mapabayaan niya ang pag-aaral niya. May kanya-kanyang lakad ang team kaya itinulog ko na lang. bandang alas tres ng hapon ako nagising. At dahil inatake ako ng boredom ay napagdesisyonan ko munang lumabas at maglakad-lakad. Tinext ko na lang si Mika kahit hindi niya agad mababasa. Papalabas na ako ng gate nang may kotse na tumigil sa tapat ko. agad niyang ibinaba ang bintana at si Alwyn ang bumungad sa akin. Bumaba siya at lumipat sa kabilang bahagi ng kotse. “we need to talk..but not here..” Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. “alam kong pag tungkol kay Mika hindi ka makakatanggi.” Nagdrive lang siya hanggang sa makarating kami sa isang Resto. Siya na rin ang umorder para sa akin. “anong kailangan mo ba?” He looks at me seriously.”it’s about Mika.” Sabi ko na nga ba. “anong tungkol sa kanya?” “alam mo namang hindi siya sa sanay sa ganitong buhay Ara… bakit tinotolerate mo? you know how her parents are being hurt with her decisions…” “deretsuhin mo na ako Alwyn.” “okey. Hindi alam nina tito Miguel na pinuntahan kita. I want to offer you a deal.” “anong deal yan?” “ang kompanya na ang bahala sa lahat ng kakailanganin mo sa course mo until you graduate…at kami na rin ang hahanap ng employer mo after that.”pagpapaliwanag niya.”pero ang kapalit hiwalayan mo si Mika at kumbinsihin mo siyang bumalik na sa kanila…” “sa tingin mo gagawin ko yun? Anong tingin mo sa akin? mukhang pera?!”napagtaasan ko siya tuloy ng boses sa kalapastanganan niya. Ngumisi siya.”oh c’mone Ara… sa mga tulad niyo? Pera lang ang kailangan niyo…bilib nga ako dahil nagawa mong makumbinsi si Mika na talikuran ang mga magulang niya to think they are really close..” “hindi ko siya kinumbinsi. Ang ginawa niya ay sariling desisyon niya.” Bakit hindi mawala sa mukha niya ang pagiging matapobre? Nakakairita yung itsura niya. gusto ko siyang isubsob sa mesa pero ayokong ibaba ang level ko sa kanya. Sumandal siya sa upuan at nagcross arms.”maliit ba ang alok ko Victonara Galang? Or Are you waiting for tito Miguel or Tita Alicia for a bigger offer? Gusto mo ba yung mabubuhay na ang buong angkan mo? spill it out kaya kong tapatan yun…” Ayoko na. sasabog na ako. “alam mo? ikaw na ang desperado…hindi mo matanggap na ang babaeng pinangarap mo ay hindi mo makuha no?”pagtataray ko sa kanya. Yung totoo? Sa tingin ko nahawaan na ako ng ugali ni Mika e.”sorry na lang ha? Babae rin kasi ang gusto niya?subukan mong maging bakla…baka sakaling magkaroon ka kahit singko porsyentong pag-asa.”ngiting nakakainsulto ko sa kanya. “pero sayang e… alam mo kung bakit? Kasi ako ang mahal ni Mika.” Spike that Alwyn. Namutla ka no? bago pa man ako umalis ay tinapunan ko pa siya ng tingin. “huwag ka ng mag-aabalang kausapin ako ulit. Nagmumukha kang tanga.” “hindi mo kayang ibigay sa kanya ang karangyaang kinasanayan niya Victonara. Pag-isipan mo!” Tuluyan na akong umalis ng resto at nanggagalaiti pa rin sa galit. Tsss. Yan Alwyn na yan akala mo kung sinong kayang bilhin ang kaluluwa ng tao. Nagpabaling-baling ako sa paligid. Saan ako pupunta ngayon? gusto kong mawala tong badtrip ko bago umuwi ng dorm. Nagtawag na lang ako ng taxi. Sa daan ko na iisipin kong saan ako pupunta. MIKA’s POV Imbes na trabaho ang inaatupag ko nandito ako ngayon at nakikipagkwentuhan kena Jessy at Mela. Paano kasi ipinaalam nila ako sa manager na kung pwedeng pass muna ako sa trabaho ngayon. nagkataon namang kilala ni Mela personally yung manager incharge sa araw na to. “saan si Kim?”tanong ni MEla. “why?”ako na ang kampi kay Cienne diba? Mag-aaway lang kami ni Ara kung kakampihan ko si Kim.hoho. “natanong lang. she hasn’t called.” “kailangan ka ba niyang tawagan?”angtaray ko ba? Sorry naman. ganito talaga ako e. I don’t care though Siniko ako ni Jessy.”kahit kailan ang-blunt mo.” “what? Just asking Jessy.”painosente kong pagtatanggol sa sarili ko. “it’s okei.”matamlay sa sagot