8
Mika’s pov
Ramdam sa team ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan nuna Kim at Cienne. May mga pagkakataon na gustong lapitan ni Kim si Cienne pero lagging sumisingit si Carol. Tulad ngayon break time hindi mapaghiwalay ang tatlo. Katabi ko naman si Ara at Kim.
“paano ko makakausap si Cienne kung lagging sumisingit si Carol? May gusto ba siya sa Yam ko?”pagrereklamo niya habang nakatingin sa kinaaupuan nina Camille. “parang angsaya pa nila. May pasubo-subo pang nalalaman e hindi naman baldado si Cienne ah..”
Kinutusan siya ni Ara.”kung magmalinis ka naman Kim…ikaw nga kahapon sinusubuan ka ni Mela gustong gusto mo naman!”
“totoo?”
“e mapilit siya e…”
Pi-nat ko siya sa balikat.”have a taste of your own medicine Kim…”
“tsss…”nagngingitngit na siya sa inis pero hindi pa rin niya malapitan sina Cienne. “epal yang si Carol…”
Tumawa lang si Ara.”hay naku Kimikimi… pwede naman inaasar ka lang ni Carol diba? Hayaan mo na nga…tutal may kasalanan ka rin naman…”
“pero hindi porke may kasalanan si Kim pwede na nilang gawin yan…”pagtatanggol ko kay Kim.
“e yun ang diskarte nila e? anong magagawa natin diba? Kung ako ng ang nasa lugar ni Cienne baka nga nakipaghiwalay na ako kay Kim agad no…”
Natahimik ako dun ah?.”hiwalay agad? Hindi pwedeng pag-usapan muna? Unfair naman nun Ara..”
“anong unfair dun? Mas unfair yung ginawa ni Kim ah… binalewala niya si Cienne…masyado kasing mahal ni Cienne si Kim kaya kinikimkim niya yung galit niya…”
“e bakit kasi kailangan niyang kimkimin? Pwede naman niyang sabihin diba?!”
“kailangan ba lahat sasabihin? Dapat nakaramdam rin si Kim kahit papano na nagseselos si Cienne!”
Biglang ipinatong ni Kim yung mga towel sa ulo namin ni Ara.”shut up… alam ko na lahat yan…pwedeng huwag ulit-ulitin? Baka kayo pa mag-away e…”
Pagkatanggal ko ng towel ay lumipat ako sa tabi ni Ara.”moy hihiwalayan mo talaga ako agad?”
“oo bakit?”nakangisi pa siyang humarap sa akin.”takot mo lang no?”
“luuh…magkaiba naman kami ni Kim ah…”
Tumayo siya at nag-inat-inat.”bahala ka diyan Mika Aereen Reyes…”
Saka ito tumungo sa court para ituloy ang training. umakbay naman sa akin si Kim.”sss ang girlfriend mo young lady…tsk tsk tsk…”iiling-iling pa siya.
Nagpatuloy ang training. hanggang sa matapos kahit magkakampi sina Kim at Cienne ay hindi pa rin siya nito kinakausap. Anglaking torture naman nito oh.
“moy work muna ako…”paalam ko kay Ara sabay halik sa noo niya.”off ko bukas… saan mo gustong pumunta?”
“uhm…nagtext sina ate JM…dun daw muna tayo…miss ka na ng kambal e…”
“ayiiiiieeeee…”kantyaw ng team.”gumaganun na pala Ara ha? Ikaw na ang kinokontak ni Lady Jm ngayon…”
Umakbay ako kay Ara.”Yan tayo Moy e… malakas ka sa pinsan ko…”minasahe ko pa ang balikat niya.
“ewan ko sayo Baks…”pinalo niya ang kamay ko.”sige na…umalis ka na…mambabae ka lang dun ha? Galingan mo…”pang-aasar pa nito.
“luuuh…pinapamigay mo ako ha…”kunwareng pagmamaktol ko.
Ngumiti lang ito.”e kung gusto mo e ako pa ang maghanap ng babae mo..sisiguraduhin ko lang na pag pinatulan mo siya e hindi mo na ako makikita…FOREVER…”ngisi niya.
“luuuhhh….”
Kim’s pov
Umalis na ang ibang teammates namin kasabay sina Mika at Ara. Hinintay ko sina Cienne, nagbibihis pa kasi si Carol.
Hindi ako pinapansin ni Cienne kahit kasabay nila akong naglalakad. Nang makarating kami sa gate ay may naghihintay sa kanilang kotse. naunang sumakay si Camille.
“Ceinne tara na? naghihintay si Tito…”yaya niya.”Carol sasama ka ba?”
Pinigilan ko siya sa kamay.”pwedeng mag-usap muna tayo?”
Binalingan niya si Camille.”kambal mauna ka na…sabay ko na lang si ate Cha mamaya…”
“uhm…may puntahan rin muna ako.”paalam ni Carol at sumakay ng taxi.
Binabagtas namin ni Cienne ang daan papunta sa dorm. nakarating na kami sa may dorm hindi pa rin niya ako kinikibo.“cienne…”
Hinarap niya ako. “Bakit?”
“kausapin mo naman ako?”
“para saan? Anong pag-uusapan natin?”
Hinawakan ko ang mga kamay niya.”Yam…Sorry kung nasaktan kita. Pero isang chance lang naman ang hinihingi ko. Pag nasaktan ulit kita, hindi na ko magpapakita pa.”
“Chance? Alam mo bang pag binigyan mo ng chance ang isang tao, para mo na rin siyang binigyan ng pagkakataon na saktan ka ulit? Huwag na kim. Sa ngayon lang naman toh masakit eh. Pero promise, sa susunod hindi na. Hindi na talaga kasi ayoko na.”
Nanghina ang mga binti ko nang marining ko ang huling sinabi niya.”yam..anong ibig mong sabihin? Anong ayaw mo na?”
Binawi niya ang mga kamay niya.”Kim…sa tingin ko kailangan ko muna ng space from you…pinag-isipan ko tong mabuti…”
“ayoko…”pagmamatigas ko.”kung iiwanan mo ako parang pinamigay mo na rin ako kay Mela.”
“see? Hindi pa man rin Kim…si Mela agad ang nasa isip mo…”
“Yam…hayaan mo naman akong paramdam sayo na nagsisisia ako sa mga pagkukulang ko..hindi yung ganito tayo agad…”
Bumuntong hininga siya bago sumagot.”ilang beses na ba kitang binigyan ng pagkakataon? Kailangan mo pa ba ng signal na kailangan mong magsisi? Hindi mo ba kayang pakiramdaman?”
“cienne..please?”lumuhod ako.”one last chance please…”
Yumuko siya para tulungan akong itayo. She then hug me.”Kim… sorry… kailangan ko rin pagbigyan ang sarili ko… pag-isipan mo rin… baka si Mela talaga ang mahal mo…”bumitaw siya at saka pumasok sa kwarto.
Hinintay ko siya sa may hagdanan. “ihahatid na kita…”kinuha ko yung bag.
Hindi siya umimik. pagbaba namin ay nasa tapat na ang sundo niya. nakatayo sa tabi ng kotse ang isa sa mga bodyguards ni sir Brandon.
“salamat….”she coldy said.
“sasama ako hanggang sa mansion…”
Hindi na siya nakakontra. Kahit naman sabihin niyang ayaw niya susunod at susunod pa rin ako e. pagdatin sa mansion ni sir Brandon ay kinuha na ng maid ang gamit niya at sinalubong kami ni sir Brandon.
He seriously looks at me. “hi tito…”bati ni Cienne.”si Camille nandito na po ba?”
“she’s at the garden…stress daw e…”
“sunod na lang ako pagkaalis ni Kim.”said Cienne.
“sir.,..”yumuko ako at humingi ng tawagd kay Sir Brandon.”sorry po…nasaktan ko po si Cienne… gusto ko po sanang hingin ang permiso niyo na ligawan ko siya ulit.”
“si Cienne pa rin ang makakapagdesisyon niya Kim..”he answered. “I’m disappointed with you Kim…”
“sorry sir…”yumuko ako ulit.
“You can go Khymbhrly.”
Naglakad ito papalayo. “sorry Yam…”maluha-luha kong hingi ng tawad kay CIenne.
“uwi ka muna Kim…kita na lang tayo sa training..”
Niyakap ko ulit siya nang mahigpit.”Tayo pa rin Yam diba?”
“uwi ka muna Kim…”kumalas siya sa pagkakayakap ko. pinunasan niya ang mga luha ko.”pag-isipan mo munang maigi bago ka bumalik sa akin… I love you…pero hindi sapat ang pagmamahal lang…”
--