ni MEla.”gusto ko lang siyang kamustahin. Hindi niya sinasagot ang tawag ko kanina pa e.” Malamang sinusuyo niya si Cienne no? parang may mali dito e. ang sabi ni Kim magkaibigan lang sila ni MEla pero ang nakikita ko dito kay MEla may pagtingin pa rin siya kay Kim. “Mela… pwedeng magtanong?” “sige…ano yun?” “hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.”paninimula ko.”do you still love kim?” Napatingin siya sa akin. iniwas niya ang tingin niya pakanan. “hindi na.” That I don’t believe.”is that so? What if I tell you that she’s having hard times with cienne these past few days? And you are one of the reasons?” “huh? Ok lang ba si Kim? Nag-away ba sila? Hindi ko naman ginustong mag-away sila e. namimiss ko lang yung dating bonding namin ni Kim.”sunod-sunod niyang sagot. Gotcha Mela. Ngisi ko sa isip ko.”that I don’t know. Hindi namin pinapakialaman ang away ng dalawa.” She sighed sabay subo ng pagkain.”gusto kong makausap si Kim.” “saka na muna Mela.”payo ko sa kanya.”malaki ng gulo ang nagawa mo e.” “mika!”saway sa akin ni Jessy.”you’re so rude.” “hindi..ok lang...siguro nga hindi ko namamalayan na masyado ko nang inoobliga si Kim na samahan ako kahit alam kong may girlfriend siya.”matamlay na sagot ni Mela. “buti alam mo.”paismid ko na naman. Hindi nga kasi ako ganun kabait na tao diba? Anong magagawa ko if normal na sa aking yung mga ganyang pagsagot? Iniba na ni Jessy ang topic at napunta na sa paglalaro nila sa PPU. Si Chubs na kaklase ko noon e isa nang patpating volleyball player ngayon.hoho.nung nagsawa na silang magkwentuhan ay nagyaya na silang umuwi. “sama ka na mika…”yaya ni Jessy. “hintayin ko na lang si Arden para libre hatid.” “dala ko ang kotse ko…hatid ka na namin.”pangungumbinsi ni Jessy. “hindi na…next time na lang… “may magagawa pa ba sila kung ako na ang tumanggi?siyempre wala no. umalis na rin sila ng resto at kinuha ko naman ang susi ng kotse ni Arden. Duty pa siya e kaya joyride muna ako. Tinawagan ko si Ara at sabi niya nasa may park raw siya at nagtatanggal ng badtrip. Agad ko siyang pinuntahan pero bumili muna ako ng buko juice nang makabawas sa hot temper niya. nakaupo nga siya sa isang bench at mukhang malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya at inilahad ang buko na dala ko.”pampabawas badtrip moy?” Ngumiti naman siya pero halatang matamlay pa rin.”maaga kang nag-out ah?” “uhm..dumaan sina Jessy at Mela  sa QE. Hayun…kilala pala ni Mela yung manager kaya pass ako sa work ngayon.angduga nga e.wala tuloy akong kita sa araw na to.”reklamo ko. “mela at jessy? Nice.”komento lang niya. “oh? Violent reaction Moy? Sinubukan ko lang naman rin e kung ano talaga ang feelings ni MEla kay Kim andi just drew this conclusion.” “na mahal pa ni Mela si Kim?”pagtatapos niya sa sinasabi ko.”so cliché Mika. Sana naman hindi maisipan ni MEla na umeksena ngayong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan yung dalawa.” “oo nga e… “sang-ayon ko naman.”uhm nga pala… nakwento ko na ba yung tungkol kay Jessy?” “oo…ilang beses na bakit?” “luuh? Taray moy ha.”pisil ko sa pisngi niya. Sumandal siya sa balikat ko. parang anglaki naman ng problema nito. “I miss you moy.”sambit niya. nabalot na kami ng katahimikan pero ayos lang. yung pakiramdam na kasama ko ang babaeng pinakamamahal ko. my strength. Malapit nang mag-out si Arden sa duty niya kaya niyaya ko nang bumalik sa QE si Ara. Habang nasa byahe ay nag-music trip rin kami. Ganado ako sa pagmamaneho. “namiss ko to moy!” “alin?” “yung ganito.yung magjoyride lang maghapon. I miss my cars.”pagshishare ko sa kanya.”musta na kaya ang mga yun. Miss ko na rin yung motor ko.hahaha” Hindi ko lam kung bakit biglang tumahimik si Ara hanggang sa makarating kami sa QE. “are you okay Moy?” She nodded but she cant look straight into my eyes.”hintayin na lang natin si Arden dito.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